RH30 - Happy ending?

9.7K 381 149
                                    

Ang Kinsley na kilala ko ay masayahin. Sa inaakto niya dati akala mong walang sakit na dinadala.


Akala ko nga dati hindi ako maiinlove sa bubwit na 'yon, pero nakakainlove pala siya talaga. Sa bawat galaw at salita niya gusto ko 'yon.


Pero hindi talaga ako makapaniwalang wala na talaga si Kinsley. Patay na si Kinsley. Dead na siya. Wala na talagang heartbeat na tumutunog sa kaniya.


Kahit ilang beses ko ipamukha sa sarili ko na wala na siya, 'di pa rin ako natitigil sa pag-iyak.


Minsan na akong naging gago sa kaniya kaya eto, kinakain ako ng guilt. Kung hindi niya sana narinig yon sa akin mabubuhay pa kaya siya ngayon?


"Jander.. Tama na naman!" singhal sa akin ni Diana. Kanina pa ako suntok ng suntok ng pader.


Dugong dugo na akong mga palad ko. Hindi ko pa rin tanggap.


"Kahit anong gawin mo wala na si Kinsley! Wala na! Sa tingin mo ba matutuwa si Kinsley sa ginagawa mo ngayon? Hindi!" Dagdag niya pa pero hindi ako tumigi lsa pagsuntok ng pader.


Tumigil ako saglit at kinalma ang sarili ko. Libing bukas ni Kinsley, 'di ko yata pumunta doon. Baka.. baka.. sumama lang rin ako sa kaniya.


Pero hindi pwede. May pamilya pa ako na maiiwan.


Kaya mo 'yan Jander. Kaya pa. 'Di mo kasalanan na magkaroon ng cancer si Kinsley.. pero may magagawa pa sana ako eh.. Kung matagal ko ng nagawa at nalaman 'yun.


Kinabukasan..


Libing ni Kinsley. Lahat ng nagmamahal kay Kinsley nandito.. Si Tita Kia sobra ang iyak. Si Tito Stanley taga kalma sa kaniya.


Pinunasan ko ang luha ko na tumulo nanaman. Kagago. Kalalaki kong tao iyakin ko.


Kinsley sa buong buhay ko ngayon lang ako hindi naging kwela. Lagi kong nilalait ang lovelife ni ate Jaile pero ganun pala talaga. Masakit pala talaga mainlove. Umiiyak dati si ate Jaile dahil kay kuya Jail at ngayon naiintindihan ko na. Nakakapangsisi talaga kung bakit hindi ko nalaman habang maaga pa. At ikaw naman, Kinsley, bakit mo nilihim sa akin? Kahit na alam ko. Ang nasasaisip ko non ay aaminin mo sa akin na may sakit ka. 'Di ka naaawa sa sarili mo, Kinsley. Dami dami naming nagmamahal sa'yo pero iniwan mo kami.. Dami mo pang rason para mabuhay pero binitawan mo agad. Lumaban ka ba talaga?


Sinasabi ko sa isip isip ko yon habang tinatabunan siya ng lupa. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya makita pa ang scenario na 'yon.


Tumalikod ako at hinawakan ako sa balikat ni tito Stanley. "Nakita ko 'to sa drawer ni Kinsley. Para sa'yo." Sabi ni tito.


Kinuha ko ang isang sulat mula sa kaniya.


Lumayo ako sa kanilang lahat at binasa 'yon.


Jander milabs~


Umaasa ako na mababasa mo 'to kapag patay na ako hahaha! Alam ko na ang ending ko kaya sinulat ko 'to habang malakas pa ako. 2 months pa ang natitira sa akin at hindi na ako umaasang gagaling ako~ Ikaw lang ang hinihiling ko alam mo ba 'yun? Mahalin mo lang ako pabalik yun na yun. Atleast masaya ako kapag namatay diba? Naranasan kong maging masaya dahil sa'yo. Selfish ko diba? Ikaw lang iniisip ko.


Jander kapag nagmahal ka 'wag mong gagaguhin yung mamahalin mo. Ang swerte niya kasi wala siyang sakit at hindi ka niya iiwan hindi gaya ko. Sana magkatuluyan kayo forever at magkaanak kayo. Maging masaya kayong pamilya hahaha. Hoy sorry kung medyo basa 'tong papel ha, nakakaiyak kasi eh.


Sa 9 years Jander, pinagtiisan kita. Hindi ako humanap ng iba dahil ayoko. Gusto ko ikaw. Sa simula pa lang ikaw na talaga ang gusto ko. Kahit gusto ko man maghanap ng iba sayo pa rin ako bumabalik eh. So ayon, ang wish ko Jander maging masaya ka na kasi wala ng kukulit sa'yo. Wala ng magiging desperada sayo kasi mawawala na ako.


I love you so much Jander milabs~


-Kinkin


Mas lalong nabasa ang papel na hawak hawak ko. Iyak nanaman ako ng iyak dahil sa sulat ni Kinsley.


Bakit may ganito pa Kinsley? Bakit kailangan mo pang sabihin 'yan?


Pato anong alang mangungulit? Gusto ko kulitin mo 'ko ng kulitin. Gusto ko yung pagiging desperada mo.. Pero anong ginawa mo? iniwan mo kami.


"Daddy daddy! Masaya po ba si ate Kinsley ngayon?" Tanong ng anak kong si Cloud.


"Di ko alam.." napatungo ako. Naiisip ko nanaman si Kinsley. Masaya ka ba d'yan Kinsley? Kasi nung huli kitang nakausap ay galit na galit ka sa akin.. Sinampal mo pa nga ako diba?


"Tsk tsk. Gabing gabi na may story telling pang nagaganap? Tulog na, Cloud!" Lumapit si Diana sa aming dalawa ni Cloud.


"Daddy kasi eh. Mommy si daddy umiiyak po kanina!" Sumbong ni Cloud sa kaniya. Ginulo ko na lang ang buhok ng anak ko't kinumutan siya. "Matulog ka na." sabi ko sa kaniya.


Masaya ako sa pamilya na meron na ako ngayon. Kinwento ko lang naman sa anak ko ang Great Love ng daddy niya. Tragic man pero ganun talaga eh.


All things aren't meant to be happy. Sometimes it has to be tragic.


Depende sa tao kung magiging tragic siya o hindi. Depende rin sa oras at tadhana..


Kaya kung ako sa inyo, pahalagahan n'yo ang mga taong nagmamahal sa inyo. Lumaban ka para sa sarili mo hindi dahil para sa ibang tao.


Once again, This is Jander Devera.. Isang gagong nanggago kay Kinsley.


She puzzlized my heart years ago and she's done playing with the game.




capitalsawi signing off

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon