Part 12

891 18 0
                                    

(AYA POV)
+ nung araw na yun,  hindi ako nakaalis sa pwesto ko,  hindi kasi ma digest ng utak ang mga sinabi nya at ang mga nangyare,  hanggang sa puntahan ako nila Cyrus at Troy,  pinilit nila akong isama pauwe pero hindi ako umalis,  alam kong galit lang sya, alam kong masakit lang para sa kanya ang pinagdadaanan nya,  at hindi ko na intensyon pang mas paguluhin yun. Hindi ako lumayo sa burol ng daddy nya, araw araw bumabalik ako,  late ako umuuwi para lang masigurado na nandun ako pag may kaylangan sya,  nakikita nyako minsan pero iniiwasan nya,  ayoko ring lumapit dahil alam kong hindi okay. Hanggang sa mailibing si Sir Luis,  nasa likod lang ako,  naka alalay kapag may problema,  hindi nyako kinakausap,  sa ngayun si Allissa ang laging nasa tabi nya,  inisip ko rin na mas mabuti yun,  pag kaylangan nya ng kausap may makakausap sya. After ng libing sinubukan ko syang lapitan pero dire diretso lang syang sumakay ng kotse nya at wala ng inimikan pa na kahit na sino. Nasa Condo ako ngayun, dinadial at tinetext ang number nya,  pero hindi sya sumasagot. Ilang araw ng ganto,  pati sa continuation ng shooting hindi sya maka attend,  well iniintindi na lang nila derek dahil nga sa nangyare. Napasighay na lang ako na humiga sa kama. Biglang bumukas ang pinto,  pumasok pala si Troy at Cyrus.

Aya- Ano ba!  Uso kumatok
Troy- okay ka lang?
Aya- lagi nyo na lang ako tinatanong kung okay ako,  muka ba kong okay.
Cyrus- bat ba nagkaka ganyan ka ng dahil sa lalaking yun? Hindi ka lang nya kinakausap,  hindi ka narin namin makausap.
Troy- ayoko lang na baka maisipi mo na naman yung mga gina--
Aya- Hindi okay. Hindi ako magpapakamatay ng dahil lang dito.
Troy- oo nga,  pero itong ginagawa mo parang pinarurusahan mo yung sarili mo kahit wala ka namang ginawang mali.
Aya- hayyy,  wala nga ba?
+ umupo si Cyrus sa tabi ko at inakbayan ako.
Cyrus- kelan pa naging mali at umintindi ng sitwasyon at tumulong,  kahit ako ang nasa kalagayan mo, at may kakayahan kong tumulong bat hindi ko gagawin?  Masyado lang kasing nakasara ang utak nya para maintindihan ang puso mong ginto.
Troy- Kung ayaw ka nya kausap,  hayaan mo na,  total sya din lang naman lagi ang nagdadala sayo sa kapahamakan,  kaya wag mo isipin.
+ sinasabi ko din naman yun sa sarili ko eh,  pero hindi ko parin maiwasan.
Troy- may kaylangan ka ba? , may gusto ka ba?  O kahit anong makakatulong sayo,  sabihin mo lang.
Aya- walaaaaaaaa.
+ nagkatinginan nalang sila ni Cyrus.
Cyrus- pano ba yan,  edi wala kang trabaho ngayun?
Aya- ganun na nga.
Troy- Hindi ka naman nya tinanggal mismo sa trabaho diba? 
+ tumingin ako sa kanya at sumimangot.
Troy- tinanggal ka??!!!
Cyrus- eh loko pala talaga yun eh.  Sino bang matino ang tatanggalin sa trabaho yung PA na tumulong lang,  alam mo tama lang yan,  hindi nya deserve,  isipin mo, prinsesa ka pero inuutusan ka lang nya,  napaka swerte na nya ano,  tas ganyan pa sya.  Aba,  ay napaka galing nya...
Aya- ang ingay nyo!
+ natahimik sila pareho.
Aya- nag aalala lang kasi ako,  hindi ko kasi alam kung ano ng ginagawa nya or kung nasan ba sya,  kung kaylangan ba nya ng kasama.
Troy- tatawagan ka nya kung kaylangan ka nya,  diba ganun naman talaga sya. Pero ngayun,  tanggapin mo ng may ibang nagpapalubag ng loob nya.
Cyrus- oo nga.
+ bumuntong hininga na lang ako.  Tsk!!  Ayoko na pag usapan!!
Troy- hayy mas okay to,  mas mapapanatag ako na nandito ka na lang sa ngayun muna,  kung talagang di ka makatiis,  ipapa check ko sa secretary ko si Primo, babalitaan na lang kita. Pupunta muna akong Zentro.
+ tumango na lang ako.
Cyrus- ingat ka kuya.
+ tapos lumabas na sya.
Aya- Ikaw?  Ano pang ginagawa mo dito.
Cyrus- sasamahan ka.
+ kinatusan nyako sa noo.
Aya- Ano ba!!
Cyrus- ilang beses ka bang muntik magpakamatay ha at ganun na lang mag alala sayo si Kuya?
+ inisnob ko na lang sya,  wala ako gana makipag talo.

(TROY POV)
+ I was heading to Zentro,  ng tumawag ang Secretary ko,  kanina pa daw nag iintay sa office ko ang Manager ni Primo at yung Director ng Movie nila. Ano na naman kaya ang problema? Pagdating ko dun,  diretso agad ako sa office at sinalubong na nga nila ako,  nangangamot ng ulo ang Direktor na lumapit sakin.
Troy- What's the problem?
Direk- Hindi namin macontact si Primo!
Troy- what do you mean.
Manager- Actually,  hinayaan ko sya to rest for weeks,  I know hindi madali yung nangyare,  but recently tumawag sya sakin na hindi na nya maitutuloy ang kontrata nya for the movie.
Direk- Sir ang laking problema nito!!  We invest a lot.
Manager- I thought kaya ko pang ayusin,  cause I am his Manager,  I did a lot para makausap sya in person, pero after the call, hindi na sya ma contact,  I know nasa Condo nya lang sya,  but we can't just barg in sa loob ng walang pahintulot nya. Even ang nanay nya hindi sya makausap. I'm sorry CEO but I think kaylangan nyo talagang malaman to.
+ bumuntong hininga na lang ako.  Hindi na okay tong ginagawa nya, gusto ko syang intindihin pero, hindi na tama to.
Troy- naintindihan ko,  pause nyo muna ang shooting,  and wag muna kayong maglabas ng date for the trailer and viewing,  I'll try to contact him,  or makausap.  Basta ituloy nyo lang na i notify sya. If hindi talaga kaya,  then we will have to decode for others choices.
Manager- Salamat Sir.
Direk- Thank you Sir.
+ lumabas na sila,  umupo ako saglit at napahawak sa ulo. Pinoproblema ko na nga ang pagwawalang imik ni Aya minsan,  tapos ganto pa sya,  no ba kasing problema nya. Hindi tamang idamay nya pa ang responsibilities nya.
Sec- Sir,  Inayos ko yung mga files regarding sa modeling agencies na kumuha kay Allissa at Primo,  pero hindi parin po ma contact si Sir Primo.
+ hayyyyy,  napahawak na naman ako sa muka. Ano bang dapat gawin dito?

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now