Part 19

877 17 1
                                    

( Troy POV )
+ matiwasay akong nag eevaluate ng ratings ng previous activities ng agency ng mabigla ako ng may nagbukas ng Pinto.
Troy- o Pri--
+ pero isang malakas na suntok ang natamo ko mula sa kanya,  napahawak ako sa panga ko at tumingin.
Troy- Anong problema mo?!!
Primo- tinatanong mo pa talaga?!!
Troy- Don't you have any respect?
Primo-  ANONG MERON SA INYO NI AYA HA?!!!
+ lumapit sya sakin at kinwelyuhan ako.
Troy- Anong sinasabi mo?!!
+ tumawa sya ng bahagya habang galit na galit ang muka.
Primo- parehong pareho kayo ng sagot ni Aya.
Troy- Bitawan moko Primo!  Baka nakakalimutan mong CEO ako dito!!
Primo- wala akong pakialam!!
+ maya maya mabilis na pumasok si Cyrus at hinigit sya.
Cyrus- kuya?  Ano bang ginagawa mo?!!!
Primo- kayong dalawa! Magka sabwat kayo dito diba?
Cyrus- Hindi ka ba marunong makipag usap ng ayos?!
Primo- Anong balak nyo kay Aya?!!  Lalo ka na!!!
+ tinuro nyako. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya.
Primo- Kayo ba ang lumalason sa isip nya na wag ng bumalik sakin?!! Kaya siguro atat na atat kang tanggalin si Aya sa pagiging PA ko!
Cyrus- ilugar mo ang sarili mo ha!!
Troy- May kaylangan ba syang balikan sayo.
+ napatigil sya sa sinabi ko.
Primo- Anong sabi mo?
Troy- kung ako ang sinisisi mo kung bakit ayaw nyang bumalik sa pagiging PA mo!  Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Puro ka galit! Ni hindi ka marunong makipag usap ng ayos,  sarili mo lang ang iniintindi mo!!!
+ aktong lalapit sana sya uli pero pinigilan sya ni Cyrus.
Cyrus- Tama na!!!!
Primo-  bitawan moko!!
+ tinabig nya si Cyrus at dumadagos na lumabas ng office ko.
Cyrus- Sira ulo yun ah,  kuya,  ayos ka lang?
+ tumango na lang ako at bumuntong hininga.
Cyrus- Anong bang kinagagalit nun?
Troy- Hindi ko rin alam.
Cyrus- Sobra na ang inaasal nya eh. Mabuti pa tanggalan mo muna ng trabaho sa ngayun yan eh.
Troy- hindi na kaylangan.  Ngayun nya lang nagawa to.  Sa tingin ko may hindi magandang nangyayare eh.
Cyrus- teka,  nahuli ba kayo ng Primo na yun ni Aya na ngauusap or nagkita.
Troy- yun nga ang pinag tataka ko eh. Maingat kami ni Aya tuwing may lakad kami o pag uusapang importante.
Cyrus- eh sa pinagsasasabi nya kanina parang pinaghihinalaan nya na kayo.
Troy- pakiramdam ko may sumisira talaga saming tatlo.
+ at kung tama ang iniisip ko,  kaylangan matigil to!

(ALLISSA POV)
+ tahimik akong umiinom ng kape sa Condo ko,  naalala ko ang itsura ni Primo kanina at di ko maiwasang matawa.  Hindi naka lock ang pinto ko dahil may hinihintay ako na dumating at mga ilang minuto pa nga,  nandyan na sya.

Carlo- Maam.
+ lumapit sya ng naka ngiti.
Allissa- Carlo,  maganda ang mood ko ngayung araw,  magandang balita lang din ang tatanggapin ko.
Carlo- magugustuhan nyo tong ipapakita ko sa inyo.
Allissa- good,  akin na.
+ iniabot nya ang dalawang pictures.  Isa ay picture ni Primo habang iniaabot ang envelope kay Aya,  ang isa ay ang pag punit ni Aya sa envelope.
Allissa- hahahahaha,  alam mo sa lahat ng picture na binigay mo,  itong huli ang pinaka paborito ko. Hahahaha.
Carlo- halata sa ngiti mo maam.  By the way may kaylangan pa po ba kayo?
Allissa- Actually,  Yes.  May isa ka pang mahalagang gagawin.
Carlo- present the details Maam.
Allissa- malapit na ang event ng fashion show,  at syempre gusto ko may pasabog ako.
Carlo- Anong kaylangan kong gawin?
Allissa- lahat ng pictures na nakuha mo,  mas masaya siguro kung gagawin mo as power point presentation.
Carlo- Presentation? 
Allissa- Bingo!  Presentation para sa dadating na fashion show. Imaginin mo,  Habang tinatanggap ko ang awrd at boquet of flowers,  kunyare may nagplay ng presentations,  and ofcourse,  kunyare walang alam sa nangyayare ang peg ko.
Carlo- mukang malaking palabas ang binabalak mo Maam.
Allissa- Mas malaki pa sa inaakala mo.  Knowing na pati si CEO damay sa magiging issue na to,  ewan ko na lang kung hindi nila ipatapon yan si Aya.
Carlo- halatang napaka laki ng galit nyo sa Aya na yun ah.
Allissa- Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat eh yung sapaw!!
Carlo- hm,  asahan nyo Maam.
Allissa- and by the way.
+ pumasok ako sa kwarto at may kinuha sa drawer ko na white envelope at may lamang pera.
Allissa- Just make sure na tayong dalawa lang ang makaka alam nito.
Carlo- Walang problema maam.
Allissa- sapat na ba to?
+ iniabot ko sa kanya ang pera.
Carlo- sobra sobra pa to Maam.
Allissa- Call me anytime kapag kulang pa,  kapalit,  magandang balita. Yun lang.
Carlo- okay Maam.
Allissa- you can leave.
+ lumabas na sya.  Napapangiti na lang ako habang na iimagine ang mga mangyayare sa event.  Sa tingin ko,  sa mga oras nato,  nagtutuos na ang mga uto uto.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now