Chapter 8

9.7K 376 510
                                    


Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

=============

"Hello pooooo mga baklaaaa!!! Yieee... Nakita niyo na naman ang kagandahan ko today. Oh, pak na pak! Ang ganda ko today diba? Well, aminin nalang natin na araw araw naman maganda talaga ako. Hahaha! Enebe maliit na bagay, ako lang ito mga bakla!" mahina nalang akong natawa sa sariling kayabangan.

Sabi nga ni mama, hindi naman masamang ipagmayabang kung anong meron ka basta ba wala kang inaapakang tae-tao pala. kaya ito ako ngayon, pinagmamayabang ko lang ang aking kagandahan.

Ganda lang kasi ang meron ako tapos meron din akong isang napakagandang Jeremiah. Witwiw!!

Luckyme cornedbeef.

Nagpapacute na tumingin pa ako sa camera ng aking cellphone at mayabang na hinawa ang aking buhok. Actually hindi kona kailangan pang magpacute kasi cute naman talaga na ako tapos napakaganda ko pa.

Oh, may aangal na naman!

"At dahil mas maganda pa sainyo ang araw ko today, May challenge tayong gagawin ngayon dito sa tiktok." nakangising sabi ko pa bago ako lumingon lingon sa palagid dahil baka biglang sumulpot nalang bigla ang aking girlfriend.

Huwaw naman! Ang sarap talagang banggitin ng paulit-ulit, girlfriend...

Iyon yung wala si Mareng Eq dry.

Actually, kanina sinabihan na agad ako ni ma'am na wala daw muna dapat ang makakaalam na kami na, hindi naman na ako nagulat ng sabihin niya iyon dahil alam ko namang may iniingatan din siyang trabaho kaya okay lang naman sakin at naiintindihan ko naman siya.

Palagi naman.

Ayoko din naman na masira ang lahat lahat ng pinaghirapan niya ng dahil lang sakin. Mas gugustuhin ko pang ako ang masira, wag lang siya.

Big, NO!

So, ayon na nga! nandito parin ako hanggang ngayon sa condo ni Ma'am. Gabi na din at wala pa ata siyang balak na pauwiin ako. Well, okay lang naman sakin kasi wala din naman siyang kasama ngayon dito, saka baka dito na din niya ako patulugin.

Matutulog lang, opo.

Behave ako.

"Ang challenge natin today-I mean tonight na pala is... Paano inisin ang aking math professor." nakangisi at mahinang sabi ko.

Nagvivideo lang talaga ako tonight para sa challenge na ito, may isa kasing gunggong na humamon sa akin sa tiktok na gawin ko daw iyon. Dahil super bait kong tao, Itatago ko nalang siya sa pangalang Zera, ang porn star na madasalin kong kaibigan.

#Zerawagtutularan.

Dapat sa University ko talaga balak gawin itong challenge na ito ee, kaso naalala ko na baka katakot-takot na pamamahiya na naman ang gawin sakin ng mahal ko. Knowing her, wala siyang pake kahit sino kapa.

That's sad-charot!

Tiktoker po talaga ako ng medyo lang naman, hindi naman sa pagmamayabang ah? Baka kasi sabihan niyo agad ako ng mayabang kahit totoo naman, Pero magaling talaga akong sumayaw... Pati sa kama with my Jeremiah pa.

Hahahahahahah, Charot! Baka balibagin ako nun.

Ayon na nga! Kinakabahan talaga ako sa challenge na ito kasi naman, si ma'am yun ee. Antaas pa naman ng anger issue niya, pero dapat go lang tayo ng go kasi wala tayong inuurungan!

#leneshamatapangnatao.

Actually, wala naman talaga akong balak na ipost itong challenge ko sa tiktok, no! Baka kung ano pang isipin ng others diyan, nasa Pilipinas pa naman tayo, alam mona...Isesend ko lang talaga yung video kay Zera at pagbabantaan ko agad siya na ikakalat ko yung mga nudes niya kapag kinalat niya din yung video ko.

You Belong With Me Where stories live. Discover now