RH5 - Ex

8.3K 355 33
                                    

Pagkatapos ng subject na 'yon ay kasunod ako ni Jander na lumabas ng room. "Boyfie~ Wait lang!!!!!" sabi ko habang tumatakbo.


Grabe laki ng hakbang niya kaya ang bilis maglakad. Phew! Nakakahingal naman. Hinawakan ko ang braso ni Jander at iniharap sa akin.


"Boyfie!! Dapat intayin mo ang girlfriend mo okay?" Proud na proud akong sinasabi 'yun omg!


Kilig talaga ako na boyfriend ko na siya!!!!!


Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.


"Break na tayo. Be happy na naging boyfriend mo 'ko." Seryosong sabi nito at lumayas sa harap ko.


Napanganga nanaman ako ng isa pang beses bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.. Ganun na 'yun?! Wala pang isang araw ah.. Tsk tsk playboy nga talaga!


Tumakbo ako papalayo sa kaniya at nabangga ko si Peter.


"Uy, Kinsley. Bakit ka naiyak?" Yes umiiyak ako. Huhuhu wala pang isang araw! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit lahat ng naging GF ni Jander ay umiiyak..


"Nakipagbreak sa akin si Jander!" Pagmamaktol ko nga at pinagpatuloy ang pag-iyak.


WAAAAAAH BREAK NA KAMI HUHUHUHU HINDI NA NIYA AKO GIRLFRIEND!!


"Tara nga!" nagkamot siya ng ulo. "Baka akalain ng iba pinaiyak kita eh. Nasa'n ba mga kaibigan mo?" inakbayan niya ako at binigyan ng panyo.


"E-ewan ko." utas ko. Pinunasan ko ang mga luha ko.



Huhuhuhu OA ko na. Di ako mag-m-move on kasi ang sakit huhuhuuh.


Kinwento ko lahat kay Peter yung nangyari kanina. Yung naging girlfriend niya ako tapos break agad.


"Kinsley, sabi ko naman sa'yo walang mabuting maidudulot sayo si Jander. Tingnan mo? Gan'yan siyang lalaki. Playboy." sabi nito at pinaupo ako sa isang upuan sa canteen.


"Anong oras next subject mo?" Tanong niya sa akin.


"1 PM pa, sa music room." tipid kong sagot. Tumango siya sa akin at nagpaalam. "Bili kita ng pagkain, libre ko na." Ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin ng tipid.


Lilibre niya ako? Taray oh sige na nga. Masarap kumain kapag libre hehehe.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jander.


"EX! 'Di ako maka-move on sa'yo, hayaan mo. Magkakabalikan tayo hihi."


Yun ang nakalagay sa text ko. Very vocal talaga ako sa mga bagay na tungkol kay Jander..

Pinalitan ko na rin niya ang pangalan niya sa phonebook ko. Nilagay ko EX

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon