Part 21

925 20 0
                                    

( AYA POV )

Troy- Ready ka na?
Aya- tingin ko naman.
+ nananalamin ako ngayun habang suot ang formal attire para sa meeting with staffs at artist ngayung araw. Sa totoo lang,  this is the first time na nagsuot ako ng ganto ka pormal,  mag suot man ako yung pang PA lang talaga. Tumingin ako kay Troy na nakatitig lang sakin.
Aya- ayos lang naman to diba?
Cyrus- oo naman,  ako pumili nya ih.
Aya- Hindi ba masyado naman yatang yayamanin?
Cyrus- Eh Mayaman ka naman talaga eh.
+ tumingin kami kay Troy na nakangiti.
Cyrus- para kang uto kuya. Pangiti ngiti ka dyan.
Troy- Ang ganda mo Aya.
+ seryoso nyang sinabi yun.
Aya- sus baka pinalalakas mo lang loob ko eh.
Troy- no,  hindi ako makapaniwala na nakikita na kitang ganyan ang suot. Bagay na bagay sayo ang pagiging CEO.
+ napangiti ako.
Aya- di ka pa sure. Kabado padin ako.
Cyrus- sus,  andyan si kuya oh. Ngayun mo na talaga mararamdaman kung gaano sya naka alalay sayo. Atsaka sino pa bang kakanti sayo? Sa pasabog mo kagabi?  Tingnan ko lang.
Aya- totoo ba yan?  Baka naman pag may nagawa akong mali sa Management tanggalin nako.
Troy- Magagawa ko ba yan sayo? Tara na,  it's almost 10, sigurado ako nasa office na sila.
Cyrus- Lets go CEO!!
+ siniko ko na lang sya.
Aya- daming energy ah!
Cyrus- syempree
+ lumabas na kami. At dahil ayokong sumakay ng mag isa sa kotse sumabay na lang ako sa kanilang dalawa.
Cyrus- ang kulit mo talaga!  Dapat mag isa ka lang sa kotse kasama driver mo. Para CEO ang datingan.
Aya- Tigilan mo na nga yang pa sosyal na yan.  Ayoko nga boring yun.
Troy- hayaan mo na. Tayo na.
+ pinaandar na ng driver ang kotse,  kalabit naman ng kalabit sakin to si Cyrus. Dyusmiyo, hindi maubusan ng energy.

(PRIMO POV)
+ kadadating ko lang,  kasabay si Alex na kararating lang din. Maraming fans ang naka stand by sa labas dahil lahat ng Artist ng Zentro ay dadating ngayun. Para sa pagpapakilala kay Aya formally.  Kung pwede lang na di na muna ako umattend. Masakit pa ulo ko gawa ng pag kaka inom ko kagabi.
Alex- Bro.
+ inihagis nya sakin ang isang tubig.
Alex- back up,  alam kong may hang over ka pa haha.
Primo- tsk.
+ uminom muna ako bago maglakad papasok ng Zentro, nakipag kawayan at kamayan muna kami sa mga fans,  nagulat pa kami ni Alex ng nasa likod lang pala namin si Allissa at nakikipag kamayan din sa fans. Di ko na lang sya pinansin,  iba rin talaga ang sikmura ng taong to,  kung ako nagdadalawang isip pa na makita ni Aya,  sa kanya parang wala lang nangyare. Nagdire diretso na lang kami at kasunod sya ng mapatigil kami pare pareho ng mas lumakas ang sigawan ng fans,  pati ang ibang staff ay nakatingin sa likod namin, kaya sabay sabay kaming tumingin sa likod.
Alex- Ow!!  Holy...
+ unang bumaba si Cyrus at Troy,  sunod si Aya.
Allissa- tss,  whatever!
+ nagdire diretso na lang si Allissa papasok,  ako,  ewan ko ba,  hindi ko maalis ang mata ko sa kanya,  ibang iba ang itsura nya ngayun.
Alex- Laban o!  May ibubuga pa pala talaga si Aya bro!!
+ pinagkulumutan sila ng tao.
Alex- hayyyy,  ang sarap pumasok araw araw ng trabaho kapag ganyan kaganda ang CEO,  tama ako ng pinasukang Agency.
+ nakatitig parin ako sa kanya,  parang kelan lang nung nagiging bodyguard sya para protektahan ako sa fans. Napaiwas ako ng tingin nung madako ang tingin nya sakin. Pakaway kaway naman si Alex.
Primo- tigilan mo nga yan,  tara na!
Alex-  easy...lets go.
+ umakyat na kami sa taas,  sa may meeting room.
Steff- Goodmorning po. Sir dito na lang po kayo umupo sa part nato.
Alex- Hello steffanie
Steff- hehe,  hello po.
+ napatingin ako kay steff na ngumiti din sakin. Si Allissa naman nasa kabilang part ng lamesa nakaupo. Mayat maya ang pasok ng mga artist ng Zentro.
Manager- uhmm,  pagpasok ni Sir Troy at Maam Aya,  tumayo na lang tayo lahat to formally welcome her.
Direk- andyan na sila.
+ nagsitayuan na nga kami. Pagpasok nila nag goodmorning ang lahat,  sa gilid ko pumwesto si Cyrus. Napansin ko pang nakangiti si Aya kay Steff,  pero si Steff hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Troy- You may all be seated.
Aya- Goodmorning.
Troy- Goodmorning.  I would like to formally introduce to you Zendaya,  you all know her as Aya,  Specially Primo. She is his former Personal Assistant.
+ napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun,  kaylangan pa ba talaga yun?
Troy- wag kayo mag alala,  wala namang magbabago,  katulad lang dati,  kahit hindi pa sya nagpapakilala,  gumagalaw padin naman sya secretely para sa Zentro. Kaya asahan nyo,  mas magiging Ahead tayo ngayun.
+ nagpalakpakan sila at nakipalakpak na lang din ako. Si Allissa,  palapak na pilit. Ang totoo kanina pako nakatitig kay Aya. Sa lagay nato parang ayoko mag moveon sa mga nangyayare.
Aya- Uhm, pasensya na kayo ha, ang totoo unang beses tong meeting na magsasalita ako as CEO.  Kaya bear with me sometimes mejo kinakabahan pako tulad kahapon.
+ tinapik ni Troy ang likod nya.
Manager- it's okay Maam,  ang totoo ginulat at pinahanga mo talaga kami.
Aya- salamat. So ayun nga,  kahit nung PA pa lang ako,  nakikita ko na sa inyong lahat ang dedication nyo,  saludo ako sa araw araw na ginagawa nyo.
+ nagulat ako ng kulbitin ako ni Alex at bumulong.
Alex- bro!
Primo-  ano?
Alex- baka matunaw,  kumurap ka naman.
+ siniko ko na lang sya.
Primo- manahimik ka.
Aya- Sa mga panahong ding yun. Napalawak at nailabas namin ang pangalan ng Zentro sa bansa. As you all know, I am secretely communicating with the International Investors lagi,  kaya wag kayo mag alala,  our agency has a lot of supports.
Alex- wow.
+ nagpalakpakan na naman silang lahat. What?!!!  Isang taon ko syang naging PA pero hindi ko manlang nahalata kahit konti.
Alex- uhm,  wait lang po.
+ ngumiti si Aya at tumingin sa kanya.
Aya- Alex.
Alex- Ngayun ko lang po kasi napansin at napagtanto.  Yung pangalan ng Agency nato..........
Troy- tama ka ng iniisip. Zentro was derived from our names. Zendaya and Troy.
+ napatawa si Aya. Hangang hanga naman ang iba,  pero ngayun ko lang din nalaman yun ah!
Aya- baduy ba?
Alex- hindi po,  astig nga eh.
+ sinamaan ko na lang ng tingin si Alex.
Aya- haha.  Well yun na nga,  pero bago ako mag end,  gusto ko lang magpasalamat sa mga naging katuwang ko habang nasa ordinaryong buhay pako. Unang una,  kay Steff.
+ nanlaki ang mata ni Steff at napatingin.
Steff- A-ako po?
Aya- yep,  salamat.
Steff- hehe,  wa-walang anuman po.
Aya- tapos kay Direk na laging mainitin ang ulo.
Direk- naku haha,  pasensya na po.
Aya- Kay Alex syempre.
Alex-  ow yes.
Aya- kay Eve na hindi nalilimutang batiin ako lagi kahit PA pa lang ako.
+ si Eve yung nasa Information desk sa baba.
Eve- Hi Maam hehe.
Aya- syempre kay Allissa na laging binibigay ang best nya.
+ nanlaki ang mata ni Allissa at tumingin sa kanya,  nagpilit na lang sya ng ngiti at tumango kay Aya.
Aya- At higit sa lahat,  Sa boss kong ito.
+ tumingin sya sakin.
Aya- Mr.  Primo De Chavez. Kung kanino ako nagtrabaho at natutong makihalubilo sa tao,  lalo na sa mga fans nya.
+ tumungo na lang ako.
Aya- at panghuli,  itong dalawang to.
+ hinila nya si Troy at Cyrus.
Aya- Sila ang laging naka alalay sakin. Lalo na to si Troy. Si Cyrus kasamahan ko sya dati sa unang Agency na itinayo ni Troy.
Troy- sa kasamaang palad,  na bankrupt yun.  Tulad ng iba sa inyo,  talent din sila ng dati kong Agency.
+ napanganga na lang kaming lahat sa mga sinasabi nilang ito. Ngayon ko lang napag tanto na out of 100%, 1% pa lang pala ang nalalaman ko kay Aya.
Manager-  Grabee.. Wala nako masabi.
+ pumalakpak na lang uli sila.
Aya- wala naman nakong ma sheshare pa,  naisip ko din kasi na para maging successfull at pagkatiwalaan nyo ko eh tama lang na makilala nyo pako. Kaya naman,  kapag kaylangan nyoko,  wag kayo mahihiyang lumapit sakin. Salamat
+ nagsitayuan na uli sila at nakipag kamay kay Aya.. Ayaw ko kumamay,  hindi ko pa kayang lumapit sa kanya. Ng matapos na,  ki una unang lumabas si Allissa at sumunod naman kami ni Alex.
Alex- ang saya ko bro,  ang sarap palang kumilala ng mga tao ano?
+ bumuntong hininga na lang ako.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now