Chapter 19

673 41 1
                                    

Dion's Point of View


"Rora..."


Parang may sumabog sa loob ko na halos gumuho ang aking mundo. 


Tama...


Ganto nanaman ang mangyayari...


Iiwan mo nanaman ako at ipagpipilitan sa kaniya. Mula noon hanggang ngayon ay hindi ka nagbago lagi mo akong iniiwan at pinipilit sa kaniya. 


Hindi ako nakalimot... Sariwa parin sakin ang mga nangyari at ang mga pinagsisisihan ko. 


"Kung nakilala lang kita agad, hindi ka mamatay sa harapan ko. Kung nalaman ko lang sana na dalawa kayo at ang pagmamanipula sayo ay naligtas pa sana kita."


Rora... akala ko maayos na ang lahat dahil akin kana. Nasa tabi na kita at ang kailangan ko nalang baguhin ay ang bumuo ng alaala na kasama ka. Akala ko hindi kana maglalaho katulad noon, pero nagkamali ako.


Rora, kailangan ako matatapos sa paghahabol sayo. Hindi ka anino na naglalaho sa dilim, tao ka. 


Flashback...


"Napaka interesado mo ata kay Princess Yesenia? Dion kung wala kang gusto sa prinsesa ay layuan mo na siya. Huwag mo siyang paasahin," paalala ng isa sa comrades ko. 


Pero buo na ang isip ko. Kailangan kong malaman kung siya nga ba talaga ang babaeng nagligtas sakin.


"Inaalala mo parin ba ang tungkol sa batang babaeng pumatay ng dragon? Dion, isekreto mo ang tungkol sa nangyari dahil kung hindi ay masisira ang katungkulan mo pag nalaman na ang babaeng may dilaw na buhok at red ang mata ang tunay na nakapatau sa dragon. Alalahain mong second son ka," pag papaalala niya pero wala akong pakialam sa titulo ko basta mahanap ko siya. 


Ang araw na napasama ako sa mga ipapakain sa dragon ay kasama ko siya. Iniligtas niya kami gamit ang mga paro-paro na lumabas mula kung saan at sinusunod siya. Hindi ko naanag kung sino siya, kung anong pangalan niya pero nangako siyang poprotektahan niya kami kahit mas bata siya sakin. 


Kahit bata pa siya ay kaligtasan na ng nakakarami ang nasa isip niya. Siya ang dahilan kaya nagpupursige ako magligtas ng tao. Umaasang makikita ko siya ulit sakaling dumaan ako sa parehong landas na tinatahak niya. 


"Ito nalang ang huling pag asa ko dahil kahit saan ako maglibot ay hindi ko siya makita," saad ko at diterminadong makita ang prinsesa sa age coming ceremony niya.


"Please bow your head and show respect to the star of the emperial palace!" 


The moment I saw you, halos mabulag ako sa kinang na nakabalot sayo kahit na nakatakip ng maskara ang mukha mo. Ang simula ng misunderstanding hanggang sa patungo sa pagkamatay mo. 


Nag confess ako sa sayo dahil akala ko ikaw at ang prinsesa ay iisa. Ikaw ang lahat sakin pero bigla ka nalang naglaho pero katulad ng pinangako mo. Nasa tabi ka lang at binabantayan kami nililinis ang daan na tinatahak namin. 

Shadow's reborn as Perfect VillainessWhere stories live. Discover now