Part 36

797 10 0
                                    

( PRIMO POV )
+ napaluhod na si Aya sa kaiiyak at kaaalog kay Troy.  Hawak hawak ko lang sya hanggang sa dumating ang Ambulansya.  Mahigpit ang kapit nya sa polo ko at anumang oras ay babagsak sya. Ng maisakay na sa ambulansya si Troy,  sumakay narin sya at naiwan kami ni Loida  agad naman kaming sumunod sa ospital dahil na shock pa si Loida at kaylangan ko rin sya madala. Sinamaan ko ng tingin yung mga lalake habang akay akay ko si Loida, pinosasan na nila ang mga ito habang ang isa ay wala parin malay.
Edward- Sir Ako na po bahala dito.
Primo- Sige, salamat.
Isinakay ko sya sa kotse ko at pinainom muna ng tubig bago ko paandarin ang kotse.
Loida- Anak,  si Troy ba iyon?
Primo- oo.
Loida- dyusko,  sana okay lang sya.
Primo- wala bang masakit sayo? Sinaktan ka ba nila?
Loida- okay lang ako anak,  mddyo ninenerbyos pako pero kaya ko.
+ tumango na lang ako sa kanya.
Primo- mabuti,  pero dadalhin parin kita sa ospital,  baka may hindi ka lang nararamdaman dahil namanhid ka pa sa nerbyos.
+ ngumiti na lamang sya ng bahagya.  Mabilis kong pinatakbo ang kotse,  at pagdating sa ospital,  kasunod lang kami ng ambulansya. Inalalayan ko na si Loida.
Loida- Anak,  sundan mo na sila Aya,  ako na bahala sa sarili ko,  may kakilala akong doktor dito kaya okay lang ako.
+ tumango ako at niyakap sya ng mahigpit.
Primo- mabilis lang ako.
Loida- Sige na.
+ pina assist ko na sya sa isang nurse at nagtatakbo nako sa operating room kung san ipinasok agad si Troy.  Naabutan ko si Aya na nakaluhod at umiiyak sa pinto nito. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya agad. Hinawakan ko sya sa pisngi. Halos hindi na sya makahinga ng ayos dahil sa kakaiyak
Primo- Aya. Makinig ka sakin.
Aya- Si Troy,  ayaw nya gumising.  Kasalanan ko to eh!
Primo- wala kang kasalanan okay. At magiging okay rin si Troy.
Aya- Pag may nangyareng masama sa kanya,  hindi ko kaya.  Hindi ko kaya Primo!!
+ para narin akong maiiyak sa itsura nya ngayun. Sobrang sakit na makita syang ganto. Kaya niyakap ko na lang sya at sinubukang pakalmahin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko,  pero alam kong ito lang ang kaylangan nya ngayun.

( CYRUS POV)
+ Nakaupo lang ako at pinapanuod si Allissa na paikog kanina pa.
Allissa- Cyrus. Pano kung may masamang mangyare kay tita?
Cyrus- walang masamang mangyayare,  wag ka ngang mag isip ng ganyan!
Allissa- Kilala ko si Tito Enrico.  Pag binalak nya,  tutuluyan nya.
Cyrus- umupo ka nga muna.
Allissa- Hindi ako mapakali eh.
+ tumayo ako at hinila sya sabay inupo sa sofa,  lumuhod ako sa harap nya at nakatingin sya sakin.
Cyrus- Sigurado ako nandun na sila Primo at Aya,  at alam kong gagawin din ni kuya Troy ang lahat. Kaya hindi ka dapat kabahan okay.
Allissa- sana nga.
+ kinakalikot nya ang kamay nya at baka sa parin sa muka ang pag aalala. Tumayo ako at may kinuha sa ksarto ko na maliit na bola,  tapos lumuhod uli ako sa harap nya.
Cyrus- eto oh.
+ kumunot ang noo nya.
Allissa- ha?
Cyrus- kesa kalikutin mo yang kamay mo. Ito ang paglaruan mo sa kamay. Para mabawasan yang takot at kaba mo.
+ tumingin sya sakin at kinuha yung maliit na bola.
Allissa- Sayo to?
Cyrus- oo.
+ tumango na lang sya at pinaglaruan nga yun. Tumayo nako at kumuha sana ng maiinom ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko muna,  binasa ko ang text mula sa number ni Aya. At nanlaki ang mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Allissa- bakit?
+ binitawan ko agad ang hawak kong baso at mabilis na kinuha ang jacket ko pati susi ng kotse.
Allissa-  Ano bang nangyayare?  San ka pupunta?
Cyrus- Dito ka lang ha.
Allissa- Ano ba kasing nangyare?
Cyrus- Si kuya naaksidente.
Allissa- kuya?  Si Troy?!!!
+ Wag ka aalis.  Nagtatakbo nako palabas ng resthouse at kinuha ang kotse at mabilis na nag drive papuntang City at sa ospital. Pagdating ko dun tumakbo ako agad papuntang operating room at naabutan ko lang dun si Aya na nakaupo sa sulok at umiiyak pati si Primo na nakatayo sa harap ng pinto.
Cyrus- Anong nangyare?
+ tumingala si Aya at luhaang lumapit at yumakap sakin. Kaya niyakap ko rin sya. Tumingin ako kay Primo.
Cyrus- Panong naaksidente?
Primo- Sinundan nya yung mga kumuha kay Loida.
Cyrus-  tapos?
Primo- Sinubukan nyang pigilan ng kotse,  kaya ibinangga nya.
Cyrus- Si Enrico ba ang may pakana nito?
+ tumango na lang sya at tumungo.
Cyrus- Anong sabi ng doktor. May update na ba?
Primo- Hindi pa sila lumalabas simula pa kanina.
+ napahinga ako ng malalim habang yakap si Aya.  Si Primo naman ay umupo at napatakip ang mga kamay sa muka.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now