Chapter 3

12.6K 453 138
                                    

Jeremiah Maureen Montero

Abala ako sa pagchecheck ng mga quizzes ng mga studyante ko dito sa office ko nung makarinig ako ng sunod sunod na katok mula sa labas ng pinto.

"Come in!" sigaw ko ngunit nasa ginagawa ko parin ang aking tingin.

Narinig ko naman ang dahan dahang pagbukas at pagsara ng pinto. Dahan dahan naman akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Uncle.

"Jm." seryosong tawag pa nito sa akin.

Saglit pang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit agad na senenyasan ko lang ito na maupo sa kaharap ko. Agad naman itong tumango bago tumalima.

"Yes, uncle? Why are you here?" walang ganang tanong ko sa kaniya at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Jm, gusto kong malaman kung paano nakikilala ni Elijah si Veymie?" napairap naman ako sa tanong nito kaya agad na nilakihan ako nito ng mata.

My god! Bakit kasi ako ang tinatanong niya at hindi ang magaling kong kapatid?

"Professor niya siguro?" walang ganang sagot ko bago siya taasan ng kilay.

Nabalitaan ko kasing dito na din nagtuturo ang bitch na iyon, wala namang problema sa akin kung nandito siya basta wag lang niya akong guluhin. Alam ko kung sinong pakay niya kung bakit siya andito.

Napaamang nalang ako ng taasan din ako ng kilay ni Uncle bago ako matalim irapan nito at magsalita na naman.

"Pero bakit niya nasabi na may asawa si na Veymie?" parang wala pa sa sariling tanong ni Uncle habang nakatingin sa may kung saan.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Anong may asawa? Ee halos mabaliw na nga yun sa kapatid kong walang alam gawin kundi pasakitin ang ulo ko.

"May asawa na yung bitch na yun? If I'm not mistaken yung kakambal niya ang may asawa?" sarcastic pa akong natawa bago mag cross arm sa harap niya.

"Kaya nga nagtataka ako bakit niya nasabi na si Veymie yun." napapahilot sa sentidong sabi niya.

Hindi ko na ito sinagot pa dahil wala na namang kwenta ang mga sinasabi niya at muling inabala ang sarili ko sa aking ginagawa kanina.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito?" tanong ko dito ngunit nasa ginagawa ko parin ang aking tingin.

"Hindi."

Walang gana akong nag angat ng tingin dito at inantay ang sunod niyang sasabihin.

"Kailangan mong palayuin si Elijah kay Veymie."

==================

Lenesha Villanueva

"Class dismiss."

Agad naman na napatayo na ako at mabilis na inayos ang aking gamit ng marinig ko ang hudyat na iyon.

Nakita ko pang nagtataka ang mga tingin ng mga gunggong kong kaibigan ngunit hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin.

Nang maiayos ko ang gamit ko ay agad na wala paa-paalam na tumakbo na ako palabas. Napangisi nalang ako ng marinig ko ang mga pahabol na sigaw nila ngunit nagpatuloy parin ako sa pag takbo at hindi na sila nilingon pa.

Sino ba kayo para pagtuon ko pa ng pansin diba?

Excited na ako sa date namin ng mahal ko, actually hindi naman ito ang unang beses na mag dadate kami pero syempre excited parin ako dahil siya ang kasama ko.

Kyahhh!!!!

Malapit na sana ako sa office nito ng biglang may humigit sa braso ko at pwersahang iharap ako sa kaniya-i mean sa kanila.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon