RH23 - Sinungaling

7.3K 317 28
                                    

"Bwisit ka! Bwisit ka!" Pinagpapalo ko si Jander ng buong lakas ko.


"Linchak! Akala ko naman matutuwa ka sa sinabi ko." Niyakap niya ako pagkasabi sa kaniya non.


Tuloy pa rin ang pagluha ko. Mawawala na ako.. Walang cure ang cancer.. Wala. Pa'no ako lalaban?


"Tumahan ka na nga, Kinkin. Nakakasakit ka naman ng damdamin eh." Bulong ni Jander mula sa tainga ko. Suminghap ako. 'Di pwede..


Jander tama na. Ang sakit sakit na eh.


Kinsley, alam mo dalawang option lang 'yan eh.


Magpapakaselfish ka at susulitin mo ang natitira mo pang mga araw kasama si Jander para maging masaya o lumaban pa para sa mga nagmamahal sayo?


Pero kung lalaban ako.. kaya pa ba? Lord, tutulungan n'yo po ba ako? Huli na po talaga ang lahat para sa amin ni Jander?


Maya-maya pa ay nawala na ang mga hikbi ko. Natapos rin ang endless na pagluha ko.. Araw araw na lang akong umiiyak.


"Jander, I think kailangan mo ng umuwi." I said to him.


Bumitaw siya sa yakap niya. Hinawakan ang magkabilang kong pisngi. Ngumiti siya sa akin tapos hinalikan ako sa noo.



"You've puzzlelized my heart years ago. Takot kasi ako na baka iwan mo lang rin ako, Kinsley. Pero ngayon susubukin kong 'wag mo 'kong iwan. Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa'yo 'to. Pasensya na rin kung maraming panahon na ang nasayang ko. Nagpaka-playboy ako para makalimutan kita, pero sa ginagawa mo pinapaselos mo 'ko eh. Gusto ko yung feeling na akin ka lang, bawal ka maghanap ng iba." Pinapakinggan ko lang siya sa sinasabi niya tungkol sa feelings niya.


Jander ang tagal kong hiningi 'yon.. Bakit ngayon lang?! Nakakainis naman.


"Mahal na mahal kita, Kinsley. 'Wag mo 'ko iiwanan ha?" sabi niya.


Tumulo nanaman ang isa kong luha. 'Di ako sigurado na maibibigay ko sa kaniya 'yon.


Ayaw niyang iwanan siya, Kinsley. Tang ina. Ang hirap naman ng sitwasyon ko.


"D-di kita iiwan." sabi ko ng walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako o hindi.


Stage 4? Walang cure? Faith lang 'to.. 'Di ba Lord?


Pinunasan niya ulit ang mga luha ko. Pumwesto na siya ng maayos sa driver seat at dahan dahan na nagmaneho.


Tumingin lang ako sa bintana at tila nag-isip ng gagawin. Gulong gulo ang isip ko.


Tsaka teka, sasabihin ko ba kay Jander na may sakit ako o wala? Parang ayoko.. natatakot ako.. Malalaman rin naman niya soon diba?


Rubiks Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon