RH29 - Happy birthday

7.9K 366 124
                                    

Minulat ko ang mata ko't nasa isang lugar ako na puro puti. Hospital 'to alam ko 'yon at hindi ako tanga.


Nandoon ang nag-iiyakan na sila mommy, daddy at si Jander rin nandoon. Bakit sila umiiyak?


"Anak!" agad agad na lumapit sa akin si mommy at niyakap ako ng mahigpit. "H-hindi ko na k-kaya.. anak.." sabi nito sa akin.


Nagh-hysterical na si mommy. "Kia.. kumalma ka nga." Nakahawak sa balikat ni mommy si daddy.


"Hindi! P-pano ako kakalma kung nasa bingit ng kamatay ang anak mo, Stanley?!" Singhal ni mommy.


Napanganga ako ng malaman ko 'yon.. Lord kumakapit pa rin po ako sa inyo.


"Anak, pasensya na sa mommy m-mo ha. Pakakalmahin ko na muna siya." Inilabas ni daddy ang iyak na iyak na si mommy.


Napatingin ako sa seryosong tingin ni Jander. Alam na ba niya?


"Jander..." Panimula ko. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.


"Kinsley alam ko." sabi nito ng seryoso. Naninikip ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Alam niya, Kinsley. ALAM NIYA.


Kusang tumulo ang mumunti kong luha. Iiyak nanaman ako. Binigyan nanaman niya ako ng panyo. Hindi ko kinuha 'yon. Hinayaan ko lang na tumulo ng tumulo ang luha ko.


"D-di ko alam kung p-pa'no ko sasabihin, Kinsley. P-pero sana lumaban ka." Iniangat ko ang tingin ko kay Jander. Nakikita kong namumuo na ang luha niya sa gilid ng mata niya at nanginginig ang labi niya..


Mas lalo akong naiyak. Ayokong nakikitang umiiyak si Jander dahil sa akin. "M-magpahinga ka na muna siguro, Kinsley.. Kailangan mo 'yun. Aalis lang muna ako saglit." Tumango ako at tiningnan ko lang ang pag-alis niya sa kwarto.


Mag-isa na lang ako dito.. Tiningnan ko ang dextrose na nasa kamay ko. Anjan nanaman siya.


Kinalma ko na muna ang sarili ko. Lalabanan mo nga sakit mo, Kinsley diba?


Pumikit ako at nananalangin ng taimtim. Makalipas ang ilang oras wala pa ring tao sa kwarto ko.

Medyo maayos naman ang pakiramdam ko ngayon kaya tinanggal ko nanaman ang dextrose sa kamay ko.


Lumabas ako ng kwarto ko't lumingon lingon. Busy ang mga tao sa paligid. Oh well mukhang walang may pake sa kung ano man ang gagawin ko.


Jander's POV


Tinahan ko na muna ang sarili ko. Napamahal ako kay Kinsley nung ginawa ko 'yun.


'Di ako nagsisisi na minahal ko siya kahit alam kong iiwan niya ako.


Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon