Chapter 28

6K 225 72
                                    

"Magandang hapon mga magagandang dilag! Magkano nga ulit yung monay na malaki?"

Dahan dahan at sabay pa talaga na napabaling ang tingin naming dalawa ni Jeremiah sa aming harapan nung marinig namin ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki. Bahagya pang naikunot ko ang aking noo ng makita kong ito na naman pala ulit yung lalaking kanina ko pa napapansin na nagpapabalik balik dito sa bakery ni tita Janella. Malagkit na itong nakatingin ngayon sa mahal ko na walang emosyon na nakatingin lang din sa kaniya. Gaya nga ng sabi ni Jeremiah kanina, kami na ngayon ang nagbabantay nitong bakery ng mother niya dahil may mahalagang lakad pala ngayon si tita.

Wala namang problema sa akin na magbantay kami ng bakery ni tita Janella pero ang kinaiinisan ko lang talaga is yung mga Iba't Ibang lalaki na nagpapabalik balik dito, mga halatang nagpapapansin lang naman sa mahal ko. Kakaiba rin talaga sila kung makatitig sa mahal ko na dahilan para kumulo talaga ang dugo ko sa inis. Buti sana kung marami silang binibili ee hindi naman, iisang piraso lang. Psh!

Gusto ko nalang manapal ng dospordos.

"Twenty." hindi ko naman mapigilang lihim na mapangisi dahil nakita kong umiirap pa at mataray na sinagot ng mahal ko ang tanong nung lalaking manyak.

Ha! Buti nga sayo!

Sa akin lang yan kakalampa--charot!

Agad na nagsalubong ang aking dalawang kilay ng makita ko kung paanong mas lalo pang lumawak ang pagkakangisi nung manyak na lalaki sa ang mahal ko. Baliw amp. Kulang lang talaga siguro sa pagmamahal.

"Eh.. Yung maliit kaya? Magkano nga ba ulit yun?" mas lalo namang nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil nakangisi at nang iinsulto pa na binalingan nalang ako bigla ng tingin ng lalaking manyak.

Wtf?!

Anong ibig niyang sabihin?! Maliit yung ano ko?! Gago--

Nang iinsulto parin na ibinababa pa ng lalaking manyak na iyon ang kaniyang tingin sa aking dibdib kaya mabilis na naharangan ko iyon ng aking braso. Aba---potangina nito ah! Nakakainsulto na ang pota!

Akmang tatayo na sana ako mula sa aking pagkakaupo ngunit agad din na natigilan din ako ng maramdaman ko na hinawakan ni Jeremiah ng mahigpit ang aking kamay, alam kong upang pigilan ako sa aking binabalak. Nagbabanta din itong tinitigan ako kaya wala na akong nagawa kundi inis na mapabuga nalang ng hininga. Letche talaga! Kailangan ko ng hustisya! Hindi naman maliit yung ano ko ee!

"Ganda? Magkano ang monay na maliit?" rinig kong tanong ulit ng lalaking manyak kaya naman agad na naalis ang tingin ng mahal ko sa akin upang balingan ulit siya.

Mabaog ka sanang Letche ka! Nakakainis na ah.

"Ten." mukang naiinis na din ang aking mahal dahil mahahalata mo na iyon ngayon sa kaniyang boses, bahagya na ding salubong ang kaniyang mga kilay.

Inis na tinignan ko naman ulit yung lalaking manyak ng marinig ko pa ang nakakalokong tawa nito ngunit ang gunggong ay nagawa pa akong kinindatan ng malandi. Yak! Ang baboy!

Magsasalita na sana ako ngunit agad na napangiwi nalang ako ng maramdaman ko ang unti unting pagdiin ng kuko ni Jeremiah sa kamay ko na hawak hawak niya parin hanggang ngayon habang may masama pang tingin sa akin. Shemay talaga, ano na namang ginagawa ko?! Bakit parang kasalanan ko na naman?! Ugh!

"Hay nako! Pabili na nga ako ng malaking monay mo, ganda." tangina mo talagang hayop ka.

Ramdam na ramdam kona na din ngayon na mas lalo pang nag iinit sa galit ang buong katawan at sistema ko ng dahil lang sa lalaking iyon. Ang sarap niyang sampalin ng dospordos sa totoo lang, gusto ko sanang isahan ng sampal lang naman pero dahil mabait ako kailangan kong huminahon muna. Masama kasing makapatay ng hayop.

You Belong With Me Where stories live. Discover now