RH27 - Champ

6.9K 305 34
                                    

Nagising si Jander sa patapik tapik ko. "Jander!!" sabi ko sa kaniya.


Niyakap ko siya pero nilayo niya ako. Nanlaki ang mata niya ng makita ang dugo sa kamay niya.


"K-kinsley.. nadugo ang ulo mo. Dalhin natin ka sa hospital!" Nag-aalalang sinabi ni Jander sa akin.


Napatingin ako sa paligid. May mga taong nakatingin sa amin..


Umalis si Jander sa kinauupuan niya. Sinira niya ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa sa pintuan para makalabas.


Sinira niya rin ang pintuan ng shotgun seat tapos hinila ako palabas ng sasakyan.



"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin ng makalabas ako ng kotse. Hawak hawak niya ang dalawa kong pisngi.Tumango na lang ako as a response.


"Tara na!" nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style.


"Jander teka lang!" Sinabi ko sa kaniya para tumigil siya. "Baba mo 'ko!! Tingnan mo oh!" Tinuro ko ang asong nakasalampag sa sahig.


Pinaliligiran siya ng mga tao pero hindi tinutulungan.


Umuungol ito at tila umaakto na parang nasaktan. Binaba ako ni Jander at nilapitan ang aso. Isang beagle na aso 'to ah?


"Jander! Eto ba ang dahilan kung bakit tayo nabangga?" sabi ko nang makalapit.


Napakamot siya ng ulo. "Dalhin rin natin siya sa vet! Nakakaawa naman."


"ANO?! ANAK NG— KINSLEY TARA NA!" nairita si Jander sa inasal ko.


"Kuya! Papara naman po ng tricycle!" Sigaw ko sa isang matandang lalaki doon.


"Ay ako ho'y tricycle driver. Halina." Umalis siya sa kinatatayuan niya't kinuha ang tricycle.


Binalutan na muna ako ni Jander ng face towel niya sa ulo kong dumudugo. 'Di ko nararamdaman ang sakit kundi dumudugo lamang siya.


"Jander, buhatin mo naman." Naiirita na ako sa kaniya at sa mga taong nakapaligid. Hindi man lang tumutulong!


Pumadyak na muna si Jander at kinuha ang aso. "May bali lang yata siya." sabi ko. Sumakay kami sa tricycle ni Manong.


Sa likod si Jander at ako naman sa loob kasama ko ang asong nabangga naman. Nakakaawa naman.


"Sorry na huhuhu." Kausap ko sa aso. "Kasalanan namin ni Jander 'to eh. Landian pa more." sabi ko pa.


Hawak hawak ko ang face towel ni Jander na nasa ulo ko. Nalalaglag na kasi.


Mga ilang minuto ay nakarating kami sa hospital. "Jander, padala sa vet please? Please? Please?" Pagmamakaawa ko.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon