Part 37

773 17 0
                                    

( CYRUS POV )

+ Its 8 am ng umaga. Nakapanood lang ako kay Allissa habang matamlay na inihahanda na ang maleta nya sa kama habang ako nakasandal sa pinto. Kita ko sa muka nya ang pagiging matamlay.  Tumayo na sya at tumingin sakin habang hawak na nya ang maleta at nakabihis na.
Cyrus- Sorry ha. Tama si Aya,  ayoko lang din na dumating sa oras na ikaw naman ang isunod nya.
+ tumango na lang sya at huminga ng malalim.
Allissa- okay lang.  Ito din naman ang gusto ko nung una.
Cyrus- yan na ba lahat ng kaylangan mo?
+ ngumiti dya at umuoo na lang.
Cyrus- Ihahatid na kita.
+ kinuha ko na ang susi at cellphone ko at nanguna na sa labas sa kotse,  nakasunod naman sya. Lumingon muna sya sa resthouse tapos bumuntong hininga. Naglakad na uli sya palapit at kinuha ko na ang dala nyang maleta at inilagay sa backseat. Maya maya sumakay na rin sya sa passenger seat. Pinaandar ko na ang kotse patungo sa Airport. Nasa City pa lang kami,  tahimik lang sya at hindi umiimik tapos nakatulala lang sa labas.

Cyrus- Allissa.
+ pero parang hindi nyako narinig.
Cyrus- Allissa.
+ tinapik ko na sya sa balikat bago pa sya humarap sakin.
Cyrus- ayos ka lang?
Allissa- oo naman.
Cyrus- tulala ka eh.
Allissa- ahh,  napuyat lang siguro.
Cyrus- Hindi ka nakatulog kagabi?
Allissa- Medyo.
Cyrus- wag ka mag alala,  hindi magtatagal maging okay rin ang sitwasyon at makakabalik ka rin kung gusto mo.
+ ngumiti na lang sya ng bahagya at tumungo.
Allissa- Baka.... Hindi nako bumalik eh.
+ napatingin ako sa kanya.
Cyrus- bakit?
Allissa-  Na miss ko narin si Daddy. Tsaka parang mas gusto ko na lang ng normal na buhay.
+ napaiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa daan.
Allissa- Ngayun naiintindihan ko na yung sinabi ni Aya nung nagpakilala sya sa stage bilang CEO.  Marami pa nga akong hindi nararanasan bilang tao. Sa ilang araw na nag stay ako sa Resthouse.  Kahit kelan hindi ko naisip na makakatiis kong walang cellphone. Maglaba at maiwan ng magisa sa isang buong araw ng walang pagkaka abalahan.. Kaya gusto ko na lang bumawe kay Daddy at gawin lahat ng di ko pa nagagawa.
+ ngumiti na lang ako. Hinawakan ko sya sa ulo at hinaplos haplos ang buhok nya.
Cyrus- mukang big girl na ah.
+ nanlaki ang mata nya,  hanggang sa marealize ko din ang ginawa ko kaya ibinaba ko din agad ang kamay ko.
Cyrus- Sorry.
+ natawa na lang sya.
Allissa- okay lang, mas okay nga eh.  Alam ko namang ilang beses mo na akong pinagtangkaang sampikulin eh.
Cyrus- hindi ha.
Allissa- sus.
Cyrus- tss.
+ natahimik na uli kami. Malayo layo pa kami ng konti sa airport eh.
Allissa- Cyrus,  bilhan mo naman ako ng maiinom oh. Kahit ano.
Cyrus- Sige.
+ naghanap ako ng department store tapos tumigil muna.  Nag mask ako at sunglass bago bumaba.
Cyrus- wait lang ha.
+ tumango naman sya. Pumasok nako sa loob at bumili ng milk drink. Nakakita ako ng chocolate bread kaya bumili narin ako, medyo may pila pa sa counter. pagkatapos bumalik na sa kotse.  Nakatulala lang talaga sya sa bintana.
Cyrus- eto na. Sinamahan ko na ng tinapay para pag nagutom ka.
+ nag smile sya.
Allissa- may pagkain naman sa plane eh.
Cyrus-  kahit na.
Allissa- salamat.
+ pinaandar ko na uli ang kotse at ng makarating na kami sa Airport,  pinag jacket at hoodie ko sya agad, nag sumbrelo na uli ako at sunglass para di na hassle kung may mga fans pa. Inihatid ko na sya sa loob papunta sa ticket checking dahil 15 minutes na lang magpapapasok na sila.
Cyrus- Passport mo oh.
+ tinanggap nya yun.
Allissa- hindi na ba to blocked?
Cyrus- hindi na.  Tumakas ka na hanggat gusto mo.
+ napangiti sya.
Allissa- wag mo na uli ako pipigilan ha.
Cyrus- hindi na.
Allissa- good. At sabihin mo kay Alex,  galit padin ako sa kanya dahil gusto nyako makulong.
+ tumawa na lang ako.
Cyrus- Sige makakarating.
Allissa- Thank you ha.
Cyrus- hm?
Allissa- kasi kahit ang dami kong nagawang masama sa inyo ni Aya,  tinutulungan nyo parin ako.
Cyrus- welcome.
+ bumuntong hininga sya.
Cyrus- mag iingat ka.
+ nakatingin lang sya sakin. Nagukat ako ng lumapit sya at yakapin ako.
Allissa- thank you kasi ikaw lang yung sumubaybay sakin ng hindi humihingi ng kapalit.
+ napalunok ako at dahan dahan hinimas ang likod nya.
Cyrus- oo naman.
+ bumitaw na sya sa yakap.
Cyrus- sige na,  ilang minutes na lang boarding ka na.
+ tumango sya at unti unti ng naglakad palapit sa ticket checker. Ng makita ko na inaapprove na ang passport nya tumalikod nako. Ewan ko,  ayaw ko makita na may umaalis ng ganto.  Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya inopen ko agad,  nagtaka ako kasi naka open sa Instagram account ni Allissa. Tapos ang daming pumapasok na notifications kay inopen ko ang isa. Nanoaki ang mata ko ng makita ko na naka upload sa instagram nya ang video nya na tinatanong si Aya. Mabilis akong lumingon uli sa kanya na may halong pagtataka. Tapos nakatingin sya sakin habang papasok na sa boarding area, ikinaway kaway nya ang kanang kamay nya habang hawak ang maliit na bola na binigay ko tapos tumatango tango pa sya na parang sinasabi nya na okay lang. Di ko namalayan na pumatak ang luha ko sa isang mata, maya maya nakapasok na sya.  Natawa ako at pinunasan ang luha na yon. Oo nga pala,  iniwan ko nga pala ang cellphone ko kanina sa kotse noong bumili ako ng maiinom at tinapay nya. Huminga na lang ako ng malalim. Muka namang masaya sya,  kaya okay narin yon. Tumalikod nako at sumakay na uli ng kotse.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now