Chapter 14

888 45 0
                                    

"Whua! Ayokong umalis! Madam Eunice, I mean mommy pakiusapan mo si Dad o pwede naman na sa ibang bahay na ako tumira. Kahit hindi niyo ko suportahan, ayos lang," pagmamakaawa ko. Although, nasa labas na ang carriage na maghahatid sakin sa Walden Mansion ay naasa parin akong maawa sakin si dad. 


" Um... Rora ginawa ko na yan kaso buo na ang desisyon ng dad mo tsaka isa pa mag asawa kaya ni Duke Dion. Kung hindi ka mahihirahan kasama ang asawa mo ay pag-uusapan ka sa social circle," payo sakin ni Eunice. 


Hindi ko siya asawa, Okay! Ialang araw magmula ngayon ay itataboy niya ako at mas lalo ang mapapahiya sakaling hindi siya makikipag divorce! 


Lumapit sakin si Eunice at hinawakan ang aking kamay."Rora, lahat ng ginagawa namin ay para sa kapakanan mo. Naintindihan ko kung bakit hindi tutol ang dad mo kay Dion dahil mas kaya ka niyang protektahan kaysa sa iba. Masyadong komplikado ang buhay sa kapital lalo na sayo kaya sana maiintidihan mo kami at alam kong ito rin ang nais sabihin ng iyong ama sayo. Mahal na mahal ka namin, tandaan mo iyan lagi. "


Sa mga salita niya ay piling ko napakaimportante ko. Sa past life ko ay kahit isa, walang gustong magtanong kung kumusta ako. Lagi akong naasa sa sarili ko. Salamat naman dahil sa wakas naging masaya ako. Pero, ako dapat ang magorotekta sa kanila. They see me as a abandoned princess kaya natural lang na maawa sila kaso mas malala pa ako roon. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa at labanan ang kapalaran ko. 


Napakuyom ako ng kamao at ipagpupumilit parin sanang luyuan si Dion kaso biglang nag-interrupt sa usapan namin ang butler ni dad. 


"Duchess Walden, pinapatawag po kayo ng archduke," saad niya at para akong nabagsakan ng bato sa ulo. 


Sinasadya ba ni dad na inisip ako. Duchess Walden? Whua~ gusto kong takpan ang bibig ng butler. 


Kahit medyo naiinis na ako ay pumunta parin ako sa office ni dad. Marahas kong binuksan ang pinto at halos masira ang pinto. 


"Duchess Walden, kanina pa naghihintay ang mga knight ni Duke kaya mas mabuti pang umalis kana," saad niya. Halos parang madurog ang puso ko at maparalisado ang aking katawan. Hindi ko akalain na iba na ang itatawag sakin ni dad, pakiramdam ko ay hindi na ako belong rito. 


Dahil ba sa anak ako ng emperor kaya ayaw niya sa'kin? Hindi ako sanay at piling ko tutulo na ang luha ko. 


"Rora," tawag sakin ni dad kaya hindi ko na napigilang mapaiyak sa harap ni dad. 


"Huhu, dad. Akala ko hindi mo na ako ituturing na anak. Hindi ako sanay, ayokong umalis sa tabi niyo..." Halos hindi tumitigil ang luha ko na umagos at kumirot ang aking dibdib. 


Lumaki ako kay dad, dahil sa kanila ay nagbago ang naging makulay ako buhay ako kaya paano ko magagawang umalis sa tabi nila. 


Marahang ginulo ni dad ang buhok ko tsaka pinunsan ang luha ko sa pisngi. 


"Ang White Clan ay napakagulo. Isang sumpa ang pagiging pagiging White clan. Sumpang inilagay ng emperial blood kaya nais kong hindi ka madamay. Labag man sa kalooban ko na ilayo ka ay kailangan kong gawin at si Dion lang ang pinagkakatiwalaan ko. Marami siyang sinakripisyo para sayo kaya pinagkakatiwalaan ko siya at sana ganoon ka rin sa kaniya. Paalam anak ko." Sa mga sinabi ni dad ay lalo nagpatuloy ang aking luha sa pagbagsak at hindi mapigilang yakapin ng mahigpit ang aking ama. 

Shadow's reborn as Perfect Villainessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें