RH12 - Poster

7.8K 372 71
                                    

I ended up sleeping in kuya Jail's house. Kasama ko si ate Jailine sa kwarto. Ang daldal pala nun?



Nagising ako ng maaga at bumaba ng kwarto. Sabado ngayon at walang pasok. Mabuti naman.



Umagang umaga ganda ng bungad sa akin, ang pagmumukha lang naman ni Jander.




"Hi Janjan~" Sigaw ko at lumapit sa akin kaniya't niyakap. Tinaboy niya naman agad ako.




"Ang baho ng hininga mo, Kinkin. Mag-toothbrush ka na nga muna!" Sabi nito habang natatawa at iniwan ako sa stairways.




Nag-shrugged lang ako tsaka dumiretso sa kwarto na tinulugan ko. Guestroom pala 'yun hahaha.




Tulog pa si ate Jailine. Mahimbing na mahimbing ang tulog. 'Di ko na lang ginulo dahil pumunta ako ng cr. Mabuti na lang may mga extrang toothbrush dito.




Nag-toothbrush ako para wala ng masabi si Jander. Inayos ko na rin ang mukha ko para mainlove siya lalo.




Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin.. Napapangiti ako ng tipid. "Go Kinsley.. Go go go!" I chanted to myself. Para akong baliw hahahaha. Kumakanta habang umiiyak.




Pinakalma ko na muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Gising na si ate Jailine pero iniwan ko siya don.




Bumaba ako ng salas, nakita ko rin si ate Jaile, kuya Jail at may kausap na babae't lalaki.




Nagluto ako ng pancake mag-isa sa kusina dahil favorite ko 'yon. Pagkaluto ko ay hinigit ko si Jander papunta sa kusina pero ayaw niya.




Naglagay ako ng kapiraso sa tinidor at hinawakan ang kwelyo ni Jander. "Jander 'wag kang maarte!!!!" singhal ko.




Pinasubo ko sa kaniya ang nasa tinidor. Mabuti naman nginuya niya. "Sarap ba?" Tanong ko.




"It's just a pancake, Kinsley. What's new?" Masungit na sagot nito't lumabas papunta sa garden.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon