Part 20

900 15 0
                                    

( AYA POV )
+ Nandito padin ako stage sa harap ng maraming tao at walang pahingang Camera.  Sobra ang kaba ko sa dibdib at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bumaba muna si Cyrus at naramdaman ko namang hinawakan ni Troy ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.
Troy- kaya mo yan.
+ napa lunok ako.
Troy- Sorry for interruptions. Alam kong walang sino man ang inaasahan ang gantong bagay pero here we are.  I'd like you to meet my Co-CEO. The only person I've shared all I have. Ang pangunahing tao na nagpatagumpay sa Zentro. I know most of you all know or meet her everyday here,  but not knowing who she really is. Well right now,  I will proudly introduce Miss Zendaya Cantre!!
+ nagpalakpakan silang lahat kaya nilakasan ko na ang loob ko.
Aya- G-Goodevening.
+ bumuntong hininga ako.
Aya- Alam ko marami sa inyo ang nabigla,  at naguguluhan. Pero tama po ang narinig nyo. Sinimulan namin ang Zentro 5 years ago,  and after 2 years nagbunga lahat ng dedication namin. Tama si Troy marami sa inyo kilala ako bilang si Aya,  isang simpleng empleyado lang ng isang talent ng agency. Pero dahil don marami akong nakita,  naranasan at ipinag pasalamat na sa tingin ko hindi ko mararanasan kung nanatili akong CEO. Sa mga taong patuloy na sumusuporta sa Agency,  sa mga artist na nananatili at binibigay ang best nila palagi. Nagpapasalamat ako ng sobra sa inyo. Wag kayo mag alala,  kilala ko kayo lahat. Yun narin siguro ang advantage ng simpleng pamumuhay.
+ nakita kong mga nakatakip ng bibig ang ibang staff dahil sa hindi sila makapaniwala na ako tong nasa stage.
Aya- sa ibang staff na tinuring akong kaibigan,  makakabawi rin ako sa inyo.
+ nginitian ko sila at muling humarap sa press.
Aya- Sa lahat ng dumalo,  maraming salamat.  This is truely a successful event. And I,  Zendaya Cantre will work hard just like before,  I am looking forward to work with you all.
+ muli silang nagpalakpakan at niyakap naman ako ni Troy. Maya maya niyakag na nyako pababa para kumamay sa mga guests at Investors. Nasalubong ko pa si Madam Loida na halos hindi makapaniwala ang itsura.
Loida- Ayaa.
Aya- Madam.
Loida- A-ha I mean Maam Zendaya. Totoo ba to? Ikaw? CEO?
Troy- wala na pong iba.
+ kumamay sya sakin. Lumapit narin ang ibang investors para makamayan ako at makausap narin ng personal. Hanggang sa matapos ang event ay tuwang tuwa akong makamayan sila. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala. Tumingin ako saglit sa backstage at napansin kong wala na sya dun. Sana maintindihan nya to.

(CYRUS POV)
+ Bumaba ako ng stage muna at bumalik sa office ni Kuya para kunin ang Panibagong trophy at Bouquet of flowers n on Allissa. Nakita ko kasing nagtatakbo sya. Utos to ni Kuya,  na sundan ko sya agad. Kaya ganun na nga ang ginawa ko. Pagka kuha ko, diretso ako sa dressing room nya,  at hindi pako nakakapasok,  nagitla nako sa nabasag na gamit sa loob,  kaya binuksan ko ang pinto. Nandun sya at pinagbababasag ang ibang mga gamit.
Allissa- HAYOP!!  HAYOP!!  HAYOOP!!!
+ Pumasok ako at napatingin sya sakin.
Allissa- ANONG GINAGAWA MO DITO?!!
Cyrus- itigil mo na yan.
Allissa- MAGKAKASAMA KAYO DIBA?!!  PINAGPLANUHAN NYO BA TO?! PAANONG NAGING CEO ANG HAMPAS LUPA NA YON?  PINAGLOLOLOKO NYO BAKO?
Cyrus- una sa lahat. Wala ka namang kinalaman sa pagiging CEO nya. Wala ka pa dito, CEO na si Aya. Natural lang na magpakilala syang CEO.
+ inilapag ko sa lamesa ang bouquet at trophy.
Cyrus- alam mo bang minsan,  kung sino pa yung naka tsinelas,  naka T-shirt at naka short lang,  sila pa yung may malaking pondasyon. Kaya kung ako sayo,  bawas bawasan mo na ang panghuhusga sa mga taong hindi mo naman kilala.
Allissa- Wag mokong turuan!!  Umalis ka na!!!
+ nagkibit balikat na lang ako,  tumalikod at lumabas ng kwarto nya. Bumalik ako sa studio pero nandun ako sa 2nd floor kung saan kita lahat ng nangyayare sa baba. Nakatingin lang ako kay Aya,  bakas sa muka nya na kahit may kaba,  masaya sya. Hindi lang ako sigurado kung tama ba tong nangyare,  natatakot ako para sa kanya,  simula ngayun wala ng private na mangyayare,  lahat ng kilos at galaw nya,  mahuhuli na sa Camera. Sana kayanin nya rin ang responsibility na nag aantay sa kanya. Ngumiti na lang ako kasi alam kong matapang syang tao.

(AYA POV)
+ nagpaalam ako saglit kay Troy na magbabanyo lang at pumayag naman sya,  pero sa totoo lang mejo hindi pako ganun kakomportable sa iba,  kaya naisip kong bumalik muna sa office nya,  dun ko din kasi iniwan si Puppie,  sya yung aso na binigay sakin ni Primo,  Puppie na lang muna ang pinangalan ko,  wala pa kasi ako maisip. Pagdating ko dun binuhat ko sya agad.
Aya- Puppieeeeeee.  Nainip ka na?  Matagal ba???  Hmmmm.
+ hinalik halikan ko sya lasi sobrang cute nya. Napalingon ako ng marinig kong may pumasok sa pinto,  akala ko sila Troy pero.
Primo-  Hindi ka ba magpapaliwanag?
+ nakatitig sya sakin at nakapamulsa ang dalawang kamay,  kalmado lang ang itsura nya pero walang ekspresyon.
Aya- Primo.
Primo- Anong nangyare? Panong nangyareng CEO ka?
+ ibinaba ko saglit si Puppie. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang kamay nya.
Aya- Sorry.
+ umiwas sya ng tingin at tumawa.
Primo- ito ba yung hindi mo masabi sabi sakin?
+ tumungo na lang ako.
Primo- Ito ang dahilan kung bakit lagi kayong nagkikita ni Troy.
Aya-  Gusto ko sabihin sayo,  napapagod din ako sa bawat tanong mo tuwing nagagalit ka,  nahihirapan din ako na hindi ko maipaliwanag sayo kaya nag aaway na lang tayo lagi.
Primo- Yung bahay,  siguro palabas lang din yon,  para hindi ko malaman na higit pa don ang tinitirhan mo.
Aya- Sorry.
Primo- wag ka mag sorry,  wala ka naman kasalanan eh. Oo nabigla din ako,  nagtaka din ako kung pano nangyare yun. Gustong gusto kong tanungin sayo kung bakit sa ganitong paraan ko pa malalaman?  Iniisip ko kung gumaganti ka ba? 
+ umiling iling ako.
Primo- kaso sa kabila ng mga tanong nayun,  nangingibabaw parin na gusto kita. Kanina nung nakita kita sa 2nd floor,  parang gusto ko na lang na puntahan ka. Kahapon hinintay kita sa bahay mo pero wala ka. Hindi ko lang naisip na makakaharap uli kita ngayun pero hindi lang basta si Aya na nakilala ko. Congrats ha. Pero sana mas nalaman ko pa ng maaga.
Aya-  wag naman ganto. Ako pa din naman to eh.
Primo- oo nga. Aya,  gustong gusto kita,  pero sa ngayun,  naiisip ko,  kung nuong nagpapanggap ka pa lang bilang Normal na tao,  hindi na kita makuha. Pano pa ngayun?
+ tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya at lumabas na uli ng pinto. Napapikit na lang ako. Ano na naman bang gagawin ko?

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now