Part 13

925 16 1
                                    

(PRIMO POV)
+ pag ka alis ni Aya, umupo na lang ako sa isang tabi at napahawak ang dalawang kamay sa muka, hindi ko na rin alam kung pano ko nasasabi sa harap nya yung mga salitang ganun. Tumingin ako sa bintana at nakita ko pa syang sumakay ng kotse habang inaalalayan ng lalake. Sino naman yun? Isinara ko agad, sa totoo lang hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Napatingin ako sa mga gamit ni Daddy na ikinahon ko. Kahit isa sa mga yan, hindi man lang nya nagamit, tama pa ba to? Kaya ko ba talagang itapon na lang basta to? Tumingin ako sa picture ni daddy.
Primo- Dad! Ano bang dapat kong gawin?
+ after ilang minuto isang tao na naman ang nag doorbell sa pinto, imposibleng si Aya, nakita ko syang sumakay na uli, ng buksan ko ang monitor, si Troy pala, bumuntong hininga ako at pinagbuksan sya.
Troy- Finally.
+ hinayaan ko syang pumasok.
Troy- kaylangan kitang makausap ng maayos.
+ sumandal na lang ako sa tabi ng bintana at hinintay sya magsalita.
Troy- you know, alam ko ang pinag dadaanan mo, you have my symphaty. Lahat ng space na gusto mo ibibigay namin, lahat ng magpapagaan ng kalooban mo sabihin mo lang. Pero sana habang nag iisip ka, maisip mo na gusto mo tong mga bagay na ipinipilit ko sayo. The first time na napunta ka sa Agency ko, masaya ka sa lahat ng ginagawa mo. Regarding Aya, kung talagang may nagawa syang mali na hindi katanggap tanggap para sayo, I will officially terminate her contract bilang PA mo. I just want you to recconsider everything. Pagkatapos ng movie na to, gawin mo na lahat ng gusto mo, napapagod ka na sa responsibility bilang artist, sige you can rest, I will give you permission para i end ang contract mo sa Agency ko. You want to live a normal life na pangarap mong maranasan kasama ang daddy mo, go. But still, please, tapusin mo ang movie, do it in a manner way.
+ lumapit sya sakin at may iniabot na papel, yun yung dalawang ticket to hawaii.
Primo- hindi ko na kaylangan yan.
Troy- ngayun ko lang napagtanto kung bakit gustong gusto mo makuha to. Sorry sa nangyare na huli na para sa ticket na to, but still, hindi sa pagkamatay ng daddy tumitigil ang mundo mo, andyan lang naman sya palagi, nakasubaybay sayo, alam ko yun din naman ang gusto nya para sayo.
Primo- gusto ko magpahinga, sa susunod na lang tayo mag usap.
+ tumango na lang sya. Tumalikod na sya pero bago sya lumabas may pinakita sya saking plastic at ipinatong nya yun sa lamesa ko. After nyang nakalabas, kinuha ko yun at tiningnan kung anong laman. Medyo napatawa ako ng makita kong puro vitamins ang nasa loob, ano bang tingin nya sakin bata?

(TOMORROW MORNING)
(AYA POV)
+ nandito ako ngayun sa apartment na pinahanap ko kay Edward, sinabihan ko sila Troy at Cyrus na wag muna akong abalahin, nawawalan ako ng gana sa lahat. Tama lang pala na kinuha ko tong apartment, makakaiwas ako dun sa dalawang bugok, pero anong gagawin ko dito? Hayss. Kinuha ko ang cellphone ko, naalala ko na naman yung away namin ni Primo kahapon, nakokonsensya ako, bat ba kasi pinatulan ko pa!! Hinampas hampas ko ang ulo ko, hindi ka kasi nag iisip eh!!! Biglang tumunog ang cellphone ko. Si steff pala natawag. Kaya sinagot ko agad.
Aya- Steff
[ Aya free ka ba? Nasan ka? Puntahan kita ]
Aya- may nangyae ba?
[ wala naman, busy ka ba? ]
+ buti na lang nandito ako ngayun sa apartment, kung papupuntahin ko sya, okay lang, kaso baka magtaka sya wala masyadong gamit, pero okay lang naman siguro.
Aya- Nasa bahay ako, gusto mo bumisita.
[ oh my god, sige sige, san ba yan? ]
Aya- itetext ko sayo ang lugar.
+ after ng tawag tinext ko agad sa kanya ang lugar, siguro mas mabuti narin to, hindi katulad ng dalawang hilaw na yun na lagi ako inalala, atleast si Steff, masarap sarap kakwentuhan. After 30 mins, nandun na nga sa sa labas, tiningnan ko muna simula sa secondfloor kung sya na nga ang nasa baba, ngumiti sya at kumaway kaya bumaba nako.
Aya- malayo ba?
Steff- hindi ha, ang lapit lapit nga eh, ao dito ka pala nakatira. Ang tagal na natin magkasama sa trabaho, ngayun mo lang ako inimbitahan.
Aya- hehe.
+ niyakag ko na sya pa loob.
Steff- alaaa ang cuutee, magkano ang upa mo dito?
Aya- uhmm, mura lang 5k monthly.
Steff- woww, ang ganda atsaka hindi tulad ng ibang apartment na nasa isang building lang, ito parang sari sarili nyong bahay na magkakadikit lang. Ang galing naman.
Aya- haha salamaat.
Steff- ay oo nga pala may mga dala akong meryenda.
Aya- nag abala ka pa, oorder na lang sana ako ih.
Steff- wag na, masaya nga ako kasi ininvite moko ih.
Aya- sus wala yun.
+ binuksan na namin yung mga pag kaing dala nya at nagkwentuhan ng nagkwentuhan.
Aya- sya nga pala, bat mo naisip na pasyalan ako
Steff- bukod sa namiss kita, actually nasa meeting ako kanina nila direk, napag pasyahan kasi nila na imbes, iposponed na naman ang mga shooting, itutuloy na lang, pero yung mga scenes na solo na lang muna ni Carmen, kaya ngayun ayun nag aayos padin sila. Total wala naman si Sir Primo, tulad mo hindi pa din ako masyadong kaylangan dun, kaya naisip kong pasyalan ka na lang. Sayo ba? Wala ka bang balita sa kanya.
+umiling na lang ako.
Steff- sana naman ituloy nya. Sayang naman diba?
Aya- sana nga. Pero base sa sinabi mo na itinutuloy parin nila ang shoot, meaning may pag asa pa talaga.
Steff- hay nako, ayoko na uli isipin, sabi ko naman sayo ayoko sa lahat yung isip ng isip.
Aya- hahaha ikaw lang naman dyan ang isip ng isip eh.
Steff- sabagay hahaha.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now