Part 15

956 23 0
                                    

( AYA POV)
+ nandito parin kami sa office ni Troy,  at nagtititigan,  wag nilang sabihin na kaylangan kong sagutin ngayun yang tanong nila.
Troy-  okay,  hindi ka naman namin minamadali Miss Aya,  pero please notify mo ko or si Cyrus sa magiging decision mo,  well, hindi na masama ang offer ko hindi ba?
+ bumuntong hininga na lang ako.
Primo- hindi nyo bako naririnig,  how can you offer a job kahit hindi pa official na tanggal na sya sa trabaho.
+ ano bang pinag sasasabi ng isang to? Sa pag kaka alala ko sinabi nya saking I'm fired,  galit man sya o hindi ng oras na yun,  sinabi nya parin.
Troy- that's why hindi ko sya minamadali, para makapag usap kayo. Pero whatever the decision is,  you can always approach us Miss Aya.
+ sige lang,  pagtripan nyoko,  dali kayong dalawa sakin mamaya.
Troy- I will discuss to you kung anong mga benefits mo kapag tinanggap mo.,  kapag lang naman,  baka makatulong sa decisions mo.
+ sumandal na lang uli si Primo sa sofa at inisnob kami.
Troy- for now Primo and Allissa,  pwede na kayo magpahinga total nasa inyo na ang papers,  sabihan nyo na lang ako sa mga ganap okay? And Aya,  you stay para sa discussions ko sayo.
+ bago sila tumayo ni Allissa,  tumitig pa sya sakin,  at maya maya lumabas na silang dalawa,  ng makalabas sila,  tumakbo si Cyrus sa pinto para i lock yun.
Cyrus- oh ha!!!!  Effective diba?!!!!!
+ tumayo ako at hinila sya sa Tenga. Pati si Troy ay hihilahin ko sana pero nakatakbo agad sya sa lamesa nya.
Cyrus- Ayaaa,  aray naman!!
Aya- ikaw, lumapit ka dito!!!
Troy- no,  okay na ko dito.
Aya-  nanggigigil ako sa inyong dalawa eh,  ano bang trip nyo?!!!
Cyrus- Sino ba kasing nagsabing nangtitrip kami?!! Aray!!!  Bitaw na,  masakit na!!
+ binitawan ko sya at namay awang.
Troy- hindi to trip okay. Aya Im giving you a chance para mag simula uli.
Aya- ano bang ibig mong sabihin?  Nalugmok ba ko para mag simula uli?
Troy- hindi sa ganun,  pero naranasan mo na kung paano maging PA ni Primo, lalo na pag galit sya,  nakita mo naman ng ginawa sayo diba,  ang tagal ko ng sinasabi sayo, tigilan mo na,  tamo umabot pa sa ganan. Kahit pa idahilan mo sakin yung pagrereklamo nya kanina sa offer ko,  hindi ko marereccomend sayong bumalik sa kanya.
Cyrus- bakit ba kasi sa dami dami ng pwede mong pag ka abalahan para lang di ka malamang millionarya,  bakit yan pa.
Aya- alam ko naman eh,  pero hayaan nyo ko sa magiging decision ko,  hindi nyo kaylangang gawin to.
Cyrus-  okay ganto na lang wag na natin palalain to. Isipin mo na lang na hindi ka namin tinutulungan,  inoofferan ka lang namin na maging manager ko which is beneficial para sayo. Ako na to Aya oh,  kilala mo nako eh. Sakin ka na lang magtrabaho. Atleast ako alam ko kung sino ka,  kung pano ka makisama.
+ napaupo na lang uli ako sa sofa at napahawak sa ulo. Hindi ko na alam ang iisipin ko eh,  na bablanko na naman ako.

(PRIMO POV)
+ nasa elevator kami ngayun pababa,  nakakunot parin ang noo ko dahil naiinis ako,  bakit kaylangan nilang offeran ng ganun si Aya.
Allissa- Primo!  Ano bang pinag sasasabi mo kanina?  Diba tinanggal mo na sya!  Hayaan mo na sya,  ano pa bang pakialam mo sa kanya,  hindi mo ba naiisip na baka may gawin na naman syang ikagagalit mo kapag tinanggap mo pa sya.
Primo- Allissa,  hindi ka naman dapat makialam pa dito eh.
Allissa- Ano?
Primo- bakit kaya hindi na lang ako ang hayaan mo,  total sa trabaho lang naman tayo magkakasama,  hindi mo kaylangnang makialam sa personal kong buhay.
+ maya maya bumukas na ang elevator at lumabas kami. Nakasunod lang sya habang naglalakad ako papuntang parking.
Allissa- sandali nga lang!!
+ pinigilan nyako sa braso at humarap sya sakin.
Allissa- alam ko may nagawa ako sayong mali,  kaya nga nandito ako para bumawe eh,  galit ka lang sakin eh,  kaya hindi moko pinakikinggan,  dati naman okay na okay tayo pag nag uusap,  tinutulungan kitang mapalayo sa mga katulad nya,  alam mo unang beses ko pa lang na makita yang Aya na yan hindi na maganda ang tingin ko sa kanya. At wag mokong sasabihan na wag na ko makialam sa buhay mo,  I will always be your partner no matter what!  Kahit pa isugbo mo ng isugbo ang sarili mo sa kapahamakan,  hihilahin kita pabalik.
+ ang dami dami nya sinasabi,  pero sa totoo lang wala akong pinakikinggan sa mga yun ngayun,  nakay Aya ang isip ko,  at kung pano ko sya makakausap ng ayos.
Allissa- nakikinig ka ba sakin?
Primo- magpa sundo ka na lang sa driver mo,  may kaylangan lang akong ayusin.
Allissa- what?
+ tumalikod nako at bumalik pa loob.
Allissa- Primo!  San ka pupunta?!
+ bumalik ako sa taas papuntang office ni Troy ng mabilis at sakto kabubukas lang ng pinto ni Aya para lumabas,  nagulat pa sya ng nasa harapan nya nako.
Troy- Primo.
+ hinawakan ko sa kamay si Aya. At hihilahin sana sya palabas.
Cyrus- san mo sya dadalhin?
+ tumigil ako at humarap sa kanya.
Primo- Hindi pa naman sya nag dedecide diba?
Cyrus- oo pero
Primo- So wala kang pakialam.
Aya- Primo!  Ano ba?
+ hinila ko na sya kahit pinipigilan pa nya,  nakasunod naman ng tingin yung dalawa. Hila hila ko na sya at pumasok kami sa exit.
Aya- Primo! 
Primo- Sir!
Aya- hindi mo nako PA.
Primo- wag mong sabihin sakin na pumapayag ka sa offer ng dalawang yun.
+ pinaningkitan ko sya ng mata.
Aya- Ano naman sayo.
Primo- bumalik ka na.
+ napatigil ako sa sinabi nya. Umiwas ako ng tingin kasi nakatitig sya.
Primo- Bumalik ka na sa pagiging PA mo sakin. Intindihin mo naman ako, hindi ako okay nun,  nasasaktan ako sa pagkamatay ni Daddy,  tapos nalaman ko pa yung ginawa mo,  nagalit ako kaya ko nasabi yun. Kaya please kalimutan na natin yun at bumalik ka na bilang PA ko. Kaylangan kita.
Aya- kaylangan mo pala eh,  mag hire ka na lang uli ng bago,  yung hindi ka gagalitin.
+ nanggigigil na naman yung muka nya.
Primo- Aya naman!!
Aya- sa totoo lang hindi dahil sa nangyare kaya di ako makapag decide kung babalik ako o tatanggapin yung offer nila.
Primo- anong ibig mong sabihin?
Aya- ewan,  hindi ko kasi alam kung ano talagang gusto ko mangyare. Wala akong tatanggapin na kahit anong offer.
Primo- nagbibiro ka ba?  Ano bang gusto mong gawin ko? Mag sorry? 
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- Sorry na nga eh. Aya Sorry na.
+ seryoso ang maamo nyang muka habang sinasabi yun.
Primo- Sorry na.
+ akala ko nung una,  yun lang ang kaylangan kong marinig para maging okay na lahat,  para patawarin sya,  para bumalik sa kanya,  pero bat ganun,  parang walang kwenta na lang yun. Naguguluhan ako. Parang hindi na lang to tungkol sa pagiging Personal Assistant ko,  something personal ang bumabagabag sakin. Bumuntong hininga ako at tatalikod na sana ng hilahin nyako at isandal sa pader,  kinorner nyako ng dalawang kamay nya.
Primo- hindi ka aalis,  hanggat di moko kinakausap ng ayos.
Aya- Primo,  wala akong sasabihin sayo.
Primo- sabihin mong babalik ka na.
+ tumahimik lang ako at yumuko.
Aya- okay na,  tinanggap ko na ang sorry mo. Kalimutan na natin yun.
Primo- kung ganun ano pang problema?
Aya- Wag ka mag alala,  babalitaan kita kapag nakapag decide nako.
+ inisnob nyako at sumighay,  maya maya hinawakan nyako sa magkabilang pisngi,  nabigla ako kaya kumibot ako pero di nyako binitawan.
Aya-  ano?!
Primo-  sorry uli.
+ ibinaba nya ang isang kamay nya sa bewang ko at hinila yun ng bahagya. Ayan na naman yung pusong yan.
Primo- kung ano man yang gumugulo sa isip mo,  tandaan mo,  gagawin ko lahat para bumalik ka sakin.
+ nagkatitigan na lang kami. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa pisngi at bewang ko.
Aya- may gagawin pako. Umiwas nako sa kanya at binuksan ang pinto. Naglakad lang ako ng naglakad. Ang totoo,  kabog ng kabog ang dibdib ko,  naiinis ako kasi nararamdaman ko na naman. Dire diretso lang ako at walang lingon lingon. Palabas pa lang ako ng may humarang sa harap ko,  bakit ba ang daming humaharang sa harap ko ngayun,  ganun na ba ako ka indemand?  Pag tingin ko,  si Allissa pala.
Allissa-  We need to talk.
+ napahinga na lang ako ng malalim,  usap na naman?
Allissa- sumunod ka sakin.
+ hayy,  kelan ba matatapos to?  Susunod pa lang ako ng masalubong namin si Steff.
Steff- Aya. San ka?
Aya- uhmm.
Allissa- we have appointment, at hindi ka kaylangan.
+ sinenyasan ko na lang si Steff na wag na patulan.
Aya-  may aayusin lang ako. May kaylangan ka ba?
Steff- may kukunin lang na documents sa taas,  hintayin kita.
Aya- sige mabilis lang to
Allissa- hindi ka sure.
+ tsss.
Steff- sige,  text mo lang ako kung nasan ka na.
Aya- sige.
+ after nun sumunod nako sa Allissa na to. Kung ano man ang pag uusapan namin,  bahala na sya. Para akong lantutay na nakasunod kung san man nyako dalhin. After ilang minutes pumasok kami sa loob ng coffee shop na sponsor din ng Zentro. Pag upo namin,  may mga nag pa picture pa sa kanya,  ako naman nakatingin lang. Ang plastic ng ngiti ha,  parang hindi pulaera ah. After nun,  umupo pa sya ng maayos.
Allissa- So Aya.
Aya- para san ba to Miss Allissa.
Allissa- I have to offer something too.
+ ganun na ba ako kahirap tingnan para offerran ng kung ano ano?
Aya- mapgkakakitaan ba yan.
+ tumawa sya ng tumawa after kong sabihin yun.
Allissa- hahahahha,  halatang desperada ka na talaga.
Aya- wag mo masyadong laksan,  baka malaman nila ang ugali mo.
+ sumama ang tingin nya.
Allissa-  how dare you!
+ umiwas na lang ako ng tingin.
Allissa- kung pagkakakitaan lang din pala ang hanap mo,  okay,  I will give you money,  sapat na para iwasan mo na si Primo.
+ tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
Aya- nagkakamali ka ata ng nilapitan Maam Allissa
Allissa- Dont call me Maam.
+ okay.
Allissa- nalaman mo na ang ugali nya,  sapat na siguro yun para iwasan mo na sya.  And besides,  ramdam mo na kung pano ka nya itinaboy. Isa lang ibig sabihin nun,  wala kang kwenta sa kanya.
Aya- ganun ba?
Allissa- yes ganun. Kaya ka nyang iluwa anytime na gustohin nya,  kaya ka nyang ibalik,  dahil nakukuha nya lahat ng gusto nya. Kaya I suggest you na,  wag ka ng magdalawang isip,  layuan mo sya at tatapatan kita ng pera,  you know nothing works well than money.  Yung ginastos mo sa pagtulong sa pamilya ng nakabangga sa daddy ni Primo,  baka galing pa sa ipon mo yun,  pwes,  titriplehin ko. At kung kulang pa,  sabihin mo lang.
+ nakatungo ako at bahagyang natawa sa kanya.
Aya- ano bang meron sakin at bidang bida ako ngayun?
Allissa- hindi mo alam?,  kasi pinipilit mo pa,   layuan mo na si Primo!!!
Aya- alam mo Miss Allissa,  sa tuwing tinatarayan moko,  at habang sinasabi mo yan sakin,  parang  ang impo importante kong tao.
+ sumimangot na nag muka nya at tumitig sakin. Tumuon ako sa lamesa at tiningnan sya ng diretso.
Aya- minsan naiisip ko na, naiinsecure ka sakin.
+ galit na ang muka nya ngayun.
Allissa- What the hell?  Ako? Maiinsecure sa katulad mo?  Isang hamak na babae?!!!
Aya- exactly.  Ano bang ikinatatakot mo? Diba isa lang naman akong babae na nagpapakabuhay para sa pera,  isang ingrata na mahirap pa sa daga. So anong kinakatakot mo?
Allissa- How dare you talk to me like that.  Baka gusto mong ipa ban kita sa Agency at hindi ka na uli makatapak sa lupang tinatapakan namin.
+ tinawanan ko sya at sumandal ako sa upuan ko.
Aya-  Maam Allissa,  PA pa lang ako nyan,  Insecure ka na. Pano pa kung naging milyonarya ako.
Allissa- wag ka ngang mangarap!  Hindi ka na nga bagay sa mundo namin eh,  nangangarap ka pang maging Milyonarya.
Aya- kaya nga magpasalamat ka na lang at hindi ako naging Milyonarya diba?
+ tapos nginitian ko sya. Hindi na maipinta ang muka nya ngayun,  at wala akong pakialam kung magalit sya at isumpa nyako. Tumayo ako.
Aya- sige Maam Allissa ha,  mag dedecide pako eh,  kung mananatili ako bilang PA ni Primo,  o magiging Manager ni Cyrus. Alam mo naman ako,  nagpapakabuhay lang para sa pera.
+ tumalikod nako,  narinig ko pang hinampas nya ang lamesa,  dire diretso lang ako paglabas at hindi na sya nilingon pa,  maya maya nakasalubong ko na si Steff na kalalabas lang din ng Zentro. Kinawayan ko na lang sya at nginitian.

Itutuloy.....

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now