RH26 - Accident?

7.8K 325 34
                                    

"Papasok ka? Are you sure na maayos ka?" Sabi agad ni mommy pagkababa ko ng hagdanan.


"Opo." Bumeso ako sa kaniya. "Where's daddy?" Lately kasi hindi ko na siya nakikita sa bahay.


"Work you know. Kinsley, I'm telling you. Kapag may sumasakit sayo o kung ano tawagan mo agad ako."


"Yes mom. I need to go!" Paalam ko sa kaniya.


Lumabas na ako ng bahay. Sasakay na sana ako sa kotse ng driver ko nang biglang dumating si Jander.


"Hop in!" sabi nito habang nakasakay sa kotse.


"Manong pasensya na hehehe." Sabi ko sa driver namin.


Binuksan ko ang shotgun seat na pinto tapos pumasok doon. "Bakit 'di mo sinabi na susunduin mo 'ko?" Tanong ko sa kaniya tapos pinaharurot na niya ang kotse.


"Surprise. Hahaha. Nagdalawang isip pa nga ako eh, 'di ko rin alam kung papasok ka o hindi." utas nito sa akin.


Tumango na lang ako ng mahina't tumingin sa bintana.


Hinila niya ang kamay ko tapos hinawakan. He even intertwined it. Napalunok na lang ako ng laway ko. Grabe na-awkward ako eh.


Nakarating kami sa school ng hindi nag-uusap. Ano bang pag-uusapan namin? Ay oo nga pala. Sa Lunes na ang La Musica Enchantre. 'Di ko pa nasasabi kay Jander. Mamaya na lang siguro.


Marami ang nagtaka kung bakit kami magkasama ni Jander pagkapasok namin ng school. Bago ba 'yun sa paningin nila? Kairita.


Inakbayan ako ni Jander at nakipag-apir sa mga kaibigan niya. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room ko.


Magkaiba kami ng schedule ngayong friday. Kung ako english siya Filipino.


"Sunduin kita mamaya ha." Hinalikan niya ako sa noo.


Namumula nanaman ang mga pisngi ko. Hindi pa rin ako sanay sa ganitong trato ni Jander sa akin.


Umalis si Jander sa room ko. Rinig na rinig ko ang hagikgikan ng iba ko pang kaklase. Tumalikod na ako't tuluyang pumasok ng room.


Nandoon si Seraphina at Yvette. "Wow. Lakas 'te! Nakakapasok ka pa pala?" Pang-aasar ni Yvette sa akin. 


Umupo sa gitnang upuan na nandoon. "Anyare? We heard na-ospital ka?" Tanong ni Seraphina.


Inayos ko ang upo ko tapos tiningnan ko sila pareho. "Yeah. Pa'no mo nabalitaan?"


"Your mom called me. Hinahanap ka niya sa amin kasi nawawala ka daw sa hospital." Yvette uttered. Mommy talaga.Lahat na lang cinontact.


Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon