RH7 - Sweet

8.3K 330 30
                                    

"Ex! Sa'n ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.



Higit higit niya ako sa pulso ko't hinihila papunta sa parking lot. "Ex!!!!" sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin.



Hindi ko tuloy makain yung binigay sa aking donut ni Peter. Huhuhu.



"Get in!" utos niya sa akin tapos pinapasok ako sa loob ng kotse niya.



Whoah... this is the first time... Anong nangyayari sa mundo? Napaisip ako. Nag-uusap kami ni Peter tapos umentra siya. Sabi ni Peter ihahatid daw niya ako pero si Jander lumapit sa amin. Alam ko na!



"Jander.. Are you jealous with Peter?" Tanong ko na may pagkadesperada ang dating.. Okay hahaha.




"Of course not. Bakit ako magseselos dun?"




"Kasi kausap ko siya.. Ex!!! Gusto mo na ako 'no? Nagseselos ka ng 'di mo alam~" 




"How can you even possibly say that?" 




"Kung anong sabi ng galaw, siyang sabi ng pusong naliligaw." sabi ko sa kaniya. Tumahimik na lang siya since I assumed na hindi niya alam ang ibig kong sabihin.




Tumigil kami sa paglalakbay. Umunat ako at tumingin sa paligid. "Uy nasa inyo tayo omg!" tinanggal ko ang seatbelt sa upuan ko at umalis ng sasakyan ni Jander.




Si Jander naman tuloy tuloy lang ng pasok sa bahay nila habang ako sumusunod lang sa kaniya.




"Hi ate Jaile~" bati ko sa kaniya habang nakaupo. Nasa tabi niya rin si kuya Jail.




Nakita kong pinipilit tumayo ni Ate Jaile pero hindi siya makatayo. "Jail, ang sakit.. kasalanan mo 'to!" Bulong ni ate Jaile kay kuya Jail..




Humagikgik ako ng tahimik sa tabi nila. Nginitian lang ako ni Ate Jaile na katabi ko naman. Nakita kong natatawa rin si kuya Jail sa tabi niya.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon