Chapter 19

7.2K 304 361
                                    


Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

=============

"Salamat po ulit, Manong Jose."

Rinig ko pa ang pagpapasalamat ni Ma'am sa kausap niya ngayong matandang lalaki na tricycle driver na aming sinakyan kanina papunta rito sa nakakatakot na lugar na ito.

Hindi ko mapigilang mapangiwi sa tuwing nakakarinig ako ng mga natatakot na tunog na hindi ko malaman kung ano bang tawag sa tunog na iyon or saan ba iyon nanggagaling.

Hindi ko alam kung saang lugar kami napadpad ngayon ni Ma'am pero dito kami ibinababa ni Manong driver sa lugar na ito na wala man lang masyadong kailaw-ilaw, tanging sinag lang ng buwan at ang ilaw ng tricycle ngayon ni Manong ang nagbibigay liwanag sa amin.

Napansin ko lang din kanina na yung mga bawat bahay na nadaanan namin sa lugar na ito is magkakalayo-layo talaga sila. Feeling ko tuloy nakakatakot talagang tumira dito sa lugar na ito kasi ang layo layo ng mga kapit bahay mo.

Pero ang mas natatakot parin talaga ay kung mawawala si Ma'am sa buhay ko. No, hindi pwede.

Natagalan pa kami kanina sa sementeryo dahil parang wala na atang balak pang umalis ni Ma'am sa lugar na iyon. Mabuti nalang talaga at nadala ko siya sa maayos na pakiusap na medyooo may kunting away parin syempre hehe...

Ang akala ko talaga ay uuwi na kami ngayon din ngunit ang sabi niya sa akin ay dito daw muna kami magpapalipas ng isang gabi sa isang kakila niya, marahil yung kakilala na sinasabi niya sa akin ay dito nakatira sa madilim na lugar na ito.

Anyway, naiinis parin ako kasi may hindi talaga katanggap tanggap ako na nalaman ngayong araw na ito. Shemay! Pota! Letche! Hindot! Lintik! yung bata pala na iyon na nasa sementeryo na pinuntahan namin kanina, siya pala ang nagngangalang Chris na tinutukoy palagi ni Ma'am! No, way! All this freaking time?! Iyong bata lang pala na iyon ang pinagseselosan ko? God! Nakakahiya ka talaga Lenesha!

Tinanong ko kasi si Ma'am kanina kung sino yung Chris na binabanggit niya na miss niya na tapos hindi ko naman mapigilan na magulat nun kasi naman seryosong seryoso niya talaga akong tinignan nun kahit patuloy parin siya sa kaniyang pagluha. Gusto ko nalang sampalin yung sarili ko that time dahil sinabi niya na nickname pala nung bata yung Chris! Jesus! Tinanong rin ako pabalik ni Ma'am kanina kung may ibang Chris pa daw ba siyang dapat na mamiss or banggitin. abay malay ko diba? Pero shemay parin talaga!

Kahihiyan! Patawarin mo sana ako kiddo kung ilang beses kitang namura sa aking isipan. Ikaw naman kasi ee!

"Nako! Walang anuman, hija. Ako'y nagpapasalamat pa nga sa inyo dahil nakadalaw kayong muli rito sa aming lugar. Ka'y tagal niyong ngang nawala eh... ngunit hindi parin talaga kayo nagbabagong mag asawa, napakagaganda niyo parin talaga."

"Manong naman..."

Nailipat ko naman agad ang aking tingin kay kay Manong driver dahil hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya kanina dahil abala parin ako sa pag ooverthink kung may aswang or kapre ba sa lugar na ito. Pero--what?! May narinig akong may mag asawa daw? Sino naman? Congrats agad, sagad sagad pa!

"Sino pong mag asawa?" kunot noong tanong ko kay Manong driver ngunit nagtaka naman ako ng naiiling na tawanan pa ako nito kaya weird na tinignan ko siya bago ko linungin ni Ma'am sa puwesto niya.

Mas lalo naman akong nawerduhan dahil kahit madilim ang paligid ay naaninag ko pa rin ang pamumula ng mga pisnge nito dahil na rin siguro sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng tricycle ni manong driver, mariin din itong nakakagat sa kaniyang pang ibabang labi kaya hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon