Part 22

941 21 0
                                    

( AYA POV )

+ It's 7 pm at Papunta ako ngayun ng apartment,  katatapos ko lang makipag meeting sa mga investors,  dala ko na ang kotse ko at kasama ko si PA.
Aya-  PA dito muna tayo tatambay sa bahay ha. Mejo busy pa lalo bukas,  kaya magpapahinga tayo dito.
+ para akong sira na kinakausap si PA,  ng makarating na kami sa bahay,  bumaba nako at binuksan ang pinto,  papasok pa lang sana ako ng tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko muna. Si Primo pala
Aya- hello.
[ umuwi ka din]
Aya- hm?
[ siguro naman pwede nakong kumain dyan sa inyo]
+ teka. Nagpalinga linga ako at ng matanaw ko sa may kanto may nagpa ilaw ng front light ng kotse at umandar palapit. Maya maya bumaba ang naka sumbrelo at naka; ask na si Primo.
Aya- Bakit nandito ka?
Primo- wag mo ng itanong,  may pagkain ka ba dyan?
Aya- me-meron naman.
Primo- good.
Aya- pero teka lang. Eh ano nman ngayun?
Primo- PA!!
+ lumapit sya at binuhat si PA.
Aya- huy,  tinatanong kita.
Primo- kamusta ka PA?  Malungkot ba pag si Mommy lang kasama mo?
Aya- Mommy?
Primo- wag ka mag alala,  andito na si Daddy.
+ natatawa na lang ako, napaka corny naman ng taong to. Tumingin sya sakin at ngumiti.
Primo- Sorry.
+ sumeryoso ang muka ko at napatitig sa kanya.
Aya- ha?
+ mas lumapit pa sya,  hinaplos nya ang pisngi ko habang hawak ng isang kamay si PA. Ibinaba nya saglit at mask nya at hinalikan ako sa noo.
Primo- mukang marami tayong kaylangang pag usapan.
+ ngumiti na lang ako.
Aya- oo nga,  ay pumasok na tayo baka may maka Kilala pa sayo.
Primo-  ikaw nga tong number 1 sa balita ih.
+ napakamot na lang ako ng ulo at pumasok na kami sa loob. Pagdating namin sa loob nilaro laro nya muna si PA ako naman naghanda ng makakain.
Primo- bakit nandito ka pa?
Aya- hm?
Primo- I mean,  you're the CEO,  bakit pinili mo parin umuwe dito?
Aya- kaylangan ba magbago? Mas komportable ako dito eh kesa sa Condo.
Primo- Hindi ka komportable sa Condo mo?
Aya- hindi naman,  ewan ko ba. Feeling ko pag andito ako,  parang ang laya laya ko.
Primo- ahhh.
Aya- Sorry ha.
Primo-  saan?
Aya- kasi hindi ko agad sinabi sayo.
Primo- okay lang.  Naiintindihan ko na. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ng ayos na,  Naging masama ako sayo.
Aya- ahh oo,  ang sama mo nga.
+ napatingin sya sakin.
Aya- oh,  hindi ba totoo?
Primo- sandali lang PA ha.  May humahamon saking babae dito eh.
Aya- bakit bakit??
Primo- pumapalag ka na ha!!
+ lumapit sya sakin habang nag aayos ako ng pagkain tapos kinatusan nyako.
Aya- AH!!  ang sakit nun ha. Tatanggalin kita sa Zentro!!
Primo- ah ganun? Halika nga dito.
+ hinila nyako sa bewang at isinandal sa lamesa.
Primo- sige,  tanggalin moko sa Zentro.
Aya- ha?
Primo- Tapos ampunin mo nako.
+ natatawa ako sa pinagsasasabi nya.
Aya- tumabi ka na dyan at kumain na tayo.
Primo- ahh,  pwedeng unahin ang dessert?
Aya- ha?  Eh wa---
+ nagulat ako ng halikan nyako sa labi,  hindi yun isang smack lang.  Unti unting syang gumalaw sa halik kaya napapikit na lang din ako. Marahan lang yun pero ramdam na ramdam ko yung sincerity nya,  ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko,  dumako ang kamay nya sa leeg ko habang patuloy ang halik na yun,  parang bibigay ang tuhod ko,  at siguro naramdaman nya yun dahil napakapit ako sa braso nya, tapos binuhat nyako ng bahagya at inupo sa lamesa saglit syang bumitaw sa halik,  minulat nya ang mata nya at tumitig sakin.
Kumurap kurap ako dahil sa totoo lang nahihiya ako haha.
Aya- ku-kumain na tayo.
Primo- Sorry CEO ha.  Akala ko kasi pwede ng unahin ang dessert eh.
+ natawa sya kaya natawa na lang din ako,  napayuko ako sa balikat nya,  shee*** pakiramdam ko ang init init ng muka ko!! Ibinaba nya nako at para syang bata na umupo na.
Primo- kaylangan pa ba kumain?  Busog nako ih.
Aya- edi wag ka kumain.
Primo- to naman di na mabiro. Subuan moko.
Aya- batuhin kita ng kutsara dyan!
Primo- haha hindi na.
+ pagkatapos namin kumain,  umakyat kami sa rooftop para magpahinga,  nakaupo lang kami pareho at kalong nya si PA habang nakatingin lang kami sa City Light.
Primo- Magiging busy ka na.
Aya-  siguro nga.
Primo- siguro bihira na mangyare to.
Aya- minsan nakakatakot din,  hindi ko alam kung matatagalan ko.
Primo- Nasa agency lang naman ako lagi eh.
Aya- sya nga pala,  bukas na ang first day of showing ng movie diba?
Primo- yeah. Magkakaron muna ng Minute Interview bago mag simula ang movie.
Aya- goodluck.  Binigay mo ang best mo sa movie na yun.
Primo- sana nga nandito si Daddy eh.
+ tumingin ako sa kanya.
Aya- andyan lang naman sya lagi eh. Ay!  Wait,  wait ka lang dyan ha.
Primo- bakit?
+ pumasok muna uli ako sa kwarto at may kinuha sa drawer ko tapos bumalik ako uli.
Aya- o.
Primo- ano to?
Aya- salamin.
Primo- what I mean is para saan to?
+  kinuha nya yung salamin.
Aya- yan yung salamin na gamit ng daddy mo bago sya maaksidente.
+ nanlaki ang mata nya.
Primo- pano napunta sayo? 
Aya- actually, na meet ko na ang daddy mo bago pa mangyare ang aksidente. Ang hindi ko lang alam sya pala ang daddy mo.
Primo- nung sinama kita para i meet sya hindi mo parin alam?
Aya- yes.  Nagulat na lang ako.
Primo- bat mo itinabi tong salamin?
Aya- nung una ko syang makita,  sa set ng movie mo yun,  nanunuod sya sayo.
+ napaiwas sya ng tingin,  halatang medyo uneasy na sya.
Aya- humingi sya ng tulong sakin samahan syang makahanap ng restaurant na makakainan,  kaya sinamahan ko sya. Tapos ako na rin ang pumili ng kakainin nya,  tuwang tuwa sya kaya sobra din akong natuwa sa kanya.
+ nakatungo na sya,  ako naman malayo ang tingin habang nagkekwento.
Aya- tapos after nun humingi sya ng tulong na mag abang ng masasakyan kasi sabi nya malabo na ang mata nya, hindi na nya mabasa ang karatula. Kaya inabala ko sya saglit at binilhan sya ng salamin. Kayo bago sya umalis nagpasalamat pa sya ng nagpasalamat.
+ nagulat ako ng sumisinghot na sya habang hawak yung salamin. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap nya,  hinawakan ko sya sa pisngi. Umiiyak na nga sya kaya niyakap ko sya at tinapik tapik na lang sya sa likod. Alam ko namang miss na miss nya na daddy nya.
Aya- kaya nga,  isipin mo na lang lagi,  nandyan lang sya sa tabi mo.  Alam kong tuwang tuwa ang daddy mo.
Primo- sa totoo lang, sa  lahat ng projects ko, ito yung pinaka pinag ka abalahan nya,  hindi ko naman alam na ito na yung huling movie na papanoorin nya talaga.
Aya- alam kong proud na proud sayo ang daddy mo.
+ hinawakan nya ang kamay ko.
Primo- salamat ha.
Aya- oo naman.  Wag ka na nga umiyak,  mamaya picturan kita dyan eh,  tas ikalat ko sa media.
+ napatawa sya at nagpunas na ng luha.
Primo- ano namang ica caption mo?
Aya-  Na si Primo De Chavez,  pinaiiyak lang ng PA.
Primo- CEO ka na nga ih.
+ nginitian ko na lang uli sya at bumalik na sa upuan ko.

(PRIMO POV)
+ Bago mag 12 Am,  nagpaalam na ako sa kanya at umuwi,  maaga adin kasi ako bukas para sa showing ng Movie. Sa totoo lang mas maluwag ang paghinga ko ngayun,  pero minsan parang kulang padin,  hindi ko na lang mapaliwanag kung ano yun. Kinabukasan maaga akong umalis papuntang Cine,  na Sponsor din ng Zentro,  magkakaron kasi muna ng interview bago simulan ang palabas. Pagdating ko sa harap nun,  bumaba nako ng kotse at pumasok naman sa Van ni Direk. Nagulat pako nung nandun si Allissa.
Allissa- Hi.
Primo- Anong ginagawa mo dito?
Allissa- susuportahan ka,  this is a big showing of your movie,  dapat nandito ako.
Manonood din ako.
Primo-  eh bat hindi ka pa nauna sa loob?
Allissa- wala lang. Later na lang after ng interview.
Steff-  Sir Primo, Goodmorning po. Eto na lang po ang isuot nyong suit.
Primo- sige salamat.
Steff-  okay po,  ayusin lang po namin ang mga reporters dun sa loob.
Primo- ah,  wait Steff.
Steff- po?
Primo- Nakapag usap na ba kayo ni Aya?
Steff- p-po?  Uhm,  hindi po eh,  tsaka busy po yun si Maam.
+ huminga na lang ako ng malalim,  alam ko kasing lagi silang magkasama dati. Pero ngayun hindi na.
Primo- sige.
+ ngumiti na lang sya at bumalik na sa loob.
Tumingin naman ako kay Allissa.
Primo- pwede bang lumipat ka na sa kotse mo.
Allissa- why?
Primo-  di mo ba nakikitang kaylangan ko magpalit.
Allissa- ang damot naman.
Primo- labas na.
Allissa- hmp.
+ lumabas na sya.  Kahit saan na lang sumulpot ang babaeng yun. Napatigil naman ako ng maalala ko si Aya.  Mas okay sana kung sabay naming panonoorin to tulad nung PA ko pa sya. Pero sabagay baka magselos pa yun haha. After ko magpalit, nakita kong naka ready na ang media sa labas, nauna ng pumasok sila Allissa at dumiretso na sya sa loob ng cine,  habang kami nila Direk,  Carmen at Manager ay kaylangan pa sa interview. Pagdating sa loob umupo na kami nila Carmen para sa brief interview na yun.
Reporter-  Hello po. This is the first day of showing movie ninyo,  how do you feel today?
Carmen- Actually,  I'm very Excited,  this is my 2nd movie and Im very thankfull to work with Mr. Primo.
Reporter- kamusta naman po ang movie making?
Carmen- it's wonderfull,  exciting lagi ang every shooting,  andmost of all sobrang caring ng staff at syempre ng aking leading man.
+ ngumiti na lang ako.
Reporter- Mr. Primo,  along with the issue na kinaharap mo last time,  anong masasabi mo na okay na uli ngayun,  and you are currently still promoting the movie.
Primo- nagpapasalamat ako syempre,  tsaka sa mga umintindi at hindi nagsawang sumuporta sakin,  kay Carmen at sa movie.  Sobrang daming pagod at sacrifices ang nangyare bago matapos ang movie kaya,  sobrang thankfull ako sa staff,  sila ang pangunahing tauhan talaga.
Reporter- baka may gusto kayong sabihin sa fans?
Carmen- Ayun,  thank you and please suportahan nyo po ang movie namin ni Primo,  hindi po kayo mag sisisi at manghihinayang sa oras na bayad. This will be worth it.
Primo-  I am inviting you all to watch the movie,  sabi nga ni Carmen worth it po ito at sigurado akong pauulit ulitin ninyo.
+ nagpalakan na sila pati ang fans na nasa labas pa ay naghihiyawan,  kumaway na lang kami ng kumaway pero sa kakakaway ko nadako ang mata ko sa nakatayo sa may bandang likod,  naka jacket na white at nakapantalon na black, nakapuyod at naka sumbrelo at mask.  Kumunot ang noo ko na parang kinikilala ko sya. After mga ilang minuto pa, binaba nya ng bahagya ang mask at ngumiti sakin. Shii**.... Aya. Para akong bata na lumawak ang ngiti habang nakatingin sa kanya,  kumaway kaway sya ng bahagya at kumindat sakin. Lintek naman oh,  hindi ko maalis yung ngiti ko.
Manager- the movie will start,  pumasok na tayo.
+ tumango na lang ako at tumingin uli kay Aya. Nag sign sya na pumasok nako,  gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya saglit kaso hindi pwede kaya. Nginitian ko na lang sya at kumaway ng kumaway bago pumasok sa loob.

(AYA POV)
Aya- Lets go.
Cyrus- iba ka talaga, ikaw na ang suportive.
+ tumawa na lang ako sa kanya, nasa labas kami ngayung ng sine at inabala ko sya na samahan ako para makapag pakita man lang ng support kay Primo,  hindi kasi ako makakapanuod tulad nila dah in l may mga ayyusin pakong papers at meetings kasama si Troy, ang mahalaga sakin,  napangiti ko sya kanina.
Cyrus- ang ganda mo dyan sa suot mo ha,  parang kang secrete agent hahahha.
Aya- che!!
Cyrus-  hahaha,  sya nga pala,  nasabi na ba sayo ni Kuya?
Aya- Ang alin?
Cyrus- May pumunta kaninang business man sa office nya, grabe inofferan si Kuya ng malaki para mapalipat si Primo sa kanila pati si Allissa.
+ napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo.
Aya- May Agency din?
Cyrus- ang alam ko lang may Investor sya ng Cube Agency,  grabe nga eh,  supalpalan kung makipag usap,  walang kontra kontrata,  basta gusto nya daw kunin si Primo at Allissa.
+ sino namang gagawa nun? Atsaka alam naman ng lahat ng Agency na lampas isang taon palang si Primo sa Zentro.
Aya- Narinig mo ba kung anong pangalan?
Cyrus- uhhmm,  ang narinig ko lang Enrico,  oo Don Enrico.
+ nanlaki ang mata ko,  Step dad yun ni Primo,  ang ipinalit ng mommy nya sa daddy nya. Bakit naman nya kukunin si Primo at Allissa?  Anng pagkaka alam ko sya pa ang pumilit dati na pumayag si Primo na pumasok sa Agency dati. Atsaka andito sya uli?  Sa buong pagtatrabaho ko kay Primo,  dalawang beses ko palang ata sya nakikita,  at sulyap lang. Ano namang binabalak nya?!!!

Itutuloy...

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now