Part 25

882 13 0
                                    

( AYA POV )

Primo- bakit hindi mo sinabi sakin?
Aya- pakiramdam ko kasi hindi naman kaylangan eh.
Primo- Boyfriend moko Aya,  dapat alam ko.
+ nanlaki ang mata ko.  Hala,  Boyfriend?  Oo nga pala,  pero bat wala naman ko natatandaan na nagtanong sya at sinagot ko sya. Pero sabagay,  ganun na ba yun?
Primo- alam ba nya ang password ng pinto mo?
+ ngumiti na lang ko ng pilit.
Aya- hehe.
Primo- Aya naman!!
Aya- eh kasi nga,  kami na lang din ng magkasama sa buhay ni Troy,  atsaka magisa lang ako,  pano kung walang nakakaalam ng passcode tapos may mangyare saking masama sa loob?
Primo- Baguhin mo.
Aya- Ha?
Primo- baguhin mo at sabihin mo sakin yung bago. Ki-kinakabahan ako baka.
+ pinanlakihan nyako ng mata.
Primo- baka lagi sya nandyan sa kwarto mo ha.
Aya- hindi,  ano ba tingin mo sakin?
Primo- baguhin mo ha.
+ umoo na lang ako para magtigil sya.
Aya- oo na oo na.
Cyrus- Primo.
Primo- ISA KA PA.
+ napa atras sya haha.
Cyrus- ako? 
Primo- Aya,  pumasok ka na dyan sa loob,  hayaan mo na lang si Troy kaya na nya sarili nya.  Ikaw Cyrus,  mag uusap tayo.
Cyrus- bat ako?
+ hinila na nya si cyrus.  Hayyy. Ang lintek na madaldal na yun! Pumasok ako sa room ko at binaba ang gamit ko sabay bumalik ako sa room ni Troy. Nakahiga parin sya sa Sofa,  nakatulog na ata.
Aya- Troy? Troy!
+ tinapik tapik ko ang pisngi nya.
Troy- hm?
Aya- Ano bang nangyayare sayo? Magpalit ka na bago ka matulog.
Troy- Mmmm.
Aya-  tsss.  Kinuhanan ko sya ng damit at nilagay sa tabi nya.
Aya- bumangon ka saglit,  hindi ka pwedeng matulog ng ganan,  may suka ka pa nga eh. Heto ang damit mo oh.
+ iniupo ko sya at isinandal sa sofa. Hay naku,  ang mga taong to! Kumuha ako ng tubig at pinainom sya uli.
Aya- oh.
+ Maya maya naman bumalik na si Cyrus na inis na inis ang itsura.
Cyrus- tsk!!  Bat ba kasi dinala mo dito yun?  Boyfriend mo daw sya kaya pinilit akong bantayan ka,  ako pa talaga ha!!
+ nginitian ko sya ng sarkastiko.
Aya- pumarito ka.
Cyrus- bakit?
Aya- parito!!
+ dahan dahan syang lumapit sakin,  at ng mahagip ko ang tenga nya,  mabilis kong piningol yun.
Cyrus- AHHH!!  TAMA NA,  MASAKIT NA!!
Aya- ikaw talaga!!  Ang bilis bilis ng bunganga mo!!
Cyrus- malay ko bang nandito sya?!!
Troy- Boyfriend?
+ napatigil kami pareho at tumingin kay Troy.
Troy- Boy... Friend...
Cyrus- kuya?
+ minulat nya ang mata nya at pasuray suray na tumayo.
Aya- o dahan dahan.
Troy- kaya ko!! 
+ inisnob nya kami pareho at kinuha ang damit at utay utay na pumasok sa banyo nya.
Cyrus- ikaw kasi!!
Aya- anong ako?!!! Atsaka akala ko ba busy ka?  Anong ginagawa mo dito.
Cyrus- tapos na eh,  malay ko bang matapos na after tumawag.
Aya- hezz!!!
Cyrus- bakit ba kasi nag inom yun?
Aya- ewan ko,  pagdating naman namin sa Bar,  wala naman syang kainumang ibang investors.
+ umiling iling na lang si Cyrus.
Cyrus- mukang alam ko na to.
Aya- Ano?
Cyrus-  basta.  Bumalik ka na sa room mo,  ako na bahala kay Kuya.
Aya- lulutuan ko na muna sya ng--
Cyrus- ako na din bahala dun. Sige na.
+ tinulak na nyako palabas ng pinto.
Aya- sigurado ka ha!  Tawagin moko pag kaylangan ako ha.
Cyrus- oo na sige na.
+ tapos sinarhan na nya ang pinto. Bumuntong hininga na lang ako,  kinuha ko ang cellphone ko at nag text na lang kay Primo,  humingi ako ng pasensya at sinabi kong babawi na lang ako sa susunod. Pagkatapos nun pumasok nako sa kwarto ko.

(PRIMO POV)
+ Pagdating ko sa Condo ko,  binuksan ko ang cellphone ko binasa ang text ni Aya. Nag reply na lang ako ng sige,  naiinis akong isipin na magkatabi lang ang tinutuluyan nila pareho. Ang point ko lang naman bat kaylangang magkatabi? Kumuha ako ng tubig at uminom,  napayuko ako ng pumasok sa isip ko ang sinabi ni Troy kanina. Magugulat pa ba ako?  Kung matagal na silang magkasama. Pero hindi parin ako mapakali. Tsss!!  Kung bakit ba kasi kaylangang magkatabi sila?!!! Nagulat ako ng may nag doorbell sa pinto. Inopen ko ang monitor,  at nakita kong si Loida yun. Ano namang ginagawa nya dito? Binuksan ko ang pinto at bumalik na uli sa Kusina.
Loida-  Anaak??
+ hindi ko sya sinagot.
Loida- anak,  buti naman nandito ka na. Dinalhan kita ng makakain mo.
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- anong ginagawa mo dito?
Loida- gusto lang kitang kamustahin.
Primo- nakita mo naman,  ayos ako. Pwede ka na umalis.
Loida- ano ka ba?  Sabay na tayo mag dinner.
+ tumalikod na lang uli ako,  at ibinalik ang tubig sa ref.
Primo- ikaw ba ang naglagay ng bulaklak s puntod ni Daddy.
+ kumurap kurap sya.
Loida- ako nga anak.
+ tumitig na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Naglakad ako papuntang kwarto.
Loida- anak ihahanda ko na ang pagkain ha.
+ napatigil ako.  Muli akong tumingin sa kanya,  ano bang dapat kong sabihin?  Kung paaalisin ko lang din sya,  bat pinapasok ko pa? 
Loida- ayos lang ba anak?
Primo- B-bahala ka.
+ napangiti sya,  at nagmadaling nilabas ang mga dala nya.  Napakamot na lang ako sa ulo.  Tsk!!  Ewan ko sayo Primo. Pumasok nako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos lumabas na uli ako,  nakita ko syang nakangiti habang hinahanda ang mga plato sa lamesa,  nakatitig lang ako sa kanya. Naalala ko tuloy ang sabi ni Aya.
Loida- o,  halika na anak. Ready na ang pagkain.
+ tumango na lang ako at lumapit na. Umupo ako sa upuan,  habang sya umupo narin sa harap ko.
Tiningnan ko ang mga dala nyang pagkain.
Loida- uhmm,  kumakain ka naman ng mga ganto anak diba?
+ umiwas nalang ako ng tingin at tumango, sinandukan nya nako ng kanin.
Primo-  ako na,  kumain ka na lang din.
+ ngumiti sya at kumuha na lang din ng pagkain nya.
Loida- kamusta ka na anak?  Natutuwa ako kasi sobrang successsful ng Movie mo ngayun. Gusto mo ba mag celebrate tayo?
Anong gusto mo?  Sabihin mo lang?
Primo- wag kang umakto na parang close tayo,  kumain ka na lang.
+ tumigil sya at tumungo na lang. Tahimik lang kaming kumain.
Primo- bakit?
Loida- ha?
Primo- bakit dumadalaw ka pa kay Daddy?
+ sumighay sya. 
Loida- kasi,  nakokonsensya ako anak.
+ tinitigan ko sya.
Primo- bat ngayun pa? Wala naring kwenta.
Loida- alam ko.  Pero sa maniwala ka at sa hindi anak. Minahal ko ang Daddy mo. Alam kong huli na, alam ko ring malaki ang galit mo sakin dahil sa hiwalayan namin. Pero gusto kong malaman mo anak na, pareho naming desisyon yun.
Primo- Kaya naghanap ka mg bagong asawa?
Loida-  Mali ako dun,  inaamin ko. Nung nagsasama pa kami ng daddy mo,  sobrang laki ng nagbago sa buhay ko. Hindi ko sya sinisisi pero  sa ilang taon na pagsasama namin,  kinain kami ng toxic na relasyon. Sobrang inilayo nyako sa dating ako, hindi ko sya hiniwalayan dahil mahirap sya,  bat ko naman gagawin yun?  Kung kaya naman naming umangat pareho,  pero nangibabaw sa kanya ang pride. Gusto ko syang tulungan pero ayaw nya. Nung mga panahong lumalaki ka na at kaylangan mo ng magandang edukasyon pero nahihirapan sya,  ayaw nyakong pagtrabahuhin.  Unti unti na syang nagbago, hanggang sa madalas na kaming mag away, na humatong sa hiwalayan.
Primo- bakit kaylangan mong maghanap ng iba?
Loida- nagtrabaho ako para mapag aral ka. Dinadalaw ka nya, kundi para makita lang pero wala syang iniiwan na pera para sa pag aaral mo. Hanggang dumating si Enrico tinulungan nyako na mapag tapos ka,  pero ako parin halos ang nagsikap. Ng magbinata ka na,  nagsama na kami,  alam mo na yun.
Primo-  hindi man lang ba kayo nag usap ni Daddy?  Hinfi nyo man lang ako tinanong. Kagustuhan nyo lang pareho ang sinunod nyo. Kahit nung makatapos ako,  ikaw parin ang nasunod sa tatahakin ko. Dahilan para hindi ko na lalo makasama si Daddy. Hindi mo lang kasi nakita kung pano sya nagbago.
Loida- nagkakausap kami.
Primo- kung kelan nakahanap ka na ng iba?
Loida-  sinabi nyang hindi nya pinag sisisihan ng nangyare. Habang nakikita ka daw nya na namamayagpag sa ginagawa mo. Masaya na sya. Dahil yun daw ang buhay na hindi nya kayang ibigay sayo.
+ binitawan ko ang kutsara ko at umiwas na lang ng tingin,  nararamdaman ko na naman na ano mang oras tutulo ang luha ko.
Loida- sorry anak. Kahit magkahiwalay kami. Pareho naming tinanggap ang nangyare. Siguro ganun talaga eh.
+ tumayo nako.
Loida- anak
Primo- pagkatapos mo kumain,  umuwi ka na,  gusto ko na magpahinga.
+ maglalakad na sana ako papasok ng kwarto ng hawakan nyako sa braso.
Loida- Anak,  mag ayos naman na tayo. Wala na ang daddy,  at masakit sakin yun,  pero ayokong ganto ka pa sakin,  hindi ko kaya.
+ umiiyak na sya habang nakatungo at mahigpit ang hawak sa braso ko.
Loida- parang awa mo na.
+ napapikit na lang ako.
Primo- mag usap na lang tayo sa susunod. Wag ka mag alala.
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- naiintindihan ko.
+ inalis ko na ang kamay nya at pumasok na ng kwarto ko. Naririnig ko pa syang humihikbi hikbi don. Umupo na lang ako sa gilid ng kama at nagtakip ng muka. Hindi ko na maintindihan ang gusto ko,  pero naiintihan ko na ang sitwasyon.

( AYA POV)
+ nasa office ako ngayun ni Troy,  nakaupo sa sofa nya,  nakatitig sa kanya habang nasa  table nya sya at naghihimas ng ulo.
Troy- hindi ko nga alam.
Aya- tss!!  Alam mo bang nilunok mo pa ang suka mo?
+ nanlaki ang mata nya
Troy- pinag sasabi mo dyan,  yuck!!
Aya- yuck ka dyan. Kadiri ka.
Troy- tumigil ka na ha.
Aya- bakit ka ba kasi nag inom?  Sa susunod kung iinom ka mag isa wag ka na mag bar. May lakad ako nu---
Troy- oo na may lakad ka nun. Sabihin mo na lang na naka abala pako sayo.
Aya- hindi yun yung point ko.
Troy- yun narin yun.
Aya- ewan ko sayo. Oh!!
+ inabot ko sa kanya ang pantanggal ng hang over. Pinaningkitan ko sya ng mata.
Aya- sa susunod,  uminom ng naaayon sa kakayanan okay?
+ sumimangot na lang sya at tumango. Lalabas na sana ako.
Troy- Aya.
+ humarap uli ako sa kanya.
Troy- totoo ba yung natatandaan kong narinig ko kagabi?
Aya- alin?
Troy- yung boyfriend.
+ nabigla ako sa sinabi nya.
Aya- M- malay ko.
Troy- narinig ko sinabi ni Cyrus eh. Sinagot mo na ba sya?
Aya- h-hindi pa?
+ bat bako nauutal.
Troy- hindi pa?  At balak mo pa palang sagutin? Atsaka kung hindi pa,  ano yung boyfriend?
Aya- Ewan,  baka ganun na talaga ngayun.
+ ano ba itong pinagsasasabi ko?
Troy- ha?
Aya- baka hindi na ata kaylangan nun para maging maging magjowa?
Troy- BALIW KA BA? !!
Aya- AH EWAN, MARAMI PAKONG GAGAWIN!
Troy- hoy!
+ mabilis akong lumabas ng office nya.  Teka ano nga bang status namin? Lokong Primo yun ah! Nakahalik nat lahat,  teka nga,  nasan ba yun?? Bumaba ako sa First floor para sana hanapin sakali sya,  kinuha ko ang cellphone ko,  baka wala pa sya dito. Idadial ko palang sana ang number nya ng makita kong kapapasok nya pa lang sa entrance, nakita nya rin ako, lalapit na sana ako ng muntik ko ng mabitawan ng cellphone ko dahil malakas na tumunog ang fire alarm!!
Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng makita kong nagpanik naang mga tao. Sunog?!!!
Primo- Aya!!!
+ napatingin ko sa kanya at mabilis syang tumakbo papalapit sakin.
Aya- anong nangyayare?!! May sunog ba?
+ hinawakan nyako sa kamay,  nakita kong nagmamadaling bumaba si Troy mula sa 2nd floor,  nagtatakbuhan na ang ibang tao palabas ng Agency.
Troy- Aya!
Primo- San ang sunog?!!
Troy- hindi ko din alam,  mabuti pa lumabas na muna tayo.
Cyrus- kuya!!
Troy-  may natira pa sa taas?
Cyrus-  nagsisibabaan narin sila!!
Primo- lumabas na tayo!!!
+ hinila na nyako at nakasunod naman sila Troy, hindi na mapakali ang iba at nag uunahang lumabas. palabas pa lang kami ng may masulyapan ko sa gilid, sa labas ng Agency. Si Allissa,  nakangiting nakatingin sakin habang inuupos ang sigarilyong hawak nya,  kumaway sya ng bahagya sakin.
Cyrus- Kuya,  tatawag lang ako ng Emergency.
Troy- Sige.
Primo- Aya,  dumiretso ka na palabas,  sisiguraduhin ko lang na wala ng natira sa taas.
Troy- sasama ko.
Aya- Sandali!!!
+ pinigilan ko sila pareho sa kamay.
Aya- walang sunog!!
Primo- ano bang sinasabi mo,  lumabas ka na agad,  wag ka ng makulit.
+ pero hindi ko sila binitiwan pareho.
Aya- Cyrus!!
+ tumingin sya sakin.
Aya- pumunta ka sa announcement room.  Sabihin mo walang sunog at napindot lang ng fire alarm.
Cyrus- ano ka ba?  Pano mo naman malalaman yun!!
Aya-  Basta gawin mo na lang!!!
+ tumingin ako kay Troy at Primo. Nakakunot ang noo nila pareho at nagka titigan na lang kami.
Troy- teka.
Primo- wag mong sabihing...
+ tumango na lang ako,  at mukang nagka intindihan kami pare pareho. Binitawan ko na sila at napayuko na lang si Troy,  habang hindi na maipinta ang muka. Tumingin ako sa direksyon ni Allissa. Nakangiti pa ang bruha. Hindi ka talaga nadadala!!  Inihulog na nya ang sigarilyo nya at tinapak tapakan yun. Nanggigigil nako sayong babae ka. Mag uusap tayo ng masinsinan!!!

Itutuloy....

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now