PROLOGUE

33.6K 648 334
                                    

Inis na napabangon ako mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang tunog ng aking alarm. Actually hindi naman ako nakatulog at hindi kona sinubukan pa dahil linggo naman ngayon, walang pasok.

Inis na napasabunot ako sa magulo kong buhok ng makita ko kung anong oras palang, alas singko palang ng umaga.

Jusko, napaka aga pa!

Malalim na napabugtong hininga nalang ako. Actually nakakapanghina na ang nangyayari ngayon, joke! Isang linggo na naman kasing hindi nag paparamdam sa akin ang mahal kong si Jeremiah kaya ito ako ngayon sadgirl na naman ang ganap ko.

Ganito na lagi ang tagpo namin, isang linggo or dalawang linggo na parang wala lang ako sa kaniya pero pagkatapos nun lalapit ulit siya akin na animong isa ako sa bagay na dapat niyang ingatan pero pagkatapos ng tatlong araw wala na naman. Wala na naman ako sa kaniya.

Hindi ko na alam...

Nakakapagod na..

Gusto kong tumigil na pero hindi niya ako hinahayaan.

Hanggang kailan ba dapat akong mag antay na mahalin niya din ako? Yung may kasiguraduhan naman sana.

Napailing nalang ako at nagsimula nang gawin ang aking morning routine at nang matapos na ay agad akong naglakad paroon sa kitchen. Ako lang mag isa dito sa Condo ko kaya naman medyo nakakaboring.

Pero dahil mas maganda ako kay Eq, keri lang.

Nanlaki naman ang aking mga pretty eyes ng makarating ako ng kitchen dahil ang kaninang babae na iniisip ko lang ay nandito na pala.

Naka cross ang legs nito at nagkakape, agad naman na napabaling ang tingin nito sa puwesto ko marahil ay naramdaman niya ang aking presenya.

Ngumiti ito ng maliit sa akin at medyo nagtaka pa ito dahil nakatingin lang ako sa kaniya.

Muka siyang lasing ngayon dahil namumula ang kanyang buong mukha, at hindi siya pupunta ng ganito kaaga dito kung hindi siya lasing, diba?

Alam kong ayaw niyang nakikita siya ni Eq ng ganito ang kalagayan niya kaya dito ang diretso niya kapag ganyan ang lagay niya.

Actually madali lang talaga siyang makakapasok dito sa Condo ko dahil binigay ko naman sa kaniya ang aking pass code.

Pero, anong problema niya?

"Goodmorning?" alanganing bati ko at naupo sa tabi niya.

Tumango lang ito ngunit agad na nanlaki na naman ang mata ko ng mabilis itong pumatong sa lap ko habang nakaharap sa akin.

Napalunok nalang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya nang pumulupot pa ang mga kamay niya sa leeg ko.

"I miss you..." bulong nito at nagsimulang paulanan ng halikan ang aking leeg.

Napakagat labi nalang ako at iniyakap ang braso ko sa bewang niya. Mahinang napamura ako ng nanggigil pang kinagat at sinipsip nito ang aking leeg.

Oh, god!

Pipigilan ko na sana siya dahil baka kung saan mapunta ang halik niya ngunit hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis na lumapat ang labi niya sa labi ko at doon naman mariin na may halong panggigigil na humalik.

"M-Ma'am...Stop--"

Mabilis nitong naipasok ang dila niya sa loob bibig ko, agad na nahanap niya ang aking dila at animong uhaw na uhaw na sinipsip iyon.

"Uhmmm.." hindi ko mapigilan ang ungol na kumawala sa bibig ko kaya parang mas lalo siyang ginanahan dahil mas lalong naging agresibo ang mga halik nito.

Dahan dahan ko itong inihiga sa table habang hindi parin napuputol ang halikan namin, agad na bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg ng matagumpay ko itong naihiga ng maayos at marahan siyang hinalikan doon.

Naramdaman ko ang kamay nito na sumasabunot sa aking buhok ng maglakbay ang aking kamay sa kaniyang hita at buong ingat na hinahaplos siya doon.

Halos magdiwang ang kaloob looban ko ng marinig ko ang mahihinang daing nito.

"Gosh, L-Lenesha..."

"I love you, Ma'am." madamdaming bulong ko sa pagitan ng paghalik ko sa leeg niya.

"Uhmm.. I love you..."

Agad akong natigilan ng marinig ko ang sinabi niya, natutuwang napatitig ako sa kaniya dahil matagal ko nang inaantay ang katagang iyon na marinig mula sa kaniya, ngunit nakapikit lang ito habang may ngiti sa labi.

Ang ganda niya.

"...I love you Chris."

Mabilis gumuho ang aking mundo at iyon din ang nagpawasak sa puso ko ng marinig ang kadugtong sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang napailing nalang ako habang pagak na natawa.

All this time?

Siya parin pala.

Sino ba kasi si Chris?!

You Belong With Me Where stories live. Discover now