RH28 - La Musica Enchantre

7.5K 321 59
                                    

"Bakit nawala lahat ng pictures ko dito?" Tanong ni Jander pagkakarating sa kwarto ko.


Nakaupo ako sa trono ko't katatapos lang magpiano. "Eh bakit ba? Nagalit ako sa'yo nun eh. Magagawa mo?"


Lumapit siya sa higaan ko't binato yung minion na bigay ni Peter. Tumunog naman yun. "Peter likes Kinsley! Peter likes Kinsley!"


"What the fuck?" Singhal ni Jander.


Natawa naman ako doon. Umiling iling na lang ako't nagpatuloy sa pagp-practice. Linggo ngayon at bukas na ang contest. Kinakabahan ako..


Nagsisimula nanamang manakit ang dibdib ko.


Binaliwala ko na lang 'yon at nagfocus sa pagtugtog. Pakanta kanta pa si Jander sa higaan ko.


"Champ, say aw aw!" Huminto na muna ako panandalian at nilingon sila. Nasa higaan ko si Champ at kinakausap ni Jander.


Akala ko ba ayaw niya dun? Parang tanga lang.


Pinagpatuloy ko na muli ang pagtugtog ko. Nakailang ulit ako at si Jander reklamo ng reklamo. Mag-date daw kami ganun. Kumain na daw ako.


"Ssshh." Pagpapatahimik ko sa kaniya.


Pinilit kong mag-focus sa tinutugtog ko pero si Jander ayaw akong tigilan. Niyakap niya pa ako mula sa likod at hinalikan sa leeg.


"Jander... Pa'no ako makakapagpractice kung ikaw mismo ang distraction?" Tanong ko sa kaniya.


Lumayo siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Sorry na misis." Sabi nito't tuluyan nang lumayo sa akin.


Umalis ng kwarto ko si Jander at ikukuha niya daw ako ng pagkain sa baba. Tiningnan ko si Champ na nakatingin sa akin sa tabi ko.


"Ano champ?"


"Aw aw!" Sagot nito.


Tinawanan ko na lang. Paulit ulit ko sa pagtugtog kasi lagi akong nagkakamali na. Sumasakit nanaman ang dibdib ko.


Tumigil na muna ako saglit at kinuha ang gamot kong pain killer. Nawawala siya panandalian tapos bumabalik rin. Medyo okay na rin naman 'yon.


Bumalik ako sa trono ko pero bago pa ako makapindot ay dumating na si Jander.


"Ops ops ops! Kain na muna." Sabi nito sa akin.


Hinila niya ako papunta sa kama ko't sinubuan ako ng pagkain. "Ayan para may lakas ka sa pagtugtog mo." Utas niya sa akin. Pinunasan ko ang dumi sa gilid ng labi ko.


"Anong oras ba 'yan bukas? Ako magiging number 1 supporter mo doon!" Masiglang sabi niya sa akin.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon