RH10 - Janjan and Kinkin

8K 347 23
                                    

Naging maayos ang kalagayan ni Jander pagkatapos ng aksidenteng 'yon. Kinabukasan noon ay sinugod ko ang mga nambato kay Jander ng flower vase, 'Di ako papayag na hindi magantihan ang mga nambatong iyon kay Jander.



Pina-huli ko yon sa aming Private Investigator at nalaman kung sino ang mga 'yon sa pamamagitan ng cctv at finger prints nila na nakuha sa vase.



Nandito ako ngayon sa basement namin, doon ko sila pinadala. Well, 'di ko naman sila balak patayin, balak ko lang gumanti. Ako kasi ang karma nila.



Isa isa kong sinampal ang tatlong babaeng nagbato.



"Ang kakapal ng mukha n'yo! Bakit n'yo 'ko balak bagsakan ng flower vase ha? Bakit?!" Galit na galit kong tanong sa kanila.




Palakad lakad ako sa harap nila habang naninigkit ang mga mata ko.




"Ikaw dapat ang tanungin namin, Kinsley! Bakit mo pa kami kailangang manakit ng tao para lang mapalayas sa tabi ni Jander?!" sabat ng nasa gitna.




Tumigil ako at lalong naningkit ang mata ko.



"Oo nga! 'Di mo ba kami natatandaan? Kami ang mga kalapit ni Jander at hinihila mo ang buhok namin!"




"Masakit kaya!"




Sinampal ko ulit sila isa-isa. "Napaka-isip bata n'yo naman para saktan ako ng ganun! Dapat catfight na lang hindi 'yung babagsakan n'yo 'ko ng flower vase!" Singhal ko. Pinakalma ko na muna ang sarili ko saglit at hinarap muli sila. "Tingnan n'yo! Si Jander ang napahamak hindi ako! Alam n'yo ba kung gaano kasakit para sa akin ang masaktan siya?!" Nangingilid na ang mga luha ko pero pinunasan ko agad.




Nilayasan ko silang tatlo doon. Masyado silang naiinaman sa palad ko. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig.




"Palayasin mo na yung mga panget na 'yon sa bahay ko." Utos ko sa mga maid ko at nagbihis ng magara sa kwarto ko.




Hindi ako pumasok kasi gusto ko makita si Jander sa hospital. Dumaan na rin ako sa mall at namili ng mga pagkain. Dadalhin ko 'yon kay Jander lahat.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon