Chapter 6

1.2K 67 2
                                    

King Thorium's Point of View


"Your Majesty, karamihan po sa mamayan ay umaapila na pabalikin na si Archduke White. Hindi na po namin makontrol ang panindigan nila upang kamuhian ng tao," paliwanag ko sa harapan ng emperor pero medyo natatakot ako dahil baka ako nanaman ang pagbuntungan niya ng galit. Gaya ng inaasahan ko ay inihampas niya ang kaniyang kamay sa hawakan ng silya. 


"Hindi ko akalain na ang pagpunta niya sa Northern borders ay iyon rin pala ang magiging daan niya para lalong makuha ang puso ng mga tao. Hindi ko na kaya ang panghahamak ng mga tao sa Empire!" inis niyang saad. 


"Kamahalan, may naisip po akong plano para patahimikin ang archduke kung papahintulutan mo po ako humalili sa inyo at ipaliwanag ang aking plano," singit ko. 


Patawad Archduke pero para manatili ako sa position ay kailangan mong magsakripisyo. Huwag kang mag alala dahil hindi ko hahayaan na maghirap ang iyong anak, isusunod ko siya sayo. 


Maganda benepisyo narin ito sakin at ipapadala ko ang walang kwenta kong anak para siya ang kumuha sa karangalan para magkasilbi naman. 


...


Rora's Point of View


Wala nang pinagkaiba ang damit ko bilang flower girl at sa mga karaniwang ko sinusuot kaya bakit ako maeexcite na suotin ito.


Masaya ako para kay daddy at sa soon to be mommy ko. Ngayon na ang araw na hinihintay nila ang araw ng kasal. 


Hyst! Sana naman maayos ang maging takbo ng lahat.


"Lady Rora! Kanina pa po kayo hinihintay! Kung hindi mo po kaya mag bihis mag-isa ay papasok na ako para tulungan ka!" sigaw ni Torrie mula sa labas ng dressing room ko kaya wala akong nagawa kundi ang magbihis agad at lumaba. Pero hindi pa ako nakakalabas ng pinto ay bumungad na sakin ang male lead na ito. 


"Dapat pala nag suggest ako na pink nalang ang color coding sa damit. Mukha ka paring White Witch sa suot mo," panglalait niya pa kaya ngumiti nalang ako ng pilit. 


"Hindi ko kailangan ng compliment mo at bakit nandito ka nanaman?" tanong ko sabay taray. 


"Kailan ka aalis rito sa Northern borders? Hindi sa masyadong panira ang presence mo rito pero parang ganon na nga kaya hinihiling ko ang pagpanaw mo," walang filter kong sambit sa kaniya pero napakatigas ng ulo niya at nagpaka feeling close parin sakin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya at kung anong pakay niya sa paglapit sakin. Ilang beses ko narin siyang sinungitan at in-offend pero walang nangyari. 


Hanggang magsimula ang kasalan ay magkasama kami ni Dion at escort ko siya sa pagiging flower girl. 


"Ngumiti ka naman habang naghahagis ng bulaklak, mukha kang white lady na nagbibigay ng sumpa sa magsing irog," bulong niya sakin pero hindi ko siya sinunod at sinabuyan sa mukha ng petals.


"Ops! Sorry,"  saad ko matapos kong sadyaing tapunan siya sa mukha. How satisfying. 


Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now