RH21 - Selfish Daughter

7.4K 346 29
                                    

"Tahan na." Iyak ako ng iyak sa loob ng kotse ni Peter.


Nasa tapat na kami ng bahay namin pero hindi pa rin ako pumapasok sa loob. Ayokong makita nila mommy na umiiyak ako. Manghihina lang sila.. Gusto kong ipakita na ayos ako. Na okay ako. Malakas pa ang nag-iisang anak nila.


"Sshh." naalala ko bigla nung pinaiyak ako ni Jander dahil sa pagliligtas niya sa akin sa flower vase na 'yon. Lahat na lang si Jander ang naaalala ko. Lahat na lang.. Buong puso't kaluluwa ko si Jander lang.


Pinunasan ko na ang mga luha ko't pinakalma ang sarili. "Okay na ako." Huli kong paalam kay Peter bago lumabas ng kotse niya. "Salamat sa paghatid." dagdag ko pa.


Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin, nandoon si mommy at daddy. Nag-uusap sila. Hinalikan ko na lang sila sa kanilang pisngi't umakyat na papunta sa kwarto ko.


Humiga ako sa higaan ko at inisip. Isang linggo na lang at July na, malapit na ang aking birthday. Nakakaramdam na ako nanaman ako palagi ng pananakit ng dibdib pero lagi ako umiinom ng pain killer. 


Natulog na lang ako't pilit na hindi isipin ang nasasaisip ko.


'Di na ko nagbalak na pumasok sa school kinabukasan. Mas tinutukan ko na muna ng pansin ang pagp-piano ko.


Nakaisip na ako ng tutugtugin ko. "Sonata Chiaro Di Luna is nice." Ngiti ko sa screen ng laptop ko.


Pinrint ko ang nota nito't nilagay sa lagayan ng nota sa piano ko. Nakailang practice ako sa piece na 'yon hanggang sa abutin ako ng tanghalian.


Dinalhan ako ng maid namin ng pagkain sa kwarto ko.


Tinigil ko ang pagtugtog ng piano ko't uminom na muna ng tubig. "Sa isang linggo na ang La Musica Enchantre, kailangan kong ma-practice pa 'to." I chanted to myself. My last play. 


Kumain na muna ako para magkaroon ng lakas. "Aaahhhh sakit naman sa batok." Inikot ko muna ang ulo't inexercise ang batok ko.


Pagkaupo ko muli sa upuan ay biglang nanakit ang dibdib ko.. Minasahe ko 'yon pero masakit pa rin.


Eto na nga ang sintomas ng cancer ko.


Pinilit kong abutin ang maid bell sa kwarto ko para pumunta ang isang maid dito sa kwarto ko.


Nahihirapan ako kasi nasakit ng sobra ang dibdib ko. Mabuti naman at napindot ko 'yon. Nakahilata ako ngayon sa sahig at dinadaing ang sakit na nararamdaman ko.


"Ma'am Kinsley?" Kumatok pa ang maid namin pero pumasok rin.


"MA'AM!" Sigaw nito na may halong pagkagulat.


Lumapit siya sa akin at tinanong kung okay lang ako. Umiling ako't iniwan niya ako sa kwarto ko.

Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon