RH25 - Lalaban ako

7.3K 328 15
                                    

Pagkakain namin sa mall ay dinala ako ni Jander sa MOA by the bay. Ewan ko ba kung anong trip niya't dito ako dinala.


Nakakita pa ako ng amerikana at pinoy na naghahalikan sa tabi. Errrr.


Hinigit ako ni Jander papunta sa malaking tipak ng bato na nakahanay doon. Umakyat ako't umupo. Nakaharap ako sa bay.


"So refreshing." Komento ko. Ipinikit ko pa ang mga mata ko't sininghap ang malamig na simoy ng hangin.


Umupo ang nakatayong si Jander sa tabi ko. "Alam mo ba? Sabi ni nanay Jana, dalhin ko daw yung mahal ko sa isang refreshing na lugar. At mukhang refreshing nga 'to sa'yo." Namula't uminit ang mga pisngi ko.


Hindi pa rin ako makapaniwala na si Jander na kinababaliwan ko dati may gusto sa akin.


"Are you really serious with me Jander?" Tanong ko out of the blue.


Napatingin siya sa akin at tumawa. "Oo naman." simple niyang sagot.


"Baka naman ayaw mo masapawan ng atensyon ko kay Peter? Natatapakan ko ang ego mo." Pagmamatapat ko tapos tumingin ako sa kaniya.


He bit his lower lip.


"Di mo kailangan magsinungaling, Jander. Ayoko ng pinapaasa ako."


Hinawakan niya ang kamay ko. "Di ba talaga naniniwala? Totoo nga. Mahal kita dahil ikaw si Kinsley, hindi dahil sa ego ko."


Tumingin ako sa kawalan. Ewan ko ba kung matutuwa ako o malulungkot.


"Tara na. Masyadong gabi na, we need to take you home." Tumango na lang ako.


Naglakad kami papunta sa parking lot. Nandoon ang kotse ni Jander.


"Wait! Bibili lang ako ng ice cream hehe." Napatigil ako sa paglalakad ng makakita ako ng isang nagtitinda ng ice cream doon.


Lumapit ako sa ice cream na tindahan at bumili ng isang chocolate ice cream. "Gusto mo?" Alok ko kay Jander pero umiling lang siya.


Naglakad na ulit kami papunta sa parking lot. Sumakay ako sa kotse niya ganun rin siya.


Nagsimula na ang pag-andar ng kotse. Napansin kong maling daan ang dinadaanan niya. Pero hinayaan ko na baka shortcut.


Nanlaki ang mga mata ko nang dalhin niya ako sa bahay namin.. HINDI PWEDE!


"Jander!!! SA HOTEL!! WALA SILA MOMMY DITO!!" Pagsisinungaling ko nanaman.


Kahit pinapalo palo ko na siya sa braso niya wala pa rin siyang pake. Pinark niya sa tapat ng bahay namin ang kotse niya.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon