RH22 - Kung kailan..

6.9K 348 35
                                    

Tumakas ako ng hospital nung nawala si mommy. For sure hindi siya papayag na palayasin ako ng hospital.


Gusto niya nga ako gumaling diba?


Agad akong pumunta sa isang bank at nagwithdraw ng pera. Bibili ako ng damit. Nakapang hospital dress pa ako eh nakakahiya.


Pumunta ako ng forever 21 at nakita ko din doon si Jander. Kasama ang ate niya. Agad akong nagpalit ng damit doon sa dressing room.


Paglabas ko nandoon pa rin sila. Palayas na sana ako ng Forever 21 nang mamukhaan ako ni ate Jaile.


PATAY!


"Kinsley!!!" Tawag niya sa akin. Lumingon ako't lumapit sila sa akin.


"Hi ate." Awkward na bati ko kay ate Jaile.


Bumeso siya sa akin at tila ang saya-saya niya. "Bakit hindi n'yo po kasama si kuya Jail?"


"Ewan ko dun! Bahala siya! Mag-sama sila ng business partner niya daw kuno na babae! Bwisit! Mas maganda parin naman ako kahit buntis." singhal ni at Jaile. Tinawanan lang siya ni Jander at binutakan naman ni ate Jaile si Jander. 


Anyway, hindi ka na dumadalaw sa bahay namin, namimiss ko na kayo ni Jander na magkasama." Hinawakan niya ang kamay ko't nag-pout pa siya.


Awkward talaga. "Hehe, busy lang po ako sa isang contest." Sagot ko sa kaniya habang nakangiti.


"Ohh. Ganon naman pala, bakit hindi ka sinasamahan ni Jander magpractice para sa contest mo? Jander diba?" Siniko siko pa siya ng ate niya.


Si Jander naman nag-iwas tingin lang. "Ay hindi na kailangan ate. Kaya ko naman po mag-isa. Mas maganda po magpractice kapag tahimik at mag-isa." I uttered. Napatango na lang si ate Jaile.


Buti na lang hindi pinagpilitan.


"Anyway highway, pakisamahan naman si Jander sa supermarket. Kailangan ko ng makauwi dahil mag-isa lang si Jailer sa bahay. Eto yung listahan ah." Nagulat ako nung sinabi ni ate Jaile 'yon.


Jusko ayaw ko nga makasama si Jander tapos.. urghh! 'Di naman ako makatanggi kay ate Jaile.


"Oh ayan, have a safe shopping!" That sounded like pang-aasar ni ate Jaile.


Binigay niya sa akin ang mahabang listahan. Grabe ang dami. Umalis na si ate Jaile pagkabigay non. May last na batok pa nga si Jander eh.


"Kung ayaw mo, ako na lang mamimili mag-isa. Hindi na kita pipilitin." Napa-angat ako ng tingin.


Tiningnan ko si Jander at tila nagtaka ako. Ang bait niya yata ngayon.. Matapos ng sagutan namin nung isang gabi hindi manlang siya na-awkward.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon