RH17 - Not this time

7.5K 338 38
                                    

'Di ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong bigyan ng chance si Peter dahil mawawala rin ako sa kaniya.


Kinsley, ano bang nangyayari sa buhay mo?! Nagkakagulo na.


Suminghap muna ako at sumagot. I've finally decided. "Sure." Ngumiti ako sa kaniya tapos hinila palayas sa mga taong nandoon.


'Di pwede. 'Di niya ako pwedeng magustuhan.


"Sorry Peter. Sinagot ko lang 'yung sure kasi ayaw kong mapahiya ka. Hindi talaga pwede.. Pati paano? Paano mo 'ko nagustuhan? Wala naman akong ibang ginawa kundi sungitan ka." Mahinahon kong sinabi.


"Bakit hindi pwede? At teka? Tanungin mo rin ang sarili mo ng gan'yan. Gan'yan ka kay Jander diba? Tinataboy ka niya pero minahal mo pa rin siya. Kaya don't ask me kung paano." Medyo tumaas na ang tono ng boses niya.


"Okay let's consider that. Pero may isa kasing dahilan kung bakit 'di mo 'ko mahalin. Pagpalagay natin mahal rin kita, pero iiwan rin kita." Tinalukuran ko na siya't inayos ang bago ko habang naglalakad papunta sa field.


PE na namin at hindi pa naman ako late. Nandun si Yvette sa isang bench. Tinabihan ko na muna siya.


"Oh? Bakit gan'yan mukha mo?" Tanong ni Yvette sa akin.


Nilapag ko na muna ang bag ko sa likod ko at tsaka humarap sa kaniya. "Si Peter kasi. Umamin. He likes me daw pero sabi ko hindi pwede."


"Kasi si Jander ang gusto mo?"


"Hindi. Kasi iiwan ko rin siya. Alam mo naman diba?" I sighed and looked at the field.


"Tama ang ginawa mo Kinsley. Pero si Jander? Ano na? Nagpapakatanga ka pa rin ba sa kaniya 'te?"


Umiling ako. "Hindi na. Sumatutal nga, tinapon ko na lahat ng litrato niya sa kwarto ko. Mainam na siguro na umiwas ako." I uttered to her.


"That's right.. That's right Kinsley. Pero magpagamot ka na kasi kung gusto mong mahalin ka ni Jander."


"Mahalin? Sobrang imposible na kasi, Yvette. For 9 years of trying wala pa rin." Naaalala ko ang mga sweet moments ni Jander sa akin these past few days. It sounded like nagiging paasa siya.


Tine-take advantage niya ako kasi alam niyang may gusto ako sa kaniya. Ang sama niya.


"Ilang beses na namin sinabi sa'yo 'yan, Kinsley diba?" Tumango ako. Tama sila dati pa. Ako lang talaga yung matigas ang ulo na hindi sumusunod sa kanilang dalawa ni Seraphina. Hinawakan niya ang likod ko't minasahe. "Maging matatag ka, Kinsley okay?"


Pumito na ang teacher namin at pina-linya na kaming lahat sa field. Naunang tumayo si Yvette sa akin. Naiwan ako sa bench at nag-isip muna.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon