RH20 - Paasa

7.6K 340 37
                                    

In-off ko agad ang phone ko pagkabasa ko non. Bwiset sabi ko nga walang Jander ngayon diba?


Baka naman nanakot lang siya at hindi talaga siya nandito. Bwisit. Last party ko na nga lang 'to 'di pa ako pagbigyan!


Hindi ko na nga hinihingi ang pagbibigay niya ng pagmamahal sa akin diba? Jander ang gulo mo.


Hindi ako tumigil sa pagmamahal sa kaniya, tumigil lang ako sa pagiging desperada.


"Tara sayaw tayo dali!!!" nagyaya sila Serpahina at Yvette.


"Kayo na lang." Tumigil sila't tiningnan ako ng masama.


Hinigit nila pareho ang magkabila kong kamay. Tig-isa sila. "Tara na!! Minsan lang 'to! YOLO, Kinsley!" Wala na akong nagawa kasi ang lakas manghila nilang dalawa.


Sumayaw sayaw sila na parang baliw at high na high. Ako naman tinitingnan lang sila. Ayoko nga sumayaw ng gan'yan.


"Kinsley!! So KJ ha? Dancer ka sa Pe Class natin tapos ano ngayon?!" Natatawang sabi ni Yvette. Inirapan ko na lang siya't sumayaw na rin.


Nung una medyo nahihiya pa ako pero nung bandang huli sayaw ako ng sayaw ng kagaya kila Yvette at Sera.


May lumapit sa aking isang lalaki na hindi ko kilala. Gwapo at maskulado ang katawan. Sinasayawan niya ako.. na-awkward ako sa feeling na 'to.


Tuloy lang siya sa ginagawa niya tapos ako naman layo ng layo. Ano ba 'tong lalaking 'to. Halatang lasing na!


Lumayo pa ako sa kaniya hanggang sa madanggi ko si Seraphina. "Sorry." Nag-peace sign ako sa kaniya.


Paalis na sana ako ng dance floor nung hinala ako ng lalaking sumasayaw sa akin kanina.


Hawak hawak niya ako sa waist ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan niya.


"Sexy mo ah." Manyak na sabi nito.


Tinatanggal ko ang kamay niya na nasa waist ko pero hindi ko matanggal. Kapag talaga lalaki ang higpit ng hawak, 'di kaya ng superpowers ng mga babae.


"Yvette!!" sigaw ko kay Yvette pero tuloy pa rin siya paglalandian sa isang lalaki. Ganun rin si Seraphina. Putek walang tutulong sa akin!


"Is your booty made of water?" Tanong sa akin nung manyak na lalaki.


"Huh?"


"Because it's tubig." He chuckled. Natawa ako pero mas ngamba pa rin ako sa pagkakakapit niya sa waist ko. Kainis!



"Pre.. Girlfriend ko yata 'yang nilalandi mo." Napa-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon