Part 16

940 18 1
                                    

( AYA POV)
+ magkasama kami ngayun ni Steff para sabay na sanang kumain after akong makausap ni Allissa.
Steff- Hoy Aya,  anong pinag usapan nyo dun ha,  binubully ka ba nun? Wag mo na lang kayang lapitan.
Aya-  hindii.
Steff- sigurado ka ha.
Aya-  ahuh,  ano nga palang kinuha mo sa office?
Steff- ahh wala,  list lng ng request form ng mga pag geguest-an nila Carmen at Sir Primo. Last day na kasi ng shooting bukas,  sayang wala ka,  sigurado mag cecelebrate after.
Aya- okay lang yun,  atleast matatapos na.
Steff- oo,  hay naku hagya ng natapos. Alam mo,  tuwing break,  nakikita ko si Sir Primo sa tent nya,  tahimik lang tsaka minsan tulala. Atsaka madalas nyang malimutan at magkamali sa mga scripts hindi tulad dati. Ewan ko ba pero parang nitong mga huling shoot,  hindi nya na poportray ng ayos ang character nya. Iba talaga pag nandun ka Aya. Alam mo yun,  nasanay na sya na lagi kang naka alalay sa kanya,  siguro dahil ikaw ang kauna unahang PA nya.
Aya- ganun ba? 
Steff- oo kaya bakit ba hindi ka pa bumabalik?
Aya- ewan ko
Steff- hindi ka ba nya pinababalik?
Aya- pinababalik
Steff- o,  eh anong problema?
Aya- hindi ko din alam Steff eh.
Steff-  panong di mo alam?
Aya- Para kasing hindi ko na maramdaman yung pagiging PA sa kanya.
Steff- ayaw mo na talaga sya makasama?  Napagod ka na?
Aya- Hindi Steff. Basta,  gusto ko naman syang matulungan,  o kaya mabantayan,  o kaya masamahan lagi,  pero parang naiisip ko ganun na lang yun,  na kapag may nangyaring masama,  ganun na lang uli,  mag aaway kami,  tatanggalin nyako tapos magiging okay uli, parang magiging paulit ulit na lang.
+ tumayo sya sa harap ko at tumitig sakin.
Aya-  bakit?
Steff- ahhh,  naiintindihan ko na.
Aya- ha?  Buti ka pa,  ako tong may katawan pero di ko maintindihan kung anong problema ko.
Steff- kasi nga naguguluhan ka. Makinig ka ha,  tutulungan kita kasi paliliwanagan kita ng ayos.
Aya- Ano ka ba,  kung ano ano sinasabi mo dyan,  wag mo na isipin.
Steff- no,  alam mo kung ano yang problema mo na hindi mo maintindihan?
+ kumunot ako at nag antay sa sasabihin nya.
Steff- ayaw mo ng bumalik,  hindi dahil napapagod ka na bilang PA.  Kundi dahil ayaw mo ng bumalik para maging PA lang uli,  tama ba?
Aya- hindi kita maintindihan Steff,  hayaan mo na.
Steff- Aya,  ayaw mo ng bumalik bilang PA,  gusto mo pabalikin ka nya bilang ikaw.
Aya- ano bang pinag sasasabi mo?
Steff- simple lang. 
+ ngumiti sya sakin ng sarkastiko.
Aya- ano?
Steff- May gusto ka sa Boss mo Aya.
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Aya- baliw ka ba?
Steff- ewan ko na lang ha. Isipin mo, isang taon din kayong magkasama. Posible naman diba. Matanong nga kita Aya.
Aya- ano na naman?
Steff- Nag kiss na ba kayo?
Aya- Steff!!!  Ano bang pinag sasabi mo dyan!!
Steff- kahit hug,  hindi?
Aya- tumahimik ka na lang please.
Steff- haha ito naman masyadong defensive. Halika na nga haha.

(TROY POV)
+ Pagkatapos hilahin ni Primo si Aya,  alam ko na nag mangyayare,  alam kong pipilitin nyang bumalik si Aya sa kanya at yun naman  ang hindi ko mapapayagan,  pagkakataon nato para mailayo sa kanya si Aya.
Cyrus- Bakit kaya ganun?
Troy- Ang alin?
Cyrus- alam mo kuya,  sa tingin ko hindi lang bilang PA ang tingin nyang Primo na yan kay Aya eh.
Troy- Halata mo pala.
Cyrus-  what the f*ck, tama bako ng hinala kuya?
Troy- hindi ka naman bulag para hindi magets.
Cyrus- pwes kaylangan natin gumawa ng paraan,  hindi pwede to.
Troy- wag ka mag alala,  hindi ganun kadali si Aya,  may tiwala ako sa kanya.
Cyrus- hindi naman sa pinag hihinalaan ko si Aya kuya,  pero pag dating sa Primo na yun,  tagilid sya.
Troy- anong ibig mong sabihin.
Cyrus- hindi ko pa sigurado ang naiisip ko eh.  Pero gagawa ako ng paraan para hindi mangyare yun.

(AYA POV)
+ after namin kumain ni Steff,  bumalik na sya sa trabaho,  ako naman umuwi na masakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi sakin ni Steff,  hindi kaya tama sya?  Hindi Aya!!  Wag mong isipin yan,  ipapahamak mo na naman sarili mo eh,  lalo na sa nangyare samin ni Allissa,  alam kong hindi sya titigil hanggat di nya nakukuha ang gusto nya,  alas sais na ng gabi at katatapos ko lang maligo,  kukunin ko pa lang sana ang laptop ng may bumusina na naman mula sa harap ng bahay. Sino na naman ba to?  Lumabas ako sa balkonahe at tumingin sa baba,  laking gulat ko ng makita ko si Primo na nakatayo sa harap at nakatingala sakin, habang hawak hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Dyusko ano bang ginagawa ng taong to,  mas nataranta ako ng may mga pasilip silip na tao sa muka nya. Kinuha ko ang sumbrelo ko at mabilis na bumaba,  pag bukas pa lang ng pinto, halos ingudngod nya sa muka ko yung mga bulaklak.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now