RH15 - Jail and Jaile's wedding

7.3K 390 71
                                    

Kung ano ano na ang pinipindot ko sa bago kong piano. Ang panget na nga ng kinalalabasan na tugtog eh.



Imbis na music ang naririnig mo nagiging noise lang.



"Pahinga ka na muna, Kinsley. You're too stressed. Tigil na muna anak." Hinawakan ako sa balikat ni mommy.




Kinalma ko saglit ang sarili ko. Nilapag ni mommy ang isang juice at sandwich. Iniwan niya ako mag-isa sa kwarto ko.




Pagka-sara niya ng pinto ay napatingin ako sa mga mukha ni Jander na nasa pader ko. It's time.




Pinagtatanggal ko isa isa lahat ng picture ni Jander hanggang sa matira ang picture naming dalawa..




Kapag tinitingnan ko 'yon ay gumagaan ang loob ko. "Eto na lang siguro ang ititira ko. Memory na rin." Kausap ko sa sarili ko.




Pinaglalagay ko sa isang plastik ang mga posters, pictures, tarpaulin ni Jander. Itinapon ko yon sa likod bahay namin at sinunog.




"Mawawala na rin naman ako sa buhay mo, Jander. Kaya b-bye na rin muna ngayon ha.. Hindi na kasi tama 'to." Utas ko sa sarili ko habang tinitingnan ang nasusunog na litrato ni Jander.




Kinabukasan..Kasal ni ate Jaile and I still managed to attend the wedding. Kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko kapag nakikita ko si Jander.




Nakaupo na ako sa loob ng simbahan at iniintay na lang si ate Jaile. Si Jander ang bestman ni kuya Jail.




Napapansin kong patingin tingin sa akin si Jander pero hindi ko pinapansin. Maya-maya ay nagsimula nang maglakad ang mga abay.




Nauna ang mga abay ni ate Jaile which is mga friends niya. Si Daphne, Aubrey at Zoe. Tapos ang flower girl? Anak ni hindi ko kilala hehehe. Basta may cute na flower girl na nandon.




Tapos sumunod ang cute na cute na si Jailer! Huhuhuh putek ring bearer ang baby ko~

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon