Part 29

766 14 0
                                    

( PRIMO POV )
+ Kararating lang namin ng Zentro at nagulat ako ilang mga investors na kala moy mga bubuyog na nag uusap usap sa 1st floor.
- Miss Cantre!!  Ano ba naman ito?
Aya- Lets proceed to the meeting room.
+ umakyat na kami at nagsunudan naman ang mga ito. Pagdating dun,  nagbubulungan na umupo silang lahat.
- Pano nyo ngayun mapapaliwanag ang nangyare? 
- How can you all came up with a stupid idea?!!  Outing?  Trabaho ba ng artista at staff yan sa kalagitnaan ng busy schedules?
- Hindi nyo manlang naisip na madadamay kami sa issue na ito.
- Ano na lang ang sasabihin ng ibang Agency pati ng mga kalabang investors. Na nagkamali kami ng kompanyang pinili?
- Nasan ba si Troy?  Bakit ikaw ang nandito? Ano bang alam mo sa pagpapatakbo nito?  Hindi bat kaylan ka lang lumabas?
+ bumuntong hininga na lang si Aya.  Nakatingin lang ako sa kanya na nag aalala,  hindi ba nila hahayaang magsalita man lang si Aya?
- Pag nalaman to ni Mr. Chen,  magsasara ang Agency nato,  at damay pati ang mga negosyo namin dahil nag invest kami dito at ipinagkatiwala namin ang mga artist namin!!
+ Si Mr.  Chen ang nangunguna sa  Business Industry dito sa Pilipinas pati na sa marami pang bansa. Isa syang napakalaking sponsor na nagpoprovide ng assistance at training sa mga Agencies,  Companies tulad ng mga to at ng Zentro. Kumbaga pati sa Ethics and Disciplinary pati budgets sya ang natatakbuhan, kaya naman bawat Business man dito ay iniingatan ang reputasyon ng kompanya nila sa mata ni Mr. Chen.
- Sinasabi ko sayo,  kapag nadamay sa issue ang pangalan namin,  hindi kayo makakalampas.
- Kay Mr. Chen pa lang,  durog kayo. Tandaan mo isa si Mr. Chen na naghahawak ng Black Card sa buong mundo. Baka bukas na bukas magbayad na kayo sa mga kapalpakang ito.
Primo- Maari bang pagsalitain nyo man lang si Aya?
- Ikaw Primo,  isa ka sa pinaka sikat ng hawak ng Agency nato,  hahayaan mo bang madungisan ang pangalan mo ng dahil lang sa kapalpakan ng mga to?
- ngayun palang humingi na tayo ng tulong at pasensya kay Mr. Chen. Walang mangyayare satin dito.
- tama tama.
+ tatayo na sana silang lahat ng.
Aya- Sandali.
+ tumigil silang lahat at tumingin sa kanya.
Aya- Pasensya?  Tulong?
+ Sumama ang timpla ng muka nya. Hinawakan ko sya sa braso.
Primo- Aya.
Aya- And you all call yourselves Businessman's!!!! Hindi pako natatapos kaya umupo kayong lahat!!
+ tumawa ang iba sa kanila.
- Ano pa bang magagawa mo?
Aya- Mr. Chen? Hihingi kayo ng tulong at pasensya sa kanya. When all his assets are just 50% of mine!!!!
+ kumunot ang noo nila at pati ako ay napa atras sa sinabi nya.
- anong ibig mong sabihin?
+ kinuha nya ang wallet nya at may inilabas na Black Card. Nanlaki ang mata ko.
- A-ano yan??
Aya- Ang lakas nyong ipag yabang ang Back Card ni Mr. Chen,  gayong hindi pa pala kayo nakakakita ng kahit isa!!!
+ napa atras lahat sila at nagkatinginan.
- A-ang ibig mong s-sabihin....
Aya- ang ibig kong sabihin, bumalik kayong lahat sa pwesto nyo at makinig kayo sa mga sasabihin ko!!
+ mabilis silang nagsibalikan sa mga upuan na nila at matutuwid na umupo. Nakatayo lang kami ni Aya sa dulo,  huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili nya.
- Isa ka?  Isa ka sa may hawak na Black Card.
Aya- hindi pa ba malinaw.
+ napaiwas ito ng tingin.
Aya- Gusto kong malaman nyo,  na hindi ko naman talaga kaylangan ng tulong nyo dito,  lalo na at ganyan ang pinakita nyong pag uugali sakin.
+ tumungo na lang silang lahat at hindi makatingin.
Aya- Pero dahil isa kayo sa nagreccomend at pinagkakatiwalaan na sponsors ng ibang artista dito, malugod kayong tinanggap, hinangaan at ginalang ng Zentro.  Tinatawag nyong investors ang mga sarili ninyo gayung hindi nyo mapanindigan ang responsibilities ninyo,  nangunguna pa kayong maniwala sa kung ano anong issues. San kayo magaling?  Sa pagsusumbong?  Sa paghingi ng tulong?!!  Kung may malasakit kayo sa mga artistang kinuha ninyo,  sa mga staff na ipinasok ninyo na nadamay sa aksidente, sa mga perang inilabas ninyo at sa Zentro. Hindi lang sarili ninyo ang iisipin nyo.
+ halata sa kanya ang galit. Mejo hindi ko rin matake ang mga salitang lumalabas ngayun sa kanya. Ibang iba sya sa Aya na nakilala ko.
- ano p-po bang dapat naming gawin?
Aya- take down all lahat ng issue na pinaniniwalaan nyo, dalawin at kamustahin nyo ang staffs na nadamay sa aksidente,  tumulong kayo emotionaly and financially kung kinakailangan kesa wala kayong ginagawa at puro reklamo lang ang alam nyo!
+ napapikit na lang ang ilan sa kanila at hindi na nakasagot pa.
Aya- Just give me 1 week,  hindi magagalaw lahat ng pinaghirapan nyo,  Pero oras na malaman ko na may isang nagtraydor mula sa inyo at may kinalaman sa nangyare. lalabas ang totoo at magbabayad ang magbabayad. Kung may maling nagawa ang Agency I will take full responsibility.
+ nagsitanguan na lang sila.  Nagkatinginan kami ni Aya,  hindi ko sya mabasa. After ng meeting na yun,  naiwan kaming dalawa sa Agency. Nasa 2nd floor at nakatanaw sa mga investors na walang imik na nagsilabasan ng Agency. Hindi narin ako makaimik.
Primo- May pinaghihinalaan ka sa kanila hindi ba?  O kilala mo na?
Aya- wag kang mag alala. Ako parin ang Aya na nakilala mo.
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- nagulat lang ako. Hindi ko alam na ganyan ka kataas na tao.
Aya- hindi ko na sana intensyon na lumabas pa to. Pero para sa tatlong buhay na nawala at ilan pang taong sugatan sa ospital. Para san pa na itago ko.
+ napanganga na lang ako. Para akong lalagnatin.
Aya- May makakain ka ba dyan?
+ nagulat ako na napakapkap sa mga bulsa ko. Good thing at may nailagay akong Chocolate bar sa bulsa ko kaninang namili ako.
Primo- eto lang.
Aya- Ayos na yan. Nakalimutan na natin ang almusal kanina eh.
Primo- nagmadali kang umalis eh.
+ tumawa sya ng bahagya
Aya- hati tayo
+ ngumiti ako at kinuha ang binigay nyang kalahati. Sumandal sya sa railings at pinagmasdan ang kabuuan ng loob ng Zentro. Ako naman pinagmasdan ko lang sya habang simpleng kinakain ang chocolate na yun.
Primo- Anong balak mo?
Aya- ano bang gusto mo?
+ napatulala na lang ako sa kanya habang kagat ang chocolate. Mabilis ko yung nginuya at nilunok.
Primo- Have mercy on them.
+ ngumiti na naman sya. Lumapit sya ng bahagya sakin.
Primo- magbabayad ang may kasalanan pero hindi natin kaylangang gumanti sa paraan na tulad ng ginawa nila Aya.
+ hinila nyako sa kwelyo,  at nabigla ako ng halikan nyako sa labi ng mabilis.
Aya- Yes Master.
+ natulala na lang ako dun.
Aya- Ako na ang bahala sa sarili ko. Protektahan mo ang dapat mong protektahan.
+ sa isang banda naiintindihan ko ang ibig sabihin nya kaya tumango na lang ako.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now