RH11 - Super love

8.2K 322 40
                                    

"Jandeeeeeeer! Huminahon ka! Kalalabas mo lang ng hospital!!!" sigaw ko agad at umupo muna saglit. Si Jander siglang sigla na tumatakbo palabas ng hospital. Parang tanga.


Hinabol ko muli siya pero hindi naabutan. Leche para kaming naglalaro ng habul-habulan.


Hinawakan ako ni ate Jaile sa balikat at sinabing, "Hayaan mo na, 2 days nakakulong sa hospital 'yang gunggong na 'yan eh."


Nag-nod na lang ako at pinanood si Jander mangharang ng chicks. Tingnan mo 'yun. Bwiset!


"Hi Miss I'm Jander." Ngiting ngiti nito, tinulak ako ng mahina ni ate Jaile at sinugod si Jander doon.


"Hi I'm Jander's girlfriend. Bawal makipag-usap sa iba ang boyfriend ko che!" Tinarayan ko nga siya't inilayo si Jander doon sa panget babaeng 'yon.


"Di pa tayo pero possessive ka na? Ikaw na, Kinsley." Umiling iling na pumasok sa kotse si Jander. Katabi niya ako doon at driver si kuya Jail. Sa shotgun seat naman si ate Jaile. Tapos si Jailer nasa tabi ko rin hehe.


"Jandeeeeer! Party mamaya sa bahay ni kuya Jail~" pagpapaalala ko. Baka nakalimutan niya eh.


Ininvite ako ni ate Jaile sa party eh hehehe. Tumawa na lang silang dalawang matanda at si Jander naman todo tingin lang sa salamin.


"Mas maganda pa ako sa labas, Jander." utas ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin.


Nag-cross arms ako at humarap. Kainis. Parang nung isang araw lang concerned na concerned siya sa akin tapos biglang sungit nanaman. Nagm-make face ako habang kinabubwisit-an siya.


"Teka, bibili lang ako ng pagkain d'yan." May tinuro si ate Jaile na restaurant sa labas. Nag-park si kuya Jail at lumabas silang lahat. Kasama si Jailer.


"Di ako sasama, inaantok pa ako. Si Kinsley dito lang rin." Utos ni Jander. Biglang nagkaroon ng sparkling effect ang mata ko. Pinag-iistay ako ni Jander!


Nagpaalam sila ate Jaile at ni-lock ang kotse. Si Jander naman nag-unat at sumandal sa balikat ko. "Patulog." sabi nito.


Kinagat ako ng daliri ko at pinigilan ang pag-irit. Baka magising si Jander. Shet lang kinikilig ako huhuhu.


Kumanta kanta pa ako para lalo siyang makatulog. Shet max talagang kinikilig ako.


"Maybe this is all a little crazy.. But I wanna know if you'd come run away with me."


Kanta ko ng mahina habang nakasandal si Jander sa balikat ko. Baligtad na talaga mundo ano?


Tumigil na ako kakanta kasi mukhang tulog na si Jander. Pero nagsalita siya. "Continue." yun lang ang sinabi niya pero kinikilig ako huhuhu.


Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon