Chapter 17

729 41 8
                                    

"Gosh! Mas bagay si Duke Dion at ang imperial princess!"

"Kung hindi lang inakit ng winter monster si Duke Dion, sana maganda ang future ng empire!"

" Hey! Huwag kayong maingay, baka marinig kayo ni Duchess Aurora."

Concern sila na baka marinig ko. Talaga lang? Hindi halata dahil sobrang lakas ng bulong nila at hindi man lang hininaan kahit na alam nilang nasa tabi lang ako. Salamat sa concern niyo, na appreciate ko.

By the way, tama nga sila na bagay silang couple. Dahil ang mundong ito ay ginawa para sa kanilang dalawa. Walang hihigit sa kanila... pero may something na sumaksak sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila. Akala ko magiging reader lang ang concept ko rito pero parang naging love rival.

Bumagay pa sa suot ko na pula na nagmukhang kontrabida. Hyst!

I think mas maganda kung lalayo ako para iwas panira sa event. Agad akong nagtungo sa balcony upang magpahangin at pagmasdan ang madilim na kalangitan.

Walang magandang tanawin ko pagkakalibangan sa loob dahil kahit saan ako tumingin ay ang pagpaslang sa akin ang nakikita ko.

That stupid couple let me die miserable after they use me as tool. Itong lugar na ito ay ang naging huling hantungan ko. Tanging sila dad lang ang tumanggap sakin kaya kahit anong mangyari ay ayokong lumayo sa kanila.

Nakarinig ako ng kaluskos at yakap papunta sa gawi ko kaya nilingon ko.

"Rora?" tawag ni Vince.

"Vince, I'm mean prince Vince," pagbati ko na may kasamang paggalang.

"Nasaan si Dion, bakit iniwan ka niya ritong magisa?" tanong niya. Hindi ko mapigilang maging malungkot sabay turo sa loob ng palasyo kung saan maraming nagkakasiyahan.

"That Bastard!" bulaslas niyang sigaw na nagbabantang sumugod pero pinigilan ko.

"H-Hwag. Actually, plano ko iyon. Hehe," saad ko.

Itinaas niya ang isa niyang kilay habang nakatingin sakin.

"Alam mo naman siguro na aksidente lang ang pagpapakasal namin ni Dion at ilang beses ko pa lang siyang nakikita bago kami ikasal. Medyo napagtanto ko na may kaniya kaniya kaming gusto; ako para lumaya at siya para sa tunay niyang mahal na ang prinsesa. Kaya mas mabuti kung magkakamabutihan na sila para makalaya na ako!" paliwanag ko habang nakangiti. Nang tingnan ko siya ay mukhang hindi siya interesado sa kwento ko at nakayuko lang.

"S-So makikipag divorce ka sa kaniya?" tanong niya.

"Um... Oo. Para sa kapakanan naming dalawa," sagot ko.

Namilog ang aking mata ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kaniya. Halos hindi rin ako makahinga ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Rora, matagal ko na itong gustong sabihin sayo kaso hindi ko magawa dahil akala ko wala na akong pag asa na manalo..."

Pwede naman atang sabihin siya saakin ng mahinahon at hindi na kailangan yakapin ng mahigpit. Pinipilit kong kumalas pero masyado siyang malakas.

"I like you. Rora, I really want to marry you and be my wife. I'll do everything to make you happy, kahit buhay ko ay ibibigay ko maging masaya ka lang!" pagtatapat niya na parang bumuhos sa aking na malamig na tubig. Hindi ako makagalaw at hindi alam ang sasabihin pabalik.

Napayuko ako bago nagsalita, "Vince, I'm sorry..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon, inisip kong maging malaya pero wala akong planong magpakasal  ulit. Isa pa tyrant siya noon unang buhay ko kaya hindi pa alam kung magiging maayos ba ang future ko na kasama siya.

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now