Part 32

802 13 0
                                    

( PRIMO POV )
+ Kadadating ko lang sa Condo at naabutan kong nagluluto ng pagkain si Loida.

Loida- Anak. Halika kumain tayo.
Primo- Lumabas ka?
Loida- ah,  mabilis lang para may makain ka pag uwe mo.
Primo- sa susunod,  ako na ang bahalang bumili ng pagkain.
Loida- sus.  Sya nga pala anak kamusta ang Zentro.
Primo- ganun pa din, hindi pa makapag operate fully.  Pero may ilang artist na nag sstay.
Loida- Si Aya?
Primo-  uhm,  okay naman.
Loida- sa totoo lang narinig ko ang pag uusap ni Enrico at Allissa sa phone.  Pinaaalis nya ng bansa si Allissa.
Primo- ahhh.
Loida- anak sana,  pag nahuli nyo sya,  wag kayong masyadong maging sobra sa kanya ha. Alam mo namang na spoiled lamg yun atsaka hindi nya kasama ang magulang nya kaya sana intindihin mo.
Primo- alam ko rin naman yun.  Pero sa isang banda mali partin na nakikipag sabwatan sya kay Enrico.
+ Tumango na lang sya.
Loida- bago ka magpahinga,  imlnumin mo yung binili kong tea. Pantanggal pagod yun..
Primo- sa susunod na lang.
Loida- ha?
Primo- kumain na tayo.
+ pumwesto nako sa kainan at pinaupo ko na rin sya at nagsimula na kaming kumain.
Primo- kapag tumawag si Enrico,  wag mong sasagutin. Pag may nag doorbell, wag mong basta bubuksan.
Loida- oo anak.  Pasensya ka na ha.
Primo- saan?
Loida- kasi dumadagdag pako sa problema mo.
Primo- nagreklamo bako?  Ako ang kumiha sayo dun. At dapat lang na kasama kita kesa kasama ka ni Enrico.
Loida- salamat.
+ pagkatapos namin kumain,  pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng pamalit na damit at nagbihis.
Loida- anak?  Lalabas ka pa?
Primo- may lalakarin lang.
Loida- hindi ba late na?
Primo- mabilis lang.  Yung bilin ko sayo ha.
+ naglakad nako Papunta sa pinto.
Primo- tawagan mo agad ako pag may problema.
Loida- oo sige mag iingat ka.
+ lumabas nako at pina lock sa kanya ang pinto, pupuntahan ko pa si Aya sa Condo nya.  Kinuha ko na ang kotse ko at iniwan muna ang kotse ng alalay ni Allissa sa Garahe. Mejo nag aalala ako sa binabalak ni Aya na to. Mabilis kong pinatakbo ang kotse at pagdating sa Condo nya,  umakyat agad ako. Nag doorbell ako ng nag doorbell pero hindi nya binubuksan.
Primo- Aya?!!
+ nakailang tawag nako, hindi padin sya nasagot. Sinubukan kong tawagan sa cellphone pero pinatay nya. shi** baka pumunta na yun agad ah. Bumaba ulit ako at sum as kay sa kotse, nagbakasakali ako na nasa Apartment sya pero pagdating don,  walang bukas na ilaw. Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko na kung san ako dapat na pumunta.

( AYA POV)
+ kabababa ko lang ng kotse.  Its 9 pm at nasa harap ako ngayun ng kompanya ni Don Enrico. Typical ang suot kong dami,  sumbrelo,  tshirt, pants at rubber shoes. Kaylangan ko kasing kumilos ng mabilis at maingat. May ilan ilan pang employees ang nasa loob,  marami narin ang floors na patay na ang ilaw. Sumandal lang ako sa gilid ng kotse at nag antay na maubos ang employees sa loob. Tumingin ako sa bandang kaliwa sa may nagtitinda ng fish ball.  Naglakad ako papunta dun at hinintay na maubos ang bumibili tsaka ako lumapit.

Aya- Edward.
Edward- Maam.
Aya- Pasensya ka na ha,  ginawa kitang fishball Vendor.
Edward- No problem maam. Ingat po kayo sa CCTV, merong dalawa sa first floor malapit sa elevator at sa entrance. Sa 2nd floor,  dalawa din,  tapat ng hallway at tapat ng pinto ng office ni Don Enrico. Sa thirdfloor isa, pero tingin ko naman hindi nyo na kaylangang pumunta don. Ito po ang limang susi na pinagawa ko kanina, ka match po yan ng doorknobs ng mga rooms sa loob. Isa po dyan susi ng opisina ni Don Enrico.
Aya- sige salamat. alam mo na ang gagawin mo,  tawagan mo agad ako kapag may papasok sa loob.
Edward- Yes Maam.

+ nag antay pako ng konti at ng magsimula ng matira ang guard at mag ikot sa bawat floor,  kumilos nako. Sa pinto mula sa parking lot ako pumasok ng dahan dahan. Nakita kong paakyat na sa secondfloor yung guard, pagpasok ko sa loob,  normal lang akong naglakad, at ng tumingin sa direkyon ko ang guard mabilis akong nagtago sa gilid ng pader. Ng magtuloy tuloy na sya lumabas na uli ako. Binuksan ko ang pinto papunta ng hagdan at dun na lang ako dumaan para umakyat. Balak ko syang salisihan. Pagdating ko sa 2nd floor,  sumilip nako.  Ng makita kong paakyat na sya sa 3rd floor,  dahan dahan nakong hinanap ang office. Isa isa kong sinilip ang mga bubog para icheck kung alin ang office nya. Mga sampong rooms din ang iisa isahin ko.  San ba kasi dito,  bakit walang mga nakalagay na tags. More on employees office ang nakikita ko. Sumilip ako sa isang room at nakita kong puro documents or files ang nasa loob.  Baka nandito ang hinahanap ko. Kinuha ko agad ang susi ng dahan dahan dahil maingay ito. Inisa isa ko na yun kung alin ang kakasya hindi pako nakaka tatlo,  napansin kong may flash light na po ababa mula sa 3rd floor kaya binilisan ko ang pagbukas.  Ng may sumakto ng susi,  may humawak sa likod ko at nauna pang buksan yung room. Tinulak ko paloob at dahan dahan sinara ang pinto at ni lock.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now