RH2 - Kinsley

12.6K 382 87
                                    

Umalis na pala ulit si Jander pabalik sa Paris. Usap-usapan kasi dito sa school pagkapasok ko. Nalungkot na naman ako. Bad timing 'tong si Jander! Ngayon pa naman ako may surprise sa kaniya tapos umalis. 'Di man lang nagpaalam! 


"Tragis naman, Kinkin!!! Babalik naman yata si Jander." binigyan ako ni Serephina ng isang rolyo ng tissue. Kinuha ko 'yon at pinunasan sa sipon ko.


"Ang OA mo, Kinsley." pangh-hard ni Yvette sa akin.


Sinamaan ko ng tingin siya at natawa lang. Wala pang 2 days dito si Jander pero umalis agad siya! At ngayon miss na miss ko na siya.  Edi okay iintayin ko na lang! Ang dami dami ko pa naman plano kasi nga diba? Sinabi niya I will solve his heart. Aba talagang gagawin ko 'yun. Desperada na nga diba! Paninidigan ko na.


Nang matapos ako magdrama kila Yvette at Seraphina, Pumunta ako sa library at kumuha ng librong kakailanganin ko sa next subject ko. Sa panahon ngayon uso pa talaga library. May mga hindi rin pala alam si google ano? Gaya ng assignment ko. Badtrip!


Naghahanap ako sa bookshelves nang tahimik. Tinanggal ko muna ang glasses ko't nahihilo lang ako lalo. Napatigil ako bigla sa paghahanap nang makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Nasakit nanaman. 


Tumigil ako saglit at kinuha ang pain killer sa bag ko. Ininom ko to't nawala na rin naman maya-maya. Nang okay na ako ay nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro. Nang makita ko na ay kinapitan ko ang libro ko pero sa pagkapit ko ay may kasabay ako na kumapit.  May kumuha rin ng librong kinuha ko. "Grrrrr! Ako nauna eh!" Pumadyak padyak pa ako na parang batang nagmamaktol.


"Ako kaya nauna!" Pagdepensa pa sa kaniyang sarili. Hinigit niya ang libro at nakipaghigitan rin ako. Lalaki ang kahigitan ko ngayon. Jusko! Magpaubaya na siya! Lalaki kaya siya!


"Ladies first!" 

"Walang ladies first kapag grade ang usapan!"

"Ano ba! Kung nasa google lang ang assignment ko edi sa google ko na dapat kinuha! Amina kasi!" 

Mahina pero may diin ang mga sinasabi namin. Napatigil kami bigla nang lapitan kami ng nagbabantay ng library. She raised an eyebrow at us.


Mahirap makapasa sa college kaya kailangan may assignment ako!!!


Binitawan niya ang libro kaya nahulog ako pero nasalo niya ako. Nanlaki ang mga mata ko.. Shet ngayon ko lang napansin na gwapo siya, PERO JANDER PA RIN AKO!! Tumayo ako ng maayos at niyakap ang libro. "Miss! You forgot your bag." Napatigil ako sa paglalakad at kinuha ang bag ko.

Ano ba yan sa sobrang gulat ko pati bag ko nakalimutan ko.Tumalikod na ako at pumunta sa registar. Pinagregister ko ang libro na hiniram ko. Binilisan ko ang pagreregister baka kasi kuhanin pa ng lalaking 'yun! Bwisit ibibigay rin naman pala ang dami pang arte! Umalis ako ng library at pumunta sa isang bench. Kinopya ko ang sagot sa assignment ko. Tiningnan ko ang oras. Malapit na ang next subject ko. Wala pa rin si Jander! Wala akong inspirasyon.


"Teka, pare hahaha sige una na kayo." Nakita ko ang lalaking nangungulit sa akin kanina. Inirapan ko na lang nang lumapit sa akin.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon