RH13 - Toothless

7.1K 343 20
                                    

Iyak ako ng iyak ng makita ko 'yon kay Jander. Iiwan ko siya. Iiwan ko rin siya balang araw.


Tanga, Kinsley! Tanga! Bakit mo hinihingi ang pag-ibig niya kung iiwan mo rin diba? Tanga!


"Kinsley? Stop crying." Dinaluhan ako ni Jander habang ako nakasalampak sa sahig. Nginig na nginig ang mga paa ko.


Ni-yakap ako ng mahigpit ni Jander. I think I should stop being so selfish.. Bakit ngayon ko lang ba naisip 'yun?


Mahihirapan si Jander kapag iniwan ko siya. Mas masakit para sa akin 'yon. Pero teka.. mahal ba ako ni Jander para mag-assume ng ganon? Ang gulo ko.


"Sshh. Kinsley." Pinatahan niya ako.


Kinalma ko maigi ang sarili ko. Ayokong maging mahina sa harap ni Jander. Tanga ka talaga, Kinsley!


"I'm okay.. I'm okay." Sabi sa kaniya. Lumayo siya ng konti at hinawakan ang pisngi ko. "You sure?" Tumango ako ng mahina.


Tinulungan niya akong makatayo. Pinagpagan na rin niya ang damit ko.


Kinsley, you need to be strong sa harap ni Jander. Kapag nag-break down ka baka dalhin ka sa hospital. Mas lalo niyang malalaman na may sakit ka.


"Get dress." He said.


Sumunod na lang ako ng tahimik. Iniabot niya sa akin ang damit ko na binigay niya kanina tapos pinapunta sa CR.


Sumandal na muna ako sa pintuan. Kinsley, tandaan mo 'yun okay? Be strong! Konti na nga lang ang araw mo nagpapakahina ka pa. Tanga!


Nagbihis ako agad at inayos ang mukha ko. Hindi naman ganoon kamugto ang mata ko. Keri pa.


Lumabas ako ng CR. Nakita ko na lang si Jander na nandoon. Nakaupo sa kama ko. "Tara na." Akay ko sa kaniya habang nakangiti.


Ayan, Kinsley. Just like the old days. Happy go lucky, Kinsley!


"Are you sure you're okay? Bigla ka na lang umiyak. May problema ka ba?" Tanong niya.


I just smiled a little bit. "Wala. Sobrang sweet mo kasi eh hahaha naiyak ako sa kilig!" Pagsisinungaling ko.


Kinuha niya ang isa kong kamay at pinisil. "You're not lying?" He asked once more. Nakukutuban na ba ako ni Jander sa ginagawa ko? Wag naman sana.


Inikot ko ang mata ko at tumawa. "Hindi nga. Janjan tara na pleaseeee?" Hinigit ko na siya pababa ng kwarto ko.


Sinalubong agad kami ni mommy na naka-apron. "Hi mommy! Eto si Jander oh! Hindi na siya poster!" Sabi ko ng tuwang tuwa.


Si Mommy naman ngiting ngiti na binati si Jander. "Alis na po kami mommy~" Paalam ko sa kaniya.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon