Chapter 24

6.6K 314 237
                                    

Jeremiah

"Ang ginaw, para akong nasa Roppongi
Pinatay niya ang ilaw, then binuksan ang VCD
Doon sa kanyang kama, kami ay nahiga
Ako ay nagulat at ako ay nabigla--"

Inis na napataas agad ang aking kilay nung marinig ko na naman ang nakakarinding boses na iyon ng aking magaling na kapatid. Narito ako nakapuwesto ngayon sa may kitchen at abala ako ngayon sa ginagawang lesson plan sa aking laptop.

"Ako'y nanginginig, pawis na pawis
Tinutok ko, pinasok, and
boy walang daplis!
At sabi nya sakin ah, uh, ah, ah,
Andrew, Andrew cge pa, cge pa." malakas pa itong kumanta.

Kunot noong naiangat ko ang aking tingin kay Elijah nung marinig ko ang kinakanta niya ngayon, nakatalikod siya ngayon mula sa aking puwesto habang abala siya sa ginagawa niyang pagluluto. Napailing naman ako dahil sumasayaw na din siya ngayon.

Malalim na napabugtong hininga nalang ako at problemadong napahilot nalang sa aking sintido. Kanina pa talaga ako naiinis at naririndi sa boses ng gagang iyan. Kung ano ano na kasing kanta ang naririnig ko sa kaniya mula kanina pa. Okay lang sana kung maganda yung boses niya ang kaso nga lang ay para siyang ngongo kung kumanta at isa pa yung kinakanta niya ngayon, ang baboy.

"Tumagilid, tumihaya,
lumuhod at dumapa at
Ng matapos na kami sabi niya
sakin shit isa panga."

See?? Potangina talaga ng hayop na ito. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nagustuhan ni Veymie sa kapatid kong iyan. Hindi naman sa paninira, ano? pero wala talaga akong makitang kagusto gusto sa kapatid ko, nagsasabi lang ako ng totoo.

Sarap tadyakan ee.

"When the night has come
At pinatay ang ilaw
Oh, madalas, lumalabas-- ay ate! May tanong pala ako sayo." nakangising nilingon pa ako nito ngunit agad siyang natigilan at napangiwi nalang ng makita niya marahil na masama na ang tingin ko sa kaniya.

"Oh?" walang ganang tanong ko bago ko naka cross arm na isinandal ang aking likuran sa aking kinauupuan habang nakaharap sa kaniya.

"Teka lang--tapusin ko lang itong ginagawa ko." nag wait sign pa siya sa akin bago nagmamadaling inayos na ang kaniyang niluluto.

Walang ganang pinanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa bago maliit na napangiti nalang. Nagtataka parin ako kung bakit hanggang ngayon ay ayaw parin niyang umalis sa puder ko- I mean rito sa aking condo, pwedeng pwede niya na akong iwan ngayon din at sumama na sa bitch niyang girlfriend ngunit narito parin ang gaga at nagtyatyaga pa ata sa ugali ko pero mabuti narin siguro iyon dahil kung wala siya ay baka wala na akong alalay ngayon rito sa condo.

I mean, wala na akong kasama dito sa condo, kahit papano kasi ay nagiging okay ako kasi nasa tabi ko siya, andyan siya para pangitiin at inisin ako.

Sakit man sa ulo ang hatid gagang iyan sa araw araw hindi ko parin naman maitatangging maswerte talaga akong may alalay-I mean maswerte akong naging kapatid ko siya. Hindi man halata at kapanipaniwala pero mahal na mahal ko talaga ang gagang iyan.

"Tapos na!!! May tanong na ako ate." nagmamadali pa itong patakbong naglakad papunta sa puwesto ko.

Hindi ko naman mapigilang matawa ng malakas dahil muntikan pang madulas ang gaga ng dahil sa katangahan niya. Inis na nginusuan pa ako ng gaga bago niya maupo sa kaharap ko.

Nagpalumbaba pa ito sa harap ko ngayon habang may nang iinis na ngisi pa sa kaniyang labi. Inis naman na napasinghal ako ngunit tinawanan pa ako ng gaga.

"I have a question!" gulat na napalundag agad ako mula sa aking pagkakaupo ng bigla nalang sumigaw ang gaga matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Gago ka--" babatuhin kona sana siya ng basahan na nadampot ko sa ibabaw ng lamesa ngunit agad na pinigilan ako nito gamit ang kaniyang nagmamakaawang tingin.

You Belong With Me Where stories live. Discover now