Part 38

859 11 0
                                    

( ENRICO POV )
+ nakaupo ako sa visiting area ng kulungan. Pa chill chill lang,  alam ko kasi na isang tawag ko lang sa mga kaalyado ko sa ibang bansa,  makakalabas din ako agad dito kaya hanggat nakaka ngiti pa sila,  sagadin na nila,  dahil di pako natatapos.  Hinihintay ko ang Abogado ko. Mga ilang minuto pa ay dumating na sya,  tumayo ako at kinamayan sya.
Atty- Don Enrico.
Enrico-Mabuti at nandito ka na.
Atty- kamusta ka dito.
Enrico- hindi mabuti.  Ngayun ko lang naranasan ang matulog sa selda ng isang gabi. Kaya bilisan mo na,  kating kati nako na lumabas dito.  Marami pakong gagawin.
Atty- yun na nga Don Enrico.. May malaki tayong problema.
Enrico- Ano na naman?
Atty- mahihirapan tayong mailabas ka.
Enrico- Problema ba yun?  Tawagan mo lahat ng investors ko.  Pati si General.  Madaling usapan lang ito.
Atty- Sa totoo lang Don Enrico.  Mahirap na kalaban ang binangga mo.
Enrico- Anong ibig mong sabihin?
Atty-  Nagulat din ako. Kasi dati naman,  madali nating nagagawan ng paraan.  Pero ngayun wala kong pasulutan.  Bago ka nila ipa aresto, sinigurado nila na uubusin muna nila lahat ng meron ka. Para kung sakaling makulong ka,  wala ka ng pag huhugutan. Naka freeze lahat ng account mo. Binawi lahat ng investment sayo internationally at localy. Hindi ko alam kung san pa tayo hahanap ng paraan.
Enrico- Paanong binawi?  At pano naman nila mababawe at malalaman ang nangyayare?!!!
Atty- Wala ng ibang gagawa nun kundi si Miss Cantre lang.
+ nag init ang ulo ko,  narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng yun!
Enrico-  ANO BANG MERON SA AYA NA YAN AT NANGINGIBABAW ANG PANGALAN NYAN!!!  SINO BA SYA,  PAREHO LANG KAMING BUSINESSMAN!  KUNG MAY BLACKCARD MAN SYA,  ANONG KARAPATAN NYANG PABAGSAKIN ANG KOMPANYA KO AT SIRAIN LAHAT NG NAIPUNDAR KO?!!
Atty- Pasensya na Don Enrico. Haharap parin tayo sa husgado pero hindi ko na masisugurado ang panalo.
Enrico- GAWAN MO NG PARAAN!!  HINDI AKO PAPAYAG NA MAGTATAGAL PAKO DITO!!!
+ hinila ko sya sa kwelyo.
Enrico- Kung kinakailangan na tumakas ako dito gagawin ko.
Atty- mas lalo lang lalala ang sitwasyon mo Don Enrico. Hindi ka man manalo sa kaso,  pinapangako kong pabababain ko ang sintensya sayo.
Enrico-  G*G* KA BA?!!!  ANG SABI KO HINDI AKO PWEDENG MAKULONG!!  NAIINTINDIHAN MO?
+ Nakatungo lang ang bw*s*t na to!
Enrico- ANO PANG SILBI MO HA?  ANO?!!  WALA KANG KWENTA!!  GAWAN MO NG PARAAN, PAG HINDI GAGAWA AKO NG PARAAN PARA MAKATAKAS DITO AT UUNAHIN KITA,  NAIINTINDIHAN MO?  HA? TANDAAN MO TO,  HINDI PAKO NATALO SA LAHAT NG KASO NA KINASANGKUTAN KO, AALIS KA NGAYUN AT HAHANAP KA NG PARAAN,  AT PAGBALIK MO SIGURADUHIN MONG MAGANDANG BALITA ANG DALA MO!!  SA ISANG ARAW NA ANG HEARING KO!!  DALAWANG BESES LANG YUN,  KAYA AYUSIN MO!!! HINDI PWEDENG MAWALAN NA LANG NG KATUTURAN LAHAT NG NAIPUNDAR AT PINAGHIRAPAN KO!! KAYA UMALIS KA NA AT GUNAWA NG PARAAN!!!
+ tumayo na sya ng walang imik imik at umalis.
Enrico- BW*S*T!! MGA WALA KAYONG KWENTA LAHAT!!!
+ Sinipa ko ang lamesa sa init ng ulo ko. Agad namang lumapit ang mga pulis at hinawakan ako.
Enrico- BITAWAN NYOKO!  HINDI NYO BAKO KILALA,  ALAM NYO BANG KAYANG KAYA KO KAYO TANGGALIN SA SERBISYO NINYO!!  AYUSIN NYO ANG BUHAY NYO HA!!!
- Don Enrico,  kaylangan mo na bumalik.
Enrico- SABING BITAWAN NYOKO EH,  KAYA KO MAGLAKAD MAG ISA MGA B*B*!!
+ inunahan ko na sila pumasok pabalik.

( 1ST HEARING DAY )
( AYA POV)
+ Nasa Condo ako ngayun nagbibihis para pumunta sa Hearing ni Don Enrico. Nakatulala lang ako sa salamin at habang inaayos ang damit ko. Tumunog ang cellphone ko.
Aya- Edward.
[ Maam,  pumayag na sya. ]
Aya- Mabuti kung ganun. Pano mo napapayag.
[ sa tulong ni Sir Alex Maam. ]
+ natawa ako. Loko talaga yun,  ginamitan na naman nya ng teknik nya.
Aya- Sige Edward,  ikaw na ang bahala magdala sa kanya sa final hearing
[ Yes Maam. Mag iingat po kayo. ]
Aya- Salamat,  ikaw din.
+ ibinaba ko na ang cellphone. Tumalikod na ko para sana kunin ang sandals ko ng magulat ako kay Primo na nakatyo duon sa pinto.
Aya- Ano ka ba!!
Primo- bakit?
Aya- ginulat moko ih.
Primo- Ang tagal mo na naman ih. Ang dami dami nyo talagang pakuriri.
+ lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi nya.
Aya- napaka reklamador mo kaya Sir!!
Primo- Alam ko.
Aya- Alam mo?
Primo- Kaya inis na inis ka sakin dati diba?
Aya- ako magagalit sayo?
Primo- oo,  hinayaan mo nga akong lamigin sa ulan dati eh.
Aya- ahh. Kasalanan mo naman yun ih.
Primo- Ako?
Aya- oo inaway moko ih.
Primo- haha,  napaka matampuhin naman pala eh. Yan na ba susuutin mo?
Aya- yuph. 
Primo- Pag nakita mo si Enrico mamaya. Wag ka na mainis. Wala naman ng magagawa yun.
Aya- Kung pwede nga lang ako mismo ang
Mag escort sa kanya sa kulungan ih.
Primo-  Pano ba kita ihahandle kung mas matapang ka pa sakin.
Aya- edi ako mag hahandle sayo.
Primo- hindi pwede yun.
Aya- haha. 
Primo- Mag sapatos ka na,  at aalis na tayo. Si Alex na lang ang pag iintindihin ko sa pagbalik ni Troy sa Condo nya ngayun. Gusto nyang sumama pero sa final hearing na lang.  Si Loida nag pupumilit, kaya hayaan mo na.
Aya- Baka ma stress lang dun si Madam.
Primo- hindi naman sya makakanti don eh. Atsaka gusto nyang mag stand as witness. Pakiramdam nya they will consider hes testimony as speculations lang kaya gusto nyang umattend.
Aya- sabagay.
+ ginulo nya ang buhok ko at nginitian nya ko.
Aya-  ahh!  Sinuklay ko na yan ih.
Primo-  sus,  antayin kita sa kotse ha.
Aya- sige.
+ lumabas na sya at bumaba. Nag ready narin ako para sumunod. Lalabas narin si Troy ngayun kasi mas gusto nya daw na nasa Condo na lang sya.  Bukas naman ang libing ng mga nasawi sa Aksidente. Bumababa nako at nag drive na si Primo papuntang korte. Pagdating namin don nandun nadin si Madam Loida at si Cyrus,  pati ang abogado namin. Sobrang daming media. Pinagkulumutan pa kami. Sobrang daming tanong,  nakakarindi. Maya maya pumasok na kami lahat, at pagdating sa court room,  hindi narin naman papasukin ang press,  umupo na kami lahat. Nagulat ako ng may kumulbit sa likod ko,  at mas nagulat ako ng tatlo sa staff ko na nagpapagaling sa ospital ang nandito pati si Alex at ang naka wheelchair na si Troy.
Aya- Anong ginagawa nyo dito?  Diba sabi ko ako na bahala.
Troy- Gusto nila makita eh.
+ tumingin ako sa mga staff at nakangiti naman sila. Napabuntong hininga na lang ako. Tumango ako kaa pumwesto narin sila ng upo.  Nag antay lang kami ng konti at maya maya ipinasok na nila si Don Enrico. Naka tingin sya samin masama ang awra,  ngumiti ako ng sarkastiko,  lalo na ngayung naka pang inmate sya na uniform. After 15 minutes dumating na ang judge at pinatayo kami lahat after ng pagpapakilala ay naupo na. Panig ni Don Enrico ang mauuna at may inilagay sila sa witness stand,  isa dun sa mga lalake na kumidnap kay Madam Loida. After nyang manumpa ay tumayo na ang abogado ni Don Enrico.
(Protagonist) Atty-  jake Ruallo tama?
Jake- Opo.
(P) atty- Isa ka sa tatlo na kumidnap kay Madam Loida hindi ba?
Jake- opo.
(P) Atty- Diretsang tanong,  si Don Enrico ba ang nagutos sa inyo para ipa kidnap si Madam Loida?
+ tumingin muna ito kay Don Enrico.
Jake- Hindi po.
+ napatikom ang kamay ko.  Bw*s*t. Pangitang pangita na tumatanggi pa!!
(Allies) Atty- Objection your honor,  sinabi na mismo ni Madam na kilala nya ang mga taong to.
Judge- Objection over rule. Continue.
(P) Atty- Kung ganun bakit nyo ginawa yun?
Jake- Dahil gusto lamang sana namin ng kidnap for ransom.
Loida- Hindi totoo yan! Rinig na rinig ko ang sinabi nyo na dadalhin nyo ko sa isang tao!!
+ hinawakan ni Primo si Madam Loida.
(P) Atty- Your honor?
Judge- continue.
(P) Atty- totoo ba yun?  May pagdadalhan kayong isang tao?
Jake- hindi po.
+ expected ko na to. Pero mas nakakainis pala lalo na at nakikita ko.
(P) Atty- As what the witnesed said. Don Enrico has noting to do about the kidnaping.
Yun lang po.
+ umupo na sya at sunod naman na tinawag ang atty namin para sya naman ang mag tanong dun sa Jake.
Atty- Mr. Jake Raullo. Kung kidnap for ransom talaga ang pakay nyo kay Madam. Pano nyo nalaman kung nasan sya?  Gayong Ang Personal Information including the Address of Primo De Chavez at restricted sa kahit kaninong fans o ibang tao. Sabihin na nating alam nyo nga, pero how did you know na umalis ng bahay ni Don Enrico si Madam Loida at kay Primo na Condo sya pumunta?
+ parang medyo nataranta sya at tumingin kay Don Enrico.
Jake-  Si- Sinundan lang po namin. Matagal na po kami naka subaybay sa kanya eh.
+ napansin kong ngumingiti ngiti pa si Don Enrico.
Atty- Kung ako sayo,  sabihin mo na ang totoo dahil sa susunod na tanong ko sayo mas lalo kang papawisan!
(P) Atty- Objection your honor,  he is forcing our witness.
Judge- Objection sustained. Mag proceed ka na sa tanong.
Atty- yes you honor. Mr.  Raullo. Isa karin ba sa may kagagawan ng pagsabog ng Bus?
+ nag react sya pati ang mga staff ko.
Jake- W-wala akong kinalaman dun.
Atty- Sigurado ka?!
Jake- O-opo.
Atty- Sige,  pero sa ngayun may hawak akong fingerprints mo sa kotse na ginamit nyo sa pag kidnap kay Madam Loida.  May ilang finger prints din kaming nakuha sa mga natirang parte ng Bus.
+ nanlaki ang mata nya,  pati si Don Enrico.
Atty- oras na may kahit isang mag match sa mga yun sa finger prints mo sa kotse. Alammo na siguro ang mangyayare. Kaya uulitin ko. Isa ka ba sa may kagagawan ng pagsabog ng Bus? Sabihin mo ang totoo!
Jake- H-Hindi!!
(P)Atty- Objection your honor!!  You are forcing the witness to conclude without any proof.
Judge- Objection Overruled!
Atty- thank you your honor.  Tama naman sya,  wala pa kaming ebidensya regarding this. We will conduct some test and investigation pa,  at pag lumabas na ang resulta,  we will see you again on the final trial. Yun lang your honor.
+ pinababa na si Jake. Sunod namang pinatayo sa witness stand si Madam Loida,  masama naman ang tingin ni Don Enrico sa kanya. Nagsimula ng magtanong ang Abogado namin.
Atty- Madam Loida,  nung araw na makidnap,  maari mo bang isalaysay ang buong nangyare?
Loida- Nasa Condo ako ng anak ko dahil umalis ako sa bahay ni Enrico. Tapos bigla na lang may mga lalakeng nagpumilit pumasok,  sinubukan kong pigilan pero ginamitan nila baril hanggang sa mabuksan yon. Pagkatapos nakita ko pang binaril nila ang cellphone ko tsaka nila kinaladkad palabas.
Atty-  May mga narinig ka ba na kahinahinala?
Loida- isa lang,  may nagaantay daw sakin para mangamusta.
Atty-  Sino sa tingin mo ang taong yun? Maari mo bang ituro?
+ dahan dahang itinuro ni Madaam si Don Enrico. Sumama ang timpla nya at hinampas ang lamesa.
Enrico-  SINUNGALING!!  WALANG UTANG NA LOOB!  MATAPOS KO KAYONG ARUGAIN SA BAHAY KO AT BIGYAN NG PAGKAKATAON SA BUHAY!  GANTO ANG IGAGANTI MO?
Primo- ANG LAKAS DIN NAMAN NG LOOB MO AH!! 
+ pinigilan ko agad si Primo.
Judge- Order in Court!!! 
+ galit na galit syang umupo uli.
Judge- Proceed.
Atty- Maari ko bang malaman Madam Loida kung bakit ka umalis sa bahay na yun at kung bakit sa tingin mo sya ang nasa likod ng pag kidnap sayo.
Loida- Kilala ko ang mga tauhan nya na yan,  isang beses na nyang dinala sa bahay, pangalawa,  madalas nyang kausap sa cellphone.
Enrico- SIRA*LO MO!!
Judge- ORDER IN THE COURT!  one more word from your complainant and I will dissmiss your side.
(P) atty- Sorry your honor.
Judge- Is there still questions?
Atty- Yes your Honor.
Judge- Proceed.
Atty- Madaam. Kahapon sinabi mo sa Statement mo na sa tingin mo ay may kinalaman si Don Enrico sa Pagsabog ng Bus!
+ nanlaki na naman ang mata nya. Pakiramdam ko gusto na nyang manakit ng tao!
Loida- Opo.
Atty- gaano ka kasigurado?
Loida- nung araw na nakita ko ang tatlong yan sa bahay,  kinabukasan nangyare na ang pagsabog. Isa pa,  naroon ako mismo sa harap nila ni Allissa ng banggitin nyang may plano sya.
+ hinampas na naman ni Don Enrico ang Lamesa
(P) Atty-  Objection Your Honor!!  Maari naman nyang sabihin yan basta gustuhin nya, wala syang kahit anong proweba,  lahat yan ay paratang.
Judge- Objection overruled.
Atty-  yun lang po your honor.
+ sunod na nagtanong na ang panig nila.
(P) Atty- Madam Loida.  Noong kaylan lamang ay lumabas sa Media na hindi mo anak si Primo kay Don Enrico. Hindi kaya ginagawa mo lang ito dahil mahal mo pa ang dati mong asawa.
Loida- hindi totoo yan,  matagal ng patay ang ama ni Primo at wala tong kinalaman don.
+ nakatungo na lang si Primo na parang gigil na gigil na at di alam ang gagawin.
(P) Atty- kung ganun,  gayong wala ka namang ebidensya,  record,  video ay pinararatangan mo sya ng ganan.
Loida- Hindi pa ba sapat na nandito ako?  Kasama nyako sa bahay!!
+ mangiyak ngiyak na si Madam Loida. Hanggang sa matapos ang trial,  hindi parin ganun katibay ang mga hawak ng panig namin. Ng matapos na,  nanguna kaming lumabas,  bago sila Don Enrico.
Cyrus- Di bale may final trial pa.
Primo- Gagawin nya talaga lahat.
Troy- Kaya yan. Nadiin na sya,  kulang na lang ay palubugin sya.
+ nasa likod naman namin si Don Enrico na naka posas. Tumingin sya kay Madam Loida.
Enrico- Wala kayong utang na loob.
+ nasampal sya agad ni Madam.
Loida- Napaka sama mo.
Aya- Don Enrico.
+ lumingon sya sakin
Aya- Patikim lang yan. Humanda ka sa susunod na trial. Nakakatuwa ka palang makitang mataranta.  Akala ko kasi kalmado ka parin. At isa pa bagay sayo yang suot mo.
Enrico- wag kayong puro salita,  kaya di kayo pinapaboran eh.
+ tapos nilampasan nya na kami.
Troy-  hayaan nyo na,  ipaubaya na natin sa batas. Nagkayagan na kaming umalis at nagkasundo sundo pa sila na kumain ka sa labas,  sayang at wala sila Steff. Pero kahit papaano nakakausad naman ang kaso. Sa last trial sisiguraduhin ko na, namin pala, para maging maayos narin ang lahat.

( CYRUS POV)
+ kauuwi lang namin,  at dala ko ngayun ang kotse ni kuya habang nagpapahinga sya sa backseat.

Cyrus- Ayos ka lang?
Troy- Sabihin mo nga sakin.
Cyrus- Hm?
Troy- Nasan si Allissa?
Cyrus- nakalabas na ng bansa kuya.
Troy- akala ko ba hindi sya natuloy?
Cyrus- After ng pag amin nya,  itinago namin sya and to protect her,  pinaalis na uli sya. Sorry kuya,  hindi namin nasabi sayo agad. Ayaw na ni Aya na maistorbo ka pa. Tinulungan na namin sya lalo na ni Primo.
+ bumuntong hininga na lang sya at tumingin sa labas. Pagdating namin sa Condo nila,  tinulungan ko na sya umakyat pagkatapos bumaba nako at kinuha ko ang kotse ko sa parking nila. Sumakay ako pero di ko muna pinaandar. Sumandal ako at huminga ng malalim. Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ni Allissa. Binuksan ko yun.  Pinapa asikaso kasi sakin ni Aya ang pag print sa convo nila ni Don Enrico. Kamusta na kaya yun?  Ayoko man na damay na ang pangalan nya sa kaso,  wala naman ako magagawa... Mga ilang minuto pakong nakatitig sa cellphone.  HALA!!  baliw ka Cyrus,  anong iniisip mo?  Tsk!!  Bat mo naman kakamustahin ang babaeng yun?  Nasiraan ka na ata ng bait!  Ibibalik ko na ulit sa bag at pinaandar ang kotse,  maaga pa bukas para sa libing.

Itutuloy...

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now