Part 35

792 11 0
                                    

( PRIMO POV )
+ Nasa pinto ako ngayun ng Resthouse at nakasandal habang si Aya nakaupo at nakatungo sa lamesa. Si Allissa naman tulala na nakaupo a sofa.  Lumapit sakin si Cyrus.

Cyrus- Pano nangyare yun?  Wala ka man lang ba nalaman sa mga yun.
Primo- Kahit kelan hindi ako nagkaron ng pakialam kay Enrico.
Cyrus- Ano bang gusto nyang mangyare?
+ tumingin ako kay Aya.
Primo- wala rin akong pakialam kung anong gusto nya. Wag nya lang sasaktan si Aya.
Cyrus- Alam kong galit na galit narin sa ngayun si Allissa.
+ tumayo si Aya at lumapit samin.
Cyrus- ayos ka lang?
+ tumango lang sya.
Aya- In 2 days,  gawan mo ng paraan para makalabas ng bansa si Allissa. Kung kayang mapabilis gawin mo.
Cyrus- pero akala ko ba,  kakaylanganin pa sya para labanan si Enrico.
+ ngumiti si Aya ng bahagya sa kanya.
Aya- Hindi ko naman intensyon na gamitin sya eh. Ginamit na sya ni Enrico at hindi na mauulit yon.
+ tumango na lang ako, tama sya.  Hindi kaylangan ni Aya na manggamit para lang mapabagsak ang isang tao. Marami syang paraan na pwedeng gawin maliban don.
Cyrus- tama ka.
+ tumingin si Cyrus kay Allissa.
Cyrus- Ang totoo, sinusubukan naman nya eh. Sa totoo lang,  minsan na nyang kinamusta ang lagay ng mga staff.
Aya- mabuti kung ganun. Basta hanggat inaayos mo pa ang papers para maka alis sya,  intindihin mo na lang din.
+ tulala parin si Allissa don. Naiintindihan ko rin ang nararamdaman nya,  kaya hinayaan na lang namin sya.
+ nagulat kami ng tumunog ang cellphone ni  Aya. Kinuha nya agad yun at sinagot.
Aya- Troy.
[ Aya,  kasama mo ba si Primo? ]
Aya- oo bakit?
Primo- may problema ba?
[ Sabihin mo umuwi sya agad sa Condo nya.  Kanina pa tawag ng tawag ang mommy nya sakin, hindi daw sya ma contact! ]
Aya- Asan ang cellphone mo?
Primo- nasa kotse.
Aya- Troy,  ano bang problema?
[ Kanina pa daw may nag pupumilit pumasok sa Condo nya,  tinawagan nya lang ako gamit ang telepono.  Papunta narin ako dun.]
+ tumingin sakin si Aya.
Primo- bakit?
Aya- Ang Mommy mo!!
+ napatingin sila lahat sakin pati si Allissa ay napatayo. Mabilis akong kumilos palabas at kinuha ang susi ng kotse ko sa bulsa.
Aya- Cyrus,  ikaw na bahala dito.
Cyrus-  Sige mag iingat kayo.
+ mabilis akong sumakay ng kotse at paandarin sana yun ng pigilan ni Aya ang pinto. Kabado nakong humarap sa kanya.
Aya- Sasamahan kita.
+ ngayun ko lang napag tanto. Na tuwing may hindi maganda at biglaang nangyayare sakin iniiwan ko sya tulad ng sinugod ko sa 0resinto ang naka bangga kay Daddy,  pati nung araw na namatay si Daddy.  Pero lagi lang syang sumusunod. Hinawakan nya ang kamay ko. Tumango na lang ako at hinintay syang makasakay ng mabilis sa passengers seat. Pinaandar ko na agad ang kotse at mabilis na nagpatakbo.

( LOIDA POV)
+ Hindi nako mapakali,  kanina pa may hampas ng hampas sa pinto ng Condo,  ng sinilip ko kanina sa monitor,  tatlong mga kalalakihan ang paikot ikot lang sa labas ng pinto, pilit na binubuksan ang pinto,  tinawagan narin ako ni Troy na papunta na sya. Hindi ko kasi ma contact si Primo kanina pa. Paikot ikot lang ako at mejo pinapawisan na sa kaba,  mas nagulat pako ng isang malakas na pukpok uli ang nagmula sa pinto,  kaya natatakot nako na baka mabuksan na nila,  tumawag nadin ako ng security pero hanggang ngayun wala pa sila. Mejo naiiyak nako,  alam kong si Enrico ang may kagagawan nito dahil kilala ko ang muka ng tatlong yun,  madalas nyang makausap ng mga yun.  Dyusko tulungan nyo po ako. Tumayo nako sa harap ng pinto at humarang dun,  medyo umiiyak nako dahil parang walang nadating na tulong.  Umupo ako ng patalikod at nagtakip ng tenga dahil ang lakas ng mga pag kakapukpok nila sa pinto. Inilibot ko ang paningin ko para humanap ng pwedeng maging pang depensa,  ng makita ko ang kutsilyo. tatayo sana ako.
Loida- AHH!!!!
+ isang putok kasi ng baril ang bumulahaw,  binaril nila ng isang beses ang pinto para mabuksan,  nanlaki ang mata ko at tumakbo ng mabilis papuntang kwarto ni Primo para magtago sana pero,  binaril nila uli ng isa pa ang lock ng pinto kaya napayuko ako agad,  pagkatapos ay sinipa sipa yun. Mabilis akong nagsumiksik sa sulok ng kwarto ni Primo,  nakita ko pa ang cellphone ko na tumutunog sa lamesa. Nakapasok na sila sa loob,  wala ngkapantay ang bilis ng tibok ng dibdib ko.
- Madaam Loida??  Labas ka na.
- May gusto lang mangamusta sayo.
+ napatakip ako ng bibig at sinilip ang cellphone ko sa lamesa na tunog ng tunog at maya maya binaril din nila yun kaya wasak na wasak ito. Dyusko parang awa nyo na,  tulungan nyo po ako.  Primo anak ko. Tumulo na ng tumulo ang luha ko hanggang sa makapasok sila sa kwarto ni Primo at makita ako sa sulok,  napalupagi na lang ako ng makita nila ako.
-  Madaam Loida,  andyan ka lang pala.
+ lumapit ang isa sakin at hinawakan ko sa braso tapos hinila patayo. Ramdam ko na punong puno na ng luha ang mata ko.
Loida- Anong kaylangan nyo sakin?!!!
-  Pinasundo ka lang samin.
Loida- Mga walang hiya kayo, padating na ang security!!!
-  anong security.  Wala na,  nakatulog na hahahha.
+ nagtawanan silang tatlo. At kinaladkad nako.
Loida- BITAWAN NYOKO!!! MGA D*M*NY* KAYO!!!!
- pero hindi nila ako binitawan at kinaladkad nila ako palabas ng Room ni Primo. Nagsisigaw ako pero walang nadating na tulong.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now