Part 39

914 17 0
                                    

( PRIMO POV )
+ after ng libing nag antay na lang kami ng final trial,  sa totoo lang hindi ko alam kung anong plano ni Aya pero magtitiwala na lang ako. Nag reready kami ngayun ni Loida para pumunta sa final trial ni Enrico.

Primo- Loida,  sasama ka pa ba talaga?
Loida- oo naman,  gusto ko sya makitang bumagsak at magalit.
+ natawa ako ng bahagya.
Primo- Bahala ka.
Loida- Anak.
Primo- Hm?
Loida- Alam na ba ni Aya?
Primo- ang alin?
Loida- na aalis tayo after this?
+ napatigil ako.
Primo- ah. 
+ umiling na lang ako.
Loida- Sana maintindihan nya.
+ ngumiti na lang ako ng bahagya.
Primo- ayos ka na? Tara na.
Loida- oo sige,  sandali at kukunin ko ang bag ko.
Primo- aantayin kita sa baba.
+ bumaba nako at kinuha ang kotse,  pagkatapos bumaba narin sya at sumakay. Nag drive nako papuntang Court since si kay Troy at Cyrus na sasabay. Pagdating don nakaupo na sila pero hindi nila kasama si Aya. Kaya lumapit agad ako kay Troy.

Troy- Andyan na pala kayo. Madam.
Loida- oo,  dito nako uupo.
Primo-  Si Aya?
Troy- lumabas sya saglit eh.
Primo- ahh.
+ nagpaalam ako sa kanila at lalabas lang din ako saglit sa room.  Sumilip silip ko sa hallway, baka sakaling makita ko sya,  kaya naglakad lakad muna ako. Napans in n ko sya sa bench sa labas at may kausap na babae. Kaya lumapit ako.

Primo- Aya.
Aya- O.  Start na ba?
Primo- Hindi pa naman.
+ tumingin ako sa kausap nya at parang namukaan ko agad.
- Goodmorning po Sir.
Primo- Diba ikaw yung.
-  0po,  yung asawa po ng nakabangga sa daddy nyo,  at ina po ng babay na tinulungan ni Maam Aya.
Primo- Ahh,  anong meron?
Aya- wala,  nagkasalubong lang kami kanina.
-  pinuntahan ko po kasi ang pinsan ng asawa ko,  tinutulungan po nila kami sa gastusin habang hindi pa nakakalabas ang asawa ko.
Aya- wait.
+ may kinuha sya sa bag nya na calling card.
Aya- if ever na may pangangailangan kayo,  tawagan nyo po ako. Baka sakaling may maitulong ako.
-  naku wag na po. Malaki na po ang naitulong nyo samin kaya hindi nyo na po kaylangang gawin yan.
Aya- Sigurado ka?
-  opo opo..
Aya- basta alam mo naman kung san ako pupuntahan.
+ napapangiti na lang ako. Wala parin sya pinagbago,  kahit anong taas ng naabot nya, napaka mapag kumbaba nya parin.
-  Sir Primo.  Salamat din po. Nasabi ni Maam Aya na napatawad nyo na po kami. Muli po akong humihingi ng tawad sa inyo.
Primo- okay na yun. Atsaka makakalaya din ang asawa mo. Wala namang may gusto sa nangyare.
-  salamat po. Mauna na po ako. Baka naistorbo ko na po kayo.
Aya- Hindi naman,  sige po. Alagaan po si baby at magiingat po kayo lagi.
+ ngumiti ito at tuluyan ng umalis.
Primo- Tara na sa loob?
Aya- hinanap mo talaga ako?
Primo- syempre,  baka kasi kung san ka mapunti.
Aya- haha bata lang?
+ hinawakan ko na sya sa kamay at bumalik na kami sa loob, pagdaring don, pumasok narin sila Don Enrico pati ang witness nila.
Umupo na kami ni Primo. Ng dumating na ang Judge tumayo na uli kami lahat and after nun nagsimula na agad. Tumayo na ang Atty nila para mag start.
(P) atty- Goodmorning you honor.  We dont have any complaints since the side of Madam Loida did'nt have any proof regarding their complaints,  we are concluding that the testimonies are just mere accusations and have nothing to prove. Our side already express answers all the questions,  and I conclude that this issue is no more crucial.
Judge- Sistained. Did the other side has still complaints?  If none,  then we will proceed to decisions.
Atty- Sandali lang po Judge. We still have sonething to add. May I call on Jake Raullo on the witness stand?
+ nagulat pa to ng bahagya, at marahang umakyat sa wutness stand.  Pinanumpa muna sya. Tahimik lang si Don Enrico sa tabi,  pero halatang walang buhay ito at namumula ang mata.
Atty- Magsisimula na po ako.
Judge- go on.
Atty-  thank you. So Mr. Raullo.  Natatandaan mo ba ang sinabi ko tungkol sa fingerprints?
+ nanlaki ang mata nito at napahawak sa panabi ng witness stand.
Jake- o-opo.
Atty- hindi mo parin ba aaminin?
Jake- wa-wala po kong alam
Atty- gust kong malaman mo na may nag match na finger prints mo sa sa kotse!
+ nagsimula na itong mataranta at tumingin tingin sa side ni Don Enrico, iniwasan naman sya ng tingin ni Don Enrico.
Atty- hindi mo parin ba aaminin.
(P) atty- Objection. Untill there are no proof presented,  you cannot force our witness.
Atty- Regarding that.  Judge,  I would like to request a permission for the doctor of GH Hospital who conduct a test for the matters.
Judge- You may.
+ tumingin kami lahat sa pinto sa gilid at pumasok ang Doctor at may iniabot na papel sa writer. Tumayo ang writer na ito.
Writer- The document said that the fingerprint of Jake Raullo from the Car Accident is 100% matched to the fingerprints from the Bus Accident.
+ nagtayuan lahat ng staff namin na nasa likod at nagsigawan,  agad naman kaming tumayo ni Aya at Cyrus para pigilan sila.
Wala naman ng nasabi yung Jake at nakatungo na lamang.
Atty- Thank you Doctor.  Ngayun Mr. Raullo. Napatunayan namin na may kinalaman ka sa aksidente. Sino!  Sino ang nagutos sa inyo para i sabotahe at lagyan ng pasabog ang makina ng bus?!!!
+ hindi ito sumasagot at halatang naririndi na.
Atty- SINO?!!!
(P) atty- OBJECTION YOU HONOR!!
Jake- Si Don Enrico po!!!!
+ sabay sabay kaming napa inhale at isa sa mga staff ang nagpumilit na maglakad para sugudin si Don Enrico.
Staff- HAY*P KA!!!
+ habang si Don Enrico ay pinipigilan ng mga pulis dahil galit na galit ang muka nito at gustong sapakin yung jake.
Enrico- PAPATAYIN KITA!!!!!
Judge- ORDER IN THE COURT!!
+ sinamaan nya ng tingin si Aya.
Atty- kung ganun,  sya rin ba ang nag uto sa inyo para kidnappin si Madam Loida?
Jake- opo.
+ pakiwari koy sasabog na sa galit si Enrico.
Atty- salamat.
+ pailing iling yung Jake at halatang umiiyak
Atty- hindi pa kami tapos your honor. Ngayun naman. Gusto kong imbitahan sa witness stand si Don Enrico.
+ nagulat ito.
Enrico- BAKIT?
+ wala ng masabi pa ang abogado nito.
Writer- Don Enrico please proceed to witness Stand.
+ tinaasan ko sya ng kilay at utay utay na pumunta don. Pagkatapos nyang manumpa ay umupo na sya.
Atty-  Don Enrico. Diretsahang tanong. Gaano katotoo na ginamitan mo ng illegal na bagay ang mga kontrata mo sampo ng mga investors mo?
Enrico- Hindi totoo yan.
Atty- ilang kumpanya na ang pinasara mo dahil sa mga akusasyong hindi totoo.
Enrico- Wala akong alam sa sinasabi mo!
+ tumingin si Atty kay Aya at tumango naman si Aya.  Kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan.
Atty- Your honor. I will ask for another permission for our plus 1 witness.
Judge- you may,  pero pagsalitain nyo na lang sa harap.
Atty- yes your honor.
+ mula sa likod may nagbukas ng pinto.  Si Edward at may kasamang babae. Napatayo si Enrico.
Atty- Your honor,  she is Don Enrico's Secetary for 2 years. Dala nya lahat ng illegal papers and contracts. At sya rin ang magpapatunay nito gayung nanungkulan sya ng matagal na panahon kay Don Enrico.
+ napanganga na lang ko at tumingin kay Aya.
Primo- bat hindi ko naisip yon?
+ kinindatan nyako, umupo naman sa gilid ko si Edward.  Nag appear kami.
Primo- natutuwa ako sayo ah.
+ tumawa na lang ito. Inabutan nila ng Mic yung Secretary.
Atty- totoo ba lahat ng sasabihin mo ngayun laban kay Don Enrico.
Enrico- SINUNGALING AT SIR* *LO YAN EH!!  GUMAGANTI LANG YAN DAHIL TINANGGAL KO SYA SA TRABAHO.
Sec- TINANGGAL MOKO KASI NABUBUKING NA LAHAT NG GINAGAWA MO!!
+ Natameme si Enrico.
Sec- lahat po ng dalang kong papeles ay mga illegal nyang transactions,  kasama dyan ang pangalan ng mga businessman na sangkot pati mga opisyal na kaalyado nya. Lahat yan ay pirmado at may consent nya.
+ nakatungo na lang ang Abogado nya. Kinuha ni Atty ang papel at iniabot sa Judge.
Atty- That all Your honor. Wala na kaming idadagdag pa.
+ kinuha yung ng judge. Nagkaron muna ng 30 minutes break para sa decision mamaya. Wala ng buhay ang side nila Enrico. Humingi naman ng pasensya ang secretary dahil ngayun lang sya lumabas. Ikinatuwa naman ng lahat ang tulong nya.
Aya- Salamat ha.
Sec- nung una natakot po ako eh,  sorry po.
Aya- naiintindihan namin yon, pero salamat kasi mas pinili mong tumistigo.
Sec- gagawin ko po ang lahat para makatulong. Atsaka nga po pala.
+ tumingin kami lahat sa kanya.
Sec- nung sinabi nyo po sa kanya na wag basta basta uupo sa upuan nya at baka di na sya makatayo,  agad nya pong pinatanggal ang upuan.  Natakot po ata.
+ nagtawanan kaming lahat.  Buti nga sa kanya. After 30 minutes ay bumalik na ang judge at iniabot sa Writer ang hawak nitong papel. Pinatayo kaming lahat.  Hinawakan ko ang kamay ni Aya,  ito na yung decision na hinihintay namin.
Writer- Ngayung araw na ito (petsa)  , matapos ang paguusap at desisyon na ginawa ng ating husgado.  Ikaw Enrico Villareal sampo ng iyong mga kasabwat ay napatunayang nagkasala ng Murder,  kidnapping at Illegal transactions na labag sa batas.
+ sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag at nagyakapan ng mahigpit. Halos matumba sa kinatatayuan nya si Don Enrico at natulala na lamang.
Writer- Ikaw ay hinahatulan ng hukumang ito ng Habang buhay na pagkakakulong.
+ naiyak na lamang si Loida at paulit ulit na nagpapa salamat kaya yakap yakap ko sya.  Tumingin ako sa direksyon ni Enrico. Nakatitig samin ang walang buhay nyang mata habang pinoposasan at kinukuha na sya ng mga pulis. Humarap sakin si Aya at niyakap ako. Para akong nabunutan ng tinik sa lakamuna.  Tumakbo sya sa mga staff at niyakap sila lahat.  Sa wakas nabigyan din ng hustisya ang pagkamatay ng mga inosenteng tao.  At natigil na ang mga kasamaan nya. Hindi kami nag abala pa na makausap si Enrico at sama sama na kaming lumabas. Alas sais ng gabi. Nag pa reserve ako ng isang restaurant para makapag celebrate man lang. Masayang masaya silang lahat. Pagdating don halos hindi matahimik dahil masaya silang Nagkekwentuhan. 
Troy- Guys.
+ tumahimik lahat at tumingin sa kanya.
Troy- Salamat. Alam ko, bilang CEO, hindi ganun kalaki ang nagawa po. Pero dahil sa tapang at lakas ng loob ninyo. Nabago ang sitwasyon kay after this,  itutuloy natin ang bakasyon,  magpagaling muna kayo,  ganun din ang gagawin ko,  at pag okay na tayong lahat babalik na tayo sa trabaho.
+ lumapit si Aya sa kanya,  ngumiti at hinawakan sya sa kamay.
Troy- Lolong lalo na sayo Aya.  Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.
Aya- buti na lang nandito ako.
+ natawa kami. Ngumiti na lamang din ako. Ng dumating na ang mga pag kain,  nagsimula ng kumain lahat. Dumating din si Alex.
Cyrus- O guys magpapaka busog ha.  Pagkatapos sagot ko na ang inumin!
+ nagpalakpakan sila.
Primo- Ahem!  Para sabihin ko sayo.  Kasama na yan sa binayaran ko.
Cyrus- Ganun?  Edi mas okay.
+ lalo pa syang nag ingay.  Kumain na lang din ako habang pinapanood na lang sila. After ilang minutes lumapit ako sa Counter para ipadala na ang dessert. Pagbalik ko wala si Aya sa upuan nya.
Primo- nasan si Aya?
Loida- Lumabas saglit anak.
Primo- San pupunta?
Loida- eh wala naman sinabi eh basta lalabas lang daw sya saglit.
+ kinuha ko ang sumbrelo ko pati ang sumbrelo nya lagi kong dala tapos lumabas muna ako at iniwan sila din na nagkakasiyahan. Luminga linga ako at hinanap sya Nagtry ako maglakad lakad sa hallway ng makita ko sya sa isang vending machine. Naka pamay awang sya dun at nakakunot ang noo.
Primo- Aya.
Aya- hm?
Primo- Anong Ginagawa mo?
+ isinuot ko sa kanya ang sumbrelo.
Aya- Eto kasi ayaw lumabas,  naghulog nako eh.
Primo-  Magkano ba hinulog mo?
Aya- bente,  pati nga sukli walang nalabas eh.
Primo- wait ha.
Aya- bakit?
+ pumunta ako sa gilid ng vending machine at bumwelo.
Aya- teka teka teka!  Anong gagawin mo?
Primo- minsan kasi kaylangan pang alugin para gumana.
Aya- teka eh baka masira!!
Primo- hindi yan.
Aya- pano mo naman nasigurado na gagana yan?
Primo- nakita ko to na ginawa ng isang lalake nung 1 time sa labas ng agency eh.
Aya- Pag nasira yan,  bahala ka ha.
Primo- Ayaw mo maniwala? Umipod ipod ka dun.
+ umatras sya ng bahagya, tapos bumwelo ako at sinipa yun ng malakas,  pero imbes na gumana.
Aya- HALA!!
+ Natumba yung vending machine. Nanlaki pareho ang mata namin at nagkatinginan. Narinig namin na may sumigaw na matanda mula sa likod kaya agad kong hinawakan sa kamay si Aya at tumakbo.
Primo- Bilis!!!
+ tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa tulay at ng hindi na namin naaaninag yung matanda.
Aya- AHAHAHHAHAHA!!!
+ tawa naman ng tawa itong isang to.
Aya- HAHA!  lagot ka sinira mo hahahah.
Primo- malay ko bang ganun lang kadaling matumba yun.
Aya-  sabi mo gagana hahahhaha.
+ nagpupunas na sya ng luha katatawa. Kaya natawa na lang din ako.
Primo- tss. Ikaw na nga tinulungan eh.
+ ng mahimas himasan na sya, tumingin na lang kami sa City light na kitang kita mula dito sa gilid ng tulay. Nakangit sya at huminga ng malalim.
Primo- Aya may sasabihin ako.
Aya- ano?
+ huminga muna ako ng malalim.
Primo- kaylangan kong umalis.
+ napatingin sya sakin.
Primo- gusto kong samahan si Loida,  hiling nya na magbakasyon kami para ma km abawi sya sakin.
+ umiwas sya ng tingin.
Aya- kaylangan ba talaga?
Primo- naisip ko,  bukod sayo sya na lang yung natitirang iniingatan ko.
+ bumuntong hininga sya. Mga ilang munuto sya natahimik.
Primo- Wag ka mag alala. Hindi naman ko habang buhay mawawala.
+ tumango na lang ito tapos tumungo. Medyo may pumatak na luha sa mata nya, hiniwakan ko sya sa pisngi at pinunansan yun.
Primo- Mahal na mahal kita,  kaya magtiwala ka lang sakin. Naiintindihan mo naman ako diba?
+ tumango tango uli sya tapos pinunasan ang sarili nyang luha..humarap na uli sya sa kawalan.
Aya- Naiintindihan ko. Basta ha,  babalik ka.
+ ngumiti ako at hinaplos ang buhok nya.
Primo- matitiis ba kita?
+ halata sa kanya na medyo uneasy pa sya,  pero alam kong magegets nyarin. Tumitig ako sa kanya,  pero bakit parang may biglang pumasok sa isip ko. Napakunot ang noo ko.
Primo- Aya.
Aya- hm?
Primo- Nagkita na ba tayo dati?
+ ngumiti sya.
Primo- nung bago ka pa nag apply sakin bilang PA.
Aya- naalala mo?
+ kinunutan ko sya ng noo dahil parang famillar ang muka nya sakin.
Aya- Alam mo ba,  dito tayo unang nagkita?
Primo- huh?
Aya- Di mo tanda?  Ako yun. Yung babaeng niligtas mo.
Primo- niligtas?  Saan?  Bakit?
Aya- Kasi magpapakamatay ako ng araw na yun.
+ parang unti unting bumalik sa utak ko.
Primo- Seryoso?
Aya- oo. Ang sabi mo pa nga,  hindi deserve ng tulay na to ang buhay ng kahit na sino.
+ nakatingin na lang ako sa kanya dahil hindi parin ako makapaniwala. Humarap sya sakin.
Aya- Kaya simula nun. Nag apply ako bilang PA mo.
+ napaiwas ako ng tingin at napanganga.
Primo- ikaw yun?
+ tumango tango sya. Lumapit pa sya ng bahagya at hinila ako sa kwelyo.  Napapikit na lang ako ng halikan nyako sa labi ng marahan at matagal,  pagkatapos bumitaw sya at hinawakan ako sa pisngi.
Aya- kaya wag ka mag alala,  kung kaylangan mo umalis,  tandaan mo,  hihintayin kita.
+ wala akong masabi.  Punong puno sya ng surprises. Hinila ko sya sa bewang at muling hinalikan sa labi.  Alam kong nakapag paalam nako pero ramdam ko yung hirap at sakit pag nagkalayo kami.

Itutuloy.....

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now