Chapter 13

8.8K 396 271
                                    


Lenesha

Nakapamulsa at pasipol-sipol lang ako habang naglalakad ngayon dito sa kalagitnaan ng hallway patungo sa aming room. Actually, wala naman sana akong balak na pumasok today sa kadahilanang wala akong kagana-gana ngayon, pakiramdam ko ay para akong parang nanghihina na ewan.

Parang nagkapiraso-piraso ang puso ko.

Ang hirap lang talaga ipaliwanag ng nararamdaman ko sa ngayon, ang bigat bigat sa pakiramdam... Kasi naman-ugh! basta para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayon. Mukang shunga ba ganon pero maganda parin naman ako.

Ang kagandahan ay hindi mawawala sa akin.

#akolangto.

Actually, tatlong araw na rin siguro akong nagkakaganito, nakakawalan talaga ng gana ang aking nalamang balita mula kay Mareng Eq. Parang gusto ko tuloy manakal ngayon.

Sinong willing magpasakal diyan? Baka meron?? Bayaran ko nalang kayo mga.. isang million.

Kunot-noong napatingin naman ako sa aking gilid ng may maramdaman akong kumalabit sa akin, walang ganang napaikot ko nalang ang aking mga mata dahil agad na bumugad sa akin ang nakakainis na panget na mukha ni Kaye (bestfriend ni Mareng Eq the pokpok) hindi ko mapigilang napasinghal dahil malandi na itong nakatingin sa akin habang may malawak na napagkakangisi sa kaniyang labi.

Psh, kaya walang nagkakagusto sa kaniya ee. Lahat ba naman nilalandi, kating kati yarn?

"Hi, my apartment." bati agad nito sa akin at malanding kinindatan pa ako.

Umasta naman akong nasusuka sa harap niya kaya agad na napabusangot ang mukha nito na syang mahinang ikinatawa ko nalang bago siya akbayan.

"Your road! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo, ano? Psh! Dapat nga kinikilig ka na ngayon dahil ikaw na ang certified apartment ng buhay ko..." nginisian pa ako nito ng malaki.

Your road? Daanan?

Apartment ng buhay niya?

Ha? Hanodaw? Kingina.

"Sinasabi mo diyan?" taas kilay na tanong ko pa.

"Susss!!! Aminin mo na kasi, my Apartment na kinikilig ka--"

"Tanginamo ba? Hindi nga kita magets, bobo! Ano ba yang apartment na sinasabi mo diyan? Wala ka na bang matitirhan kaya sakin ka naghahanap ng apartment na matutuluyan mo?" Kunot-noong tanong ko pa sa kaniya.

Napaamang naman ako sa gulat ng bigla ako nitong sikuhin ng mahina sa aking tiyan kaya agad na nabatukan ko rin siya pabalik bilang ganti. Agad naman na napangiwi ito at inis na sinamaan ako ng tingin ngunit nginitian ko lang siya na animong nang aasar sa kaniya.

"Hayop ka talaga, Lenesha! Ang hina lang nung ginawa ko sayo tapos yung ginawa mo sa akin--tanginamo! Humapdi ng bonggang bongga yung batok ko!" inis na inis na ungot pa nito sa akin.

"Tinatanong ka kasi ng maayos kanina tapos maniniko ka lang? Tama bang gawain ng 'hayop' yung ginawa mo? Tanga-tanga, amp."

Hindi ko talaga alam kung saang basurahan ba ito napulot ni Mareng Eq ee, mabuti pa si Mareng Eq kahit papano ay kaya kong intindihin kung anong ugali ang meron siya--pero itong kaibigan niya na takas ata sa mental? Mas malabo pa ata sa bold ng japan.

"Tanginamo pala ee! Ganito kasi yan.. Yung sa iba kasi 'My home' yung tawag nila sa bebe nila! So, apartment kita kasi--"

"Ha? Joke ba yan?" confuse na sabat ko agad sa kaniya dahil litong lito na kasi talaga ako sa pinagsasabi niya, sa totoo lang.

Bakit naman pati bahay ngayon ay nadamay na? Nagjojoke ba siya or what?---ugh! Yung totoo? Ginagago lang ba ako talaga ng talanding ito?

Takang napatingin naman ako dito dahil halos umusok na ang ilong ng talanding babae habang sobrang lukot na lukot ng mukha nitong nakatingin sa akin. Mahina naman akong natawa ng makita kong na s-stress pa itong napabugtong hininga.

You Belong With Me Where stories live. Discover now