Part 30

821 14 0
                                    

( PRIMO POV )
+ Nagdadrive ako ngayun papunta ng bahay, bahay ni Enrico. Nakikita kong tahimik na gumagalaw si Aya,  at tama sya, dapat kong protektahan ang kaylangan kong protektahan. Alam kong delikado na si Loida dun kaya gagawa ako ng paraan para makuha sya. Pagdating ko dun,  napansin ko na wala si Enrico,  mabilis akong pumasok sa mga kwarto,  nagulat ako ng lumabas si Loida mula sa kusina.
Loida- Anak!
+ lumapit agad ako sa kanya.
Loida- anong ginagawa mo dito?  Dapat hindi ka na muna pumunta dito. Dun ka na lang sa Condo mo,  pag naabutan ka ni Enrico baka magkagulo pa kayo.
Primo- hindi kita pwedeng iwan dito.
Loida- ayos lang ako.
Primo- alam kong alam mo na nakarating na kay Enrico ang paglaban ni Aya. Sigurado ako hindi ka nya hahayaang makalabas pa. Sumama ka muna sakin.
Loida- Anak. Mas lalo syang magagalit.
Primo- wala akong pakialam!  Mag impake ka ng damit mo.
+ hinawakan ko sya sa kamay.
Loida- anak makinig ka sakin--
Primo- LOIDA PLEASE!!
+ napatigil sya.
Primo- Wag mo ng iparamdam sakin ang pinaramdam ni Daddy nung nawala sya. Diba gusto mong bumawe sakin? Gawin mo na ngayun!!
+ hinila ko ulit sya papunta sana sa kwarto nya.
Enrico- Primo.
+ nagulantang sya at nagulat din ako ng bigla na lang sumulpot si Enrico.
Enrico- Mukang may reunion kayong mag ina ngayun.
+ hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Loida.
Primo- Kukunin ko na sya.
Enrico- kukunin?  Hindi bat ikaw ang pinauuwe dito? Bakit sya ang kukunin mo?
Primo- Hindi ko kaylangang umuwe dahil hindi naman amin to.
Enrico- sa pananalita mo para kang walang utang na loob ah.
Primo- wag ka mag alala,  nagpapasalamat ako sa pag tulong mo,  babayaran ko yun kahit habang buhay ko pa bayaran. Pero hinding hindi ako papayag na gagamitin mo sya bilang kabayaran.
Enrico- Loida.
+ tumingin si Loida sa kanya.
Enrico- ginagamit ba kita? Sabihin mo nga dyan sa anak mo.
+ hindi na mapakali si Loida.
Loida- wag kang mag alala. Kakausapin ko muna sya.
Primo- Ano bang sinasabi mo?
Enrico- Nakita mo na Primo. Alam mo,  alam ko kung bakit ganyan ka katapang ngayun eh. Dahil ba sa Aya na yun? Nabalitaan ko,  isa sya may Black Card ah.
+ sinamaan ko sya ng tingin.
Enrico- Siguro akala nya,  porke may hawak syang ganun eh magagawa na nya lahat ng gusto nya.
Primo- wag mo syang itulad sayo.
+ kumunot ang noo nya na tumingin sakin.
Primo- ginagamit mo ang posisyon at pera mo para angatan ang kapwa mo. Pumipikot ka ng tao gamit ang yaman mo.
Enrico- tumatalas ang dila mo.
+ halata sa muka nya na naiirita na sya.
Primo-  tama naman diba?  Kung sa ganun mo lang nagagamit at nakukuha lahat ng meron ka,  anong mali sa ginagawa ni Aya?  Tinatama nya lang ang baluktot mong pagkatao.
+ kinwelyuhan nyako.
Enrico- Bakit?!!  Sino ba sya para itama ako?!!
Loida- Tama na!!
Primo- Sino si Aya?
+ tiningnan ko sya ng diretso.
Primo- Sya ang magpapabagsak sayo.
+ Sasapukin nya sana ako pero naitulak sya ni Loida.
Loida- WAG MONG SASAKTAN ANG ANAK KO!!!
+ halata sa kanya na nag pipigil sya ng galit.
Enrico- Nagkampihan na kayo.
Primo- Halika na,  umalis na tayo dito.
Enrico- ORAS NA LUMABAS KAYO NG BAHAY NATO!!?
+ tumigil kami sa paglalakad.
Enrico- WAG NYONG ASAHANG KIKILALANIN KO PA KAYO!!?
+ hinawakan ko uli ng mahigpit si Loida sa kamay at hinila na sya palabas.

(TROY POV)
+its 6 pm at nasa Furenaria kami ni Aya ngayun. Bakas sa mata nya ang lungkot pero para parin syang walang ekspresyon. Lumapit ako sa kanya.
Troy- Ayos ka lang.
+ tumingin sya sakin at ngumiti na lamang.
Troy- wag mong pilitin ang sarili mo,  pag kaylangan mo ng pahinga, magpahinga ka.
+ huminga na lang sya ng malalim.
Troy- gusto mo ng kape? Alam kong ibang timpla ang gusto mo,  ako na ang magtitimpla.
Aya- sasamahan na kita.
+ pumasok na nga kami sa loob ng parang mini kusina dito sa furenaria.
-  Maam,  Sir. Gusto nyo ho ba ng kape,  ipagtitimpla ko na ho kayo.
Troy- hindi na kaylangan,  kami na bahala sa sarili namin. Dalhin mo na yang mga tinimpla mo sa mga nakiramay.
- Sige po. May sandwiches din po dyan.
Troy- salamat.
+ lumabas na sya at naiwan kami dito ni Aya.  Kumuha nako ng tasa at nagsimula na kaming magtimpla
Troy- Anong update kila Cyrus?
Aya- okay lang,  ako na ang bahala dun. Ikaw?
+ tumingin ako sa kanya.
Troy- ako?
+ kumuha sya ng sandwich at nilagay sa harap ko.
Aya- kumain ka naman.
+ napaiwas na lang ako ng tingin at inilipat uli sa kanya ang sandwich na yun.
Troy- mas kaylangan mo yan,  sakitin ka eh.
Aya- sayo na.
+ ibinalik nya uli kaya natawa na lang ako ng bahagya.
Troy- alam kong pagod ka. Hindi ka lang nagsasabi, laging ako ang pinag papahinga mo pero ikaw naman ang mas kaylangang mag pahinga.
+ nagkatinginan kaming dalawa.
Aya- alam mo ba kung bakit ayaw na ayaw ko dating magpakilala as CEO?
+ nakatitig lang ako sa kanya.
Aya- kasi,  gusto kong umasenso,  at gusto ko rin na makabawi ka sa lahat ng nawala sayo ng hindi ako nagpapakilala,  dahil nakita ko kung pano ka umiyak,  mapagod,  malugmok ng mawala ang Agency mo. Natakot ako na kapag nangyare uli yon,  makikita mo at ng mga tao kung pano ako malugmok. Ang ginawa ko na lang na inpirasyon nun is magulang ko alam mo yan,  hanggang sa mawala sila at ikaw parin ang nanatili sa tabi ko.
+ maamo ang muka nya,  hinawakan nyako sa kanang pisngi.
Aya- kaya nga ngayun. Wag ka na mag alala,  hindi ka mag isa. Kasama mo na ako. Kung kaylangan natin umiyak,  iiyak tayo ng sabay.  Kung kaylangang magdiwang,  magdidiwang tayo ng sabay. Magtiwala ka sa lahat ng desisyo ko. Pag sinabi kong kaya ko,  kaya ko.
+ nakatitig parin ako sa kanya. Lumapit ako ng bahagya at hinaplos ang buhok nya. Hindi ko akalain na darating ang oras at magkakausap kami ng ganto.  Nakatingala at nakangiti lang sya sakin,  kaya nadako ang tingin ko sa mga labi nya. Matagal ko ng gustong gawin to. Ang lumampas sa boundary na namamagitan samin dati pa.
Binitawan na nya ang pisngi ko. Umiwas sya ng tingin at kakawala sana pero hinila ko rin sya agad sa braso pabalik at hinawakan ang baba nya para dumiretso sya ng tingin sakin. Inches na lang ang layo ng muka nya sakin. Kumunot ang noo nya.
Aya- Troy.
+ unti unti akong lumapit, nararamdaman ko na ang hininga nya. Isa lang ang naiisip ko.  Handa na akong halkan kahit ano pang maging reaksyon nya. Pano kita pakakawalan kung ganyan ka? Unti unti,  hanggang sa---

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now