Chapter 20

7.7K 306 329
                                    

"I-Ikaw.... Wala kang konsensya! Paano mo nagawa ang ang lahat ng ito?! Bakit--bakit mo iyon nagawa?!"

"P-Patawad, parang awa mona mahal... Patawad. Patawarin mo ako... Ikaw lang ang iniisip ko--"

"Tangina! Ako na naman! A-Ako nalang palagi! Ako nalang! Ayoko... Hindi ikaw--Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" humihikbi na bulalas ko sa kaniya.

Nakita kong malungkot na bumagsak agad ang balikat nito at sinubukan pa niya akong hawakan sa kamay ngunit galit na tinabig ko lang ng malakas ang kamay niya.

"Mahal..." nagsusumaong tawag nito sa akin.

"Wala kang konsensya... Wala kang pinagkaiba sa kanila! Katulad ka lang nila!"

"Mahal... Hindi---please, Hindi ko ito ginusto, kahit kailan man hindi ko ito ginusto pero kailangan kong gawin... Kailangan kong mamili---" natigilan agad ito ng makita niya na galit na galit na akong nakatingin sa kaniya.

Hindi... Hindi ko na siya kayang tignan kagaya ng dati... Kinakain na ako ng galit ng dahil sa ginawa niya.

"Mahal ko--"

"Tangina! Kahit pa hindi mo iyon ginustong mangyari, kahit pa kinakailangan mo lang iyong gawin para lang sa sariling kaligtasan ko! Hinding hindi ko parin matanggap ang ginawa mo! Ang sakit..."

"Patawad..."

Nanghihinang napalunod nalang ako habang patuloy parin sa aking walang tigil na pagluha kasabay ng malakas malakas na ulan na animong nakikiramay ito sa akin-sa aming nararamdaman.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko ito kayang tanggapin, hinding hindi. Kahit anong gawin at sabihin niyang paliwanag sa akin ay hinding hindi ko siya kayang pakinggan dahil mali siya, maling mali.

"Patawarin mo ako... Hindi ko lang alam ang gagawin ko mahal... Natakot ako. Pinagkaisahan nila ako, litong lito ako nung mga oras na iyon---"

"Kaya ba nagdesisyon ka nalang bigla?! Nagdesisyon ka nalang ng hindi man lang nag iisip kung ano bang kahihinatnan ng gagawin mo?!" bulalas ko pa at galit na galit na pinagsusuntok siya sa kaniyang hita.

Malakas naman na napahagulgol ito at nanghihinang napalunod rin sa harapan ko. Ang sakit, ang sakit sakit na makita na nagkakaganito kami ngayon pero hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

"Hindi ko ito ginusto, maniwala ka naman oh.... Pinagkaisahan nila ako mahal, tinakot nila ako na kapag hindi ako namili sa inyong dalawa ay parehas nila kayong papatayin--hindi ko iyon kaya... nagkamali ako, oo. Pero mali ba na ikaw ang pinili ko?" nanginginig na hinawakan nito ang dalawang pisnge ko gamit ang dalawang kamay niya ngunit galit na iniwas ko agad ang mukha ko sa kaniya.

"Mahal naman... Pakinggan mo naman ako--" 

"Paano?! Paano kita magagawang pakinggan ngayon? Ha?! Paano mo nagawang magdesisyon na patayin nalang nila basta basta ang anak mo?! Ang sarili mong anak!" galit na sigaw ko pa sa kaniya at malakas na sinapal din siya.

Tumabingi naman patagilid ang mukha nito, kita ko na napakagat labi ito habang naputuloy parin siya sa paghagulgol.

"K-Kung hindi ko gagawin iyon... Ikaw naman... Ikaw naman ang babalikan nila, ikaw naman ang papahirapan nila, ayoko--"

Naputol agad ang balak na sasabihin nito ng sunod-sunod ko siyang pinagsasampal ng malalakas. Hindi naman ito umilag o umangal man lang bagkos nginitian pa ako nito ng maliit habang tinatanggap ang lahat ng sampal na natatanggap niya mula sa akin.

You Belong With Me Where stories live. Discover now