Chapter 26

6.8K 298 167
                                    


Every sunset is a proof than everything has its ending
-ctto

===============================

"Jeremiah."

Malalim na napabugtong hininga na naman ako upang sana ay alisin ang kaba na bumabagabag sa akin ngayon nung marinig ko na naman ulit yung boses nung isang kasama ko ngunit kahit ano pa ata ang aking gawing pagpapakalma sa aking sarili ngayon ay hindi ko na magawa gawa pa. Masyado na kasi akong nilalamon ng kaba dahil sa ideyang narito na talaga kami ngayong gabi, malapit lamang sa bahay ng mga Villanueva.

God knows kung ilang beses ko talaga silang pilit na tinanggihan sa mga binabalak nila ngunit masyado na rin silang mas mapilit at may paninindigan talaga. Handa talaga silang isugal ang mga sarili nila sa kapahamakan, matulungan lang ako, kami.

Gusto ko silang pagsasampalin kasi hindi sila marunong makinig sa akin, pero sino nga ba ang niloloko ko? Kung mga siraulo ang mga kasama ko ngayon.

"Jeremiah." rinig ko pa ang animong naiinis na naman natawag ulit sa akin ng babaeng nasa aking gilid.

"H-Hmm?" napalunok naman ako ng ilang beses dahil parang bigla nalang akong nahirapan na makapag salita.

Dahan-dahan at kagat labi na nilingon ko naman si Sazch sa kinatatayuan niya ngayon. Hindi ko mapigilang mapakagat sa aking pang ibabang labi dahil mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba nung nakita ko na seryoso na naman itong nakatitig sa akin ngayon. Kanina pa siya ganyan sa akin.

Kaya paano ako kakalma kung ganyan siya?

Malalim na napabugtong hininga nalang rin ito bago niya ako ngitian ng bahagya at marahan na tapikin ang aking balikat.

"Relax ka lang, okay?" nakangiting bulong pa nito sa akin ngunit hindi ko parin magawang maibuka ang aking bibig upang makasagot sa kaniya dahil feeling ko ay may nakabara na kung ano ngayon sa aking lalamunan.

"Everything will be alright, I'll promise." pilit nalang na nginitian ko siya. I don't know...

Agad naman na nabaling ang atensyon naming dalawa ni Sazch kay Russell na ngayon ay sumisipol sipol pang pinapaikot sa kaniyang mga daliri ang isang baril habang mayabang na papalabas na siya ng sasakyan na ginamit namin papunta rito.

"I'm ready, Lady Sazch." magalang na anunsyo pa nito kay Sazch. Nakita ko naman sa gilid ng aking paningin na tinaguan niya lang si Russell bago niya ito senyasan ng kung ano na hindi ko naman maintindihan. Ayan na naman sila sa senyasan nila.

Malawak na nginisian naman ako ng gaga at nang aasar na kinindatan pa muna ako nito bago siya nagmamadaling naglakad na palayo sa aming puwesto habang nagpapalinga linga pa siya sa kung saan saan na animong magmamanman siya sa paligid.

Hindi ko talaga maalala kung saang kanal ko ba nadampot ang dalawang kaibigan ko na ito. Ibang iba talaga silang dalawa, hindi naman kasi kapanipaniwala na kayang kaya pala nilang gawin ang mga bagay na napaka impossible na hinding hindi magagawa ng isang ordenaryong babae lamang. Tapos yung isa pa sa kanila ay leader pala ng dalawang makapangyarihan na Organization na wala talagang sinasanto na kahit sino. Nakakaloka na talaga.

Kahit na naman alam ko kung ano ang mga kasamaan ang kayang gawin ng dalawang gagang ito ay hindi ko parin magawang matakot sa kanila-i mean sila parin naman ang kaibigan ko kaya tanggap ko sila, hindi yung ginagawa nila.

I know naman na ginagawa lang talaga nila ang trabaho nila but hindi parin naman tama na pumatay ka nalang basta basta. Kahit pa gaano kasama yung taong kailangan nilang patayin, hindi parin tama kahit saang anggulo mo tignan, kahit baliktarin pa natin ang mundo, mali iyon. Isa pa alam ko na din at ng pamilya ko kung sino nga ba ang pumatay sa pinsan ko daw kuno na si Chris. Ang hayop na gagang si Sazch lang pala.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon