Part 5

1.2K 24 0
                                    

(Tanya POV)
+ mabilis na dumating ang ambulansya, masyado ring mabilis ang pangyayare, walang nakakita samin ni Primo ng itsura ng nakabangga, nasa Operating Room na ngayun si Sir Luis. Hindi padin ako makapaniwala na sya ang ama ni Primo. Sa ngayun hindi ko pa sya makausap ng ayos. Tumawag sakin ang headquarters at sinabing hawak na nila ang nakabangga, lumapit ako kay Primo na nakabantay lang sa pinto ng operating room.
Aya- Sir?
+ tahimik lang sya at hindi humaharap sa akin.
Aya- aalis po muna ako papuntang presinto, nahanap na daw po ang nakabangga, ako na po ang bahalang humarap muna.
+ hinawakan ko sya sa braso pero tinabig nya. Nilampasan nyako.
Aya- Sir, san ka pupunta?? Sir Primo!!!
+ sumunod agad ako sa kanya, alam kong pupunta syang presinto para harapin ang salarin. Kahit sa kotse hindi na nyako nahintay at nag drive na palayo, agad akong pumara ng taxi at sumunod sa kanya. Alam kong galit na galit sya pero delikado parin lalo na at kilala syang tao. Paglabas nya ng kotse, bumaba narin ako at hinabol sya papasok ng presinto.
Primo- Nasan na?
SPO2- Mr. De Chavez, good thing nandito kayo.
Primo- ASAN NA?!!!
+ nagulat ako, katulad ng ibang mga pulis na nandito.
SPO2- nandito po sya.
+ pinasunod sya ng pulis sa Interrogation room, kaya bumuntot din agad ako. Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto isang katakot takot na sapok agad ang inabot ng isang lalake na nakaupo at nakaposas.
Aya- Sir.
+ pinigilan sya ng mga pulis.
Primo- HAYOP KA! SISIGURADUHIN KONG MAKUKULONG KA.
Aya- Tama na.
Primo- PAPATAYIN KITA.
+ panay naman ang pag mamakaawa at paghingi ng tawad ng lalake.
Lalake- hindi ko po sinasadya patawarin nyo po ako.
SPO2- Mr. De Chavez, we are currently undergoing interrogation, wag kayong mag Alala, gagawin namin ang lahat para mabigyan kayo ng sapat na hustisya. Maam, maari po bang ilabas muna natin si Sir.
Aya- opo.
+ tinulungan ako ng isang officer na ilabas si Primo sa room na yun. Ramdam ko ang galit nya pero ito na lang ang magagawa namin na paraan.
Aya- Sir Primo, mas mabuti po siguro na nasa ospital kayo ngayun, mas kaylangan kayo ni Sir Luis.
+ tumingin sya sakin, tapos ay naglakad na palabas ng presinto, this is the first time na nakita ko syang ganyan, mejo naawa ako sa kanya sa nangyareng ito. After 1 hour ng paghihintay ko sa presinto, lumabas na ang mga nag interrogate pati yung lalake. Sa totoo lang napansin kong umiiyak yung lalake. Nasa harap sya ngayun ng Information desk para hingin ang primary information sa kanya. Lumapit naman sakin ang isang pulis.
SPO2- Maam, wag kayo mag alala, inamin din naman nya na sya nga ang nakabangga pati ang violation nya na dire diretsong pag dadrive under the red stoplight, ilang information na lang ang kaylangan namin pati pag alam kung intentional ba o hindi, then there is no need for hearing makukulong sya agad.
Aya- salamat.
Lalake- Sir, Maam, inaamin ko po ang kasalanan ko pero kahit sandali lang payagan nyo po sana akong makita ang mag ina ko. Parang awa nyo na.
Major- dalhin nyo na muna yan.
Lalake- parang awa nyo na po..
Hinila na sya ng dalawang pulis.
Aya- mag ina?
Major- ah yes Maam, ng makabangga sya kasama nya ang mag ina nya, isang 5 months old baby at ina nito. Dinala narin sa ospital kasi critical ang baby dahil sa aksidente.
+ nanlumo ako sa narinig ko.
Major- sa ngayun kami ang naka alalay sa pamilya nya, hindi pa kasi sya pwedeng makalabas sa ngayun para makita sila, itutuloy bukas ang secondary interrogation.
Aya- same hospital lang po ba ang pinagdalhan sa mag ina nya?
Major- yes maam.
+ kawawa naman yung bata. Umalis nako ng presinto pagkatapos nun at bumalik sa hospital, naabutan ko dun si Primo na nakasabunot sa ulo. Alas dose na ng gabi pero wala parin syang imik, ayoko munang magsalita alam kong hindi sya okay. Bumuntong hininga na lang ako. Maya maya lumabas sa OR ang doctor.
Doc- are you the realatives?
Primo- yes
Doc- He survived, but not stable, kaylangan pa namin syang i observe, critical ang breathing nya. We will transfer him now to a room para maobserbahan.
+ huminga sya ng malalim.
Aya- salamat po.
Doc- okay.
+ pag alis ng Doctor, sumunod kami sa room na pag tatransferan ni Sir luis. Hindi umaalis ang tingin nya sa daddy nya. After ilang minutes lumabas muna ako para bumili ng pagkain, pabalik nako ng may nakita akong ginang na nakaupo sa hallway at umiiyak, napatingin sya sakin. Napaiwas ako ng tingin at didiretso na sana ng lakad ng bigla nyakong hawakan.
Ginang- Maam diba kasama kayo nung matanda at nung lalake?
+ sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya pero hindi nyako bitawan.
Ginang, tulungan nyo po kami, hindi ho sinasadya ng asawa ko ang nangyare, baka pwedeng pakawalan nyo na sya, kaylangan namin ang asawa ko, kaylangan sya ng anak namin. Parang awa nyo na.
+ hindi ko alam kung anong isasagot ko, iyak lang sya ng iyak, may nakatingin narin sa aming ibang pasyente. Inalis ko ang pagkakakapit nya sakin.
Aya- Pasensya na po.
+ naglakad nako palayo. Kinabukasan, nasa kwarto parin kami kung san naka confine ang ama ni Primo, hindi sya natulog, maya maya nag ring ang phone nya.
Primo- Total inamin na nya, sinadya man nya o hindi, ikulong nyo na. Dalhin nyo na lang lahat ng kaylangan kong pirmahan kapag sinabi ko.
+ napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang mejo hindi ako komportable sa nangyayare, alam kong mali ang nagawa ng mama, pero bakit parang may mali.
Primo- Aya.
Aya- Sir.
Primo- Kapag may dumating, sabihin mo ayoko muna ng bisita. Kahit sino pa yan. Maliban kung nurse at Doctor.
+Yumuko na lang ako at tumango. Lumabas muna ako ng kwarto, napapaisip kasi ako. Hindi ko naman sya magawang kausapin. Paglingon ko may dalawang taong parating ng malapit na sila, Si Madam Loida at yung model pala. Dire diretso sana sila pero humarang ako saglit.
Aya- Madam pasensya na po.
Loida- napanood ko ang nangyare. Kaylangan ko syang makita.
Aya- ayaw po muna nyang magpapasok ng bisita.
Loida- Aya, Nanay ako ng boss mo.
Aya- sorry po.
+ hindi naman sa ayaw ko talaga, pero alam kong hindi sila okay ni Primo kaya baka mas lumala pa.
Loida- bakit ba ang kulit mo?!!!
+ pinipilit nyakong itulak, pero pinigilan ko sya.
Allissa- how dare you?? Sino ka ba? PA ka lang diba?!!!!
Aya- pasensya na po uli.
Allissa- hindi mo bako kilala? Gusto mo ipatanggal kita sa CEO nyo.
+ bumuntong hininga na lang ako.
Loida- tumabi ka!!
+ nagulat kami pare pareho ng may nagbukas ng pinto.
Aya- Sir.
Primo- Malinaw naman siguro ang sinabi ng PA ko, ayoko ng bisita!
Loida- anak, ayos ka lang ba? Gusto ko lang namang masiguradong-
Primo- pwede bang umalis na kayo?
Allissa- Primo, she's your mother.
Primo- oo, pero hindi ka na related kay daddy diba? Kaya hindi kayo kaylangan dito!
+ nagkatitigan na lang si Primo at ang kanyang ina. Bumuntong hininga na lang si Madam Loida.
Loida- okay, pero pag kaylangan moko, nandito lang ako.
Primo- hindi kita kakaylanganin.
Allissa- Primo this is too much!
+ hinawakan sya ni Madam.
Loida- lets go Allissa.
+ hinila na nya yung Allissa paalis. Napatingin na lang ako kay Primo na seryosong seryoso.
Aya- Sir aalis din po muna ako.
Primo- san ka pupunta.
Aya- magbibihis lang muna atsaka dadaan ako sa condo nyo para kunan ka ng pamalit.
+ tumango na lang sya at binigay sakin ang susi ng kotse. Ganun na nga ang ginawa ko. Pagdating ko sa condo ko, nasalubong ko pa si Troy na kalalabas lang din ng Condo nya.
Troy- Aya?
Aya- oh? Alis ka na?
Troy- tatawagan pa lang sana kita. Nag Okay ka lang?
Aya- ah oo.
Troy- Aya maputla ka!!!
Aya- hm? Ahhh hindi okay lang ako, siguro napuyat lang.
+ siguro hindi pa nya alam ang tungkol kay Primo, pero panong nalaman ni Madam Loida.
Troy- Papunta nakong Zentro, sabihin mo kay Primo, kaylangan sya sa office, my Secretary informed me, na may something na kumakalat sa social media about him, Hindi ko pa nakikita, kaya nag aalala ako sayo.
+ inalalayan nyako papasok ng Condo ko.
Troy- Aya, okay ka lang ba talaga? Nag aalala na talaga ako.
Aya- oo naman.
Troy- after kong maayos ang tong sinasabi ng secretary ko regarding Primo, aalis nako pa thailand by 4 pm, ano ba talagang nangyare? Alam kong alam mo yun.
+ napahawak ako sa lamesa, mejo nahihilo kasi ako.
Troy- nevermind, magpahinga ka na lang muna, I need to go, magpapadala ako ng makakain mo ha.
+ tumango na lang ako. Iniupo nya muna ako sa sofa at dinalhan ng tubig, pagkatapos ay lumabas na sya. Huminga muna ako ng malalim na malalim pagkatapos ay pilit na tumayo uli, kaylangan kong maligo at magbihis at dadaan pako sa condo ni Primo. After nun, napansin ko sa salamin na mejo maputla nga ako, sa pagpupuyat ko na nga siguro ito, pati sa pagod. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas, nag drive na uli ako papunta naman sa condo nya, pagdating na pagdating ko dun, naghanap agad ako ng masusuot nya. Patapos nako ng may kumatok, kaya pinagbuksan ko ito ng pinto.
Alex- Pri-Aya?
Aya- Alex, may kaylangan ka ba?
Alex- nandyan ba si Primo?
Aya- wala eh,
Alex- may kaylangan sya malaman.
Aya- ano?
+ niyakag nyako pa loob uli.
Alex- halika may ipapakita ako sayo.
+ nilabas nya ang cellphone nya ay pinapanuod.
Alex- marami ang naka kilala sa kanya at nag video sa daan, mas kumalat pa nung mabuksan ang issue ng pagtawag nya ng daddy sa matanda, pinag uusapan ngayun sa social media na nagpanggap lang syang mayaman ang daddy nya ni si Sir Enrico at itinago nya sa publiko kung sino ang tunay nyang ama.
+ kumunot ang noo ko sa mga napapanood ko sa cellphone nya pati sa mga sinasabi nya.
Alex- narinig ko rin na pinag uusapan sya sa set namin, na siguro daw ikinahihiya nya ang tunay nyang ama.
+ napahawak na lang ako sa braso ni Alex, pano ba nangyare na lang bigla ang lahat ng ito. Kinuha ang bag ko na may lamang mga damit ni Primo at lalabas na sana.
Alex- Aya?
+ hahawakan ko palang ang doorknob ng pinto, ng umikot ang paningin ko.
Alex- Aya! Ayos ka lang?
+ naramdaman ko pang hinawakan ako ni Alex, pumilit akong tumayo at naka alalay sya sakin pero mga ilang sigundo lang ay bumagsak uli ako at after nun nawalan nako ng malay.
(ALEX POV)
+ nagulat ako napatabo ng bigla na lang syang bumagsak, kanina ko pa talaga napansin na maputla sya, binuhat ko sya at inihiga sa kama ni Primo, sabay lumabas at humanap ng assistance ng hotel, humingi di ako ng favor na magpadala sila ng nurse, good thing ng icheck nya, hindi naman daw malala, kaylangan lang nya ng pahinga, siguro pagod na pagod talaga sya lalo na sa mga nangyayareng to. Kinuha ang bag na dadalhin sana nya, ako na lang ang magdadala nito kay Primo, aylangan din nya malaman ang nangyare kay Aya, total may magbabantay naman sa kanya, babalik na lang ako pag naihatid ko na ito.
(TROY POV)
Troy- Ano to?
Sec- yan po ang kumakalat ngayun sa social media na video ni Primo habang may hawak na matanda.
+ nakita ko si Tanya sa Video.
Troy- Do something para ma shut down ang video na to!
Sec- nilakad ko na po, pero currently marami na ang nakakuha ng kopya, but we are still working for that Sir.
Troy- If hindi agad, atleast i blur ang muka nila!
Sec- yes Sir.
Troy- nasan si Primo ngayun?
Sec- sa ngayun hindi padin po sya macontact, I am currently looking for Miss Aya sa ngayun, alam ko pong alam nya kung nasan si Sir Primo.
Troy- No, ako na muna ang hahanap kay Primo.
+ mabilis akong lumabas ng office at kinuha ang kotse, papunta ako ngayun sa Condo nya, pagdating ko dun nagulat ako sa dami ng reporters sa labas nito kaya hindi ako basta makapasok, I did my best para dumaan sa likod ng building at nakapasok nga ako malapit sa exit. Good thing may mga nakabantay na guard sa harap kaya di makapasok ang press, umaakyat agad ako sa floor kung san naron ang kwarto ni Primo. Kumatok ako ng kumatok, at maya maya may nagbukas nito, nagulat ako kasi isang babae ang nagbukas.
Troy- nandito ba si Primo?
Babae- naku wala po eh, sabi po ni Sir Alex, PA nya po yung naiwan dito.
+ PA?
Troy- san?
Babae- nasa kwarto po nya.
+ mabilis akong pumasok sa loob at dire diretso sa kwarto ni Primo, nagulat ako ng makita ko si Aya dun na walang malay at maputlang maputla.
Troy- anong nangyare sa kanya?
Babae- ang sabi po ni Sir Alex, bigla na lang daw po nahimatay. Ang sabi naman po ng Nurse, dahil daw po sa pagod at puyat. Kaylangan lang daw po nya ng pahinga. Mamaya po babalik yung Nurse para icheck sya.
+ lumapit ako at hinawakan sya sa kamay, kung alam ko lang na ganto, sana hindi ko sya iniwan kanina.
Troy- Si Primo? Nasan sya?
Babae- hindi pa po sya bumabalik, kagabi pa po yung huling kita namin na lumabas silang dalawa.
+ napapikit na lang ako at tumungo, hindi nako natutuwa sa mga nangyayare sa kanya nato, wala nakong pake gagawin ko ang lahat para malayo na sya kay Primo.

Itutuloy......

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now